“Pasok kana…” bulong niya.

Tumango ako. “Pagdating mo sa bahay niyo. Tawagan mo ako ha!”

“Yeah, but don’t wait me anymore.You can sleep after you take a shower.”

I nodded again.

Pinakawalan na rin niya ako pagkatapos ng mahabang mga paalala niya. Mas tatagal pa nga dapat iyon kung hindi lang kami nilabas ni Manang at nagtatatalak dahil ang tagal-tagal ko daw lumabas ng kotse. Hindi daw magandang inaabot ng hatinggabi ang dalaga sa labas.

E, imbes na sundin ko ang matanda’y nagrason pa ako na nasa loob naman kami ng mansyon kaya hindi naman iyon nasa labas. Kaya ang ending, pingot sa tenga ang natanggap ng magandang Beverly niyo.

Kinaumagahan, maaga akong nagising. Hindi katulad nung mga nakaraang araw ay sobrang gana ko ngayon. Nakapag-jogging pa ako plus nagkabayo pa hanggang planta pabalik ng mansyon. Pawis na pawis na ako’t basa na ang likod ng tuluyan na akong makababa ng bagong bili kong kabayo. Hindi sana ako bibili pero kinain naman ako ng inggit tuwing napapadayo sa amin ang mga Montecarlos at Santibastian. Binigay ko ang kabayo sa aming hardinero na siya ring magbabalik ng kabayo ko sa maliit na bahay nito.

Nagpupunas ako ng pawis ko habang naglalakad papasok ng tanggapan. Wala naman kaming plano ni Phoenix na lumabas ngayon kaya hindi ko kailangan magmadali. Marami pa akong time para sa sarili—pero syempre, biro lang ‘yon. May edit pa akong tatapusin at nobelang dapat sulatin. Hindi ko na nga alam kung anong uunahin ko.

Ang tamad-tamad ko pa!

Hindi naman din ako sanay magset ng date at time sa sarili, sa mga dapat gawin kasi ni isa naman doon walang nasusunod. Mahina talaga ako sa time management. Pero kahit na mahina ako, natatapos ko naman agad ang mga dapat kong gawin. Isinasaisip ko nalang lahat bago ko gawin. Pinapaalala ko lang sa sariling; Kung tatamad-tamad ka, wala kang matatapos na akda.

“Beverly…” napatigil ako sa paghakbang sa hagdan ng marinig iyon.

Napalingon ako at nagulat ng makitang nakatayo si Anton malapit sa stante ng aming mga picture frame ni daddy.

“What are you doing here?” Tanong ko. Gulat sa bigla niyang pagsulpot.

Hindi ko ba nasabihan sila Manang na huwag siyang papapasukin dito? I know it’s been years since that day happened pero malinaw pa rin sa akin ang lahat ng iyon. First time kong mabastos ng ganun.

Ni ang relasyon namin ni Phoenix hindi naging maayos sa simula dahil sa trauma ko. Naalala ko kung paano ko paulit-ulit na tinanggihan at umiiyak sa harap ni Phoenix kapag nangyayaring lumalalim ang halik niya. Ni pagdampi sa balikat ko hindi niya magawa dahil agad na akong magwawala sa takot at mahihimatay.

“Nung una kitang nakita sa parke, sabi ko sa sarili ko baka ikaw ‘yung soul mate ko. Pero agad kong tinanggihan ang sarili ko kasi alam kong malabo. Kaya imbes na maging friendly sayo, sinusungitan pa kita.” Tumawa siya at kinuha ang picture frame namin dalawa.

Kumunot ang aking noo. Anong gusto niyang palabasin?

Gustohin ko mang tanggalin iyon sa stante pero hindi ko magawa dahil magtataka si manang. Gustong-gusto niyang nakikita ang larawan namin tatlo; Phoenix, ako, at si Anton.

“Natumba ka sa bike, agad kitang nasalo. Hindi ko alam na aabot pala tayo sa puntong, natumba ka sa akin at sinalo din kita. Nalilito ako kung sino sa atin dalawa ‘yung unang nagkaroon ng feelings, dahil kahit pagbalik-baliktarin man natin ang mundo. . . hindi ko maitatanggi na ikaw ang first love ko. Bata palang tayo tumibok na ang puso ko. Kaya nung nalaman ni Mama na ganito ang nararamdaman ko, pinapunta na niya ako sa ibang bansa. Ayaw kong nakikitang nasasaktan ka sa tuwing umaalis ako. Ayaw kong pinapahirapan ka dahil sa akin. Mahal na mahal kita kaya nagawa kong gawin ‘yung mga bagay na ayaw ko naman talaga nung simula. Ang saktan ka ay hindi ko kailanman ginusto, pero ginawa ko para lang ilayo ka sa akin—para hindi ka nahihirapan sa sitwasyon natin,

“Alam mo kung ano ang pinagsisisihan ko sa lahat? ‘yung pilitin ka sa isang bagay na nagbigay sayo ng matinding trauma. Ang gago ko para saktan ka ng ganun. Ang gago ko para hawakan ka sa ganung paraan. I titled myself to be your best childhood‐bestfriend pero isa akong gago para saktan ka lang ng ganun. Hindi ako kailanman naging mabuting boyfriend sayo—ni kaibigan, hindi rin. Kasi ang gago ko para sirain ‘yung buhay ng mahal ko. Sinira na nga ng pamilya ko, sinira ko pa ng husto. I’m sorry, bebs. . . Alam kong huli na ang lahat pero gusto ko lang humingi ng tawad sayo. I’m sorry, sana mapatawad mo pa ako.”

Unti-unti siyang lumuhod. Nagsibagsakan ang mga luha ko. Galit din ako sa sarili ko dahil kahit anong gawin ko, hindi pa rin iyon mawawala ang kadahilang siya ang unang lalaking minahal ko. Siya pa rin ‘yung bestfriend ko. Siya ‘yung laging nandyan para gamutin ‘yung sugat ko tuwing nadadapa ako.

“Anton…” bulong ko at napasinghap ng unti-unti siyang lumuhod.

Bago ko pa man napigilan ang sarili ko’y inilang hakbang ko na ang pagitan naming dalawa’t pinilit siyang patayuin.

“Tumayo ka diyan, Anton. Please…”

Sinubukan kong alisin ang luha sa aking mga mata pero hindi ko iyon maabot dahil tinutulungan ko pa rin makatayo si Anton.

“I’m sorry, bebs.” Tumingala siya sa akin at unti-unting hinawakang aking aking dalawang pisngi. Siya na mismo ang nagtanggal ng luha ko.

“It’s okay, Anton. Patawad din kasi hindi ako naging matatag. Hindi ako naging mabuting nobya kaya hinanap mo ito sa ibang tao.” Ani ko.

Unti-unti siyang tumayo. Nakaalalay naman ako sa kaniya.

“H-hindi totoo ‘yan. You’re perfect, bebs. Nasa sayo na lahat, ako lang talaga ang hindi pa nagisip ng mas magandang paraan. ‘Yun pa talagang alam kong masasaktan ka.” Utal niyang sabi.

Tumango ako. Naramdaman ko nalang ang unti-unting pagkulong ni Anton sa balikat ko at mas pinalapit pa ako sa kaniya. Marahan niya akong niyakap. Ramdam ko ang  pangungulila namin sa isa’t-isa sa yakap na ‘yon.

“Thank you,” bulong niya.

Tuyo na ang luha ko at nakangiti na ako ng humiwalay sa kaniya. Sakto naman ang pagpasok ni Manang habang may bitbit na mga eco bag. Agad siyang nilapitan ni Anton para tulungan sa pagbitbit.

“Oh, Anton… nakauwi kana pala? Nagkita na ba kayo ni Phoenix? Pumasok ‘yon dito ah! ‘yong batang iyon imbes dumeretso dito tinulungan pa ako sa pamamalengke! Sabi nga niya hindi naman daw aalis si Beverly dito sa bahay kaya hindi siya nagmamadali.”

Napatanga ako, “Pumunta po dito si Phoenix?” tanong ko.

Kumunot naman ang noo niya. “Oo anak, hindi ba kayo nagkakitaan dito? Kakalabas niya lang—”

Hindi ko na siya pinatapos at agad tumakbo palabas ng mansyon. Halos magkadapa-dapa pa ako habang tumatakbo. Mas dumoble ang kaba ko ng makitang nasa gate na siya at kinakausap ang guard doon. Seryoso ang mukha niya at mas lalo kong nakita ang galit doon ng tuluyan akong makalapit sa kaniya.

“Mahal…” I whispered.

Napatigil siya sa akmang pagbukas ng pintuan ng kaniyang driver seat. Tiningnan niya ako. Puno ng pagmamahal ang palagi kong nakikita doon pero ngayon may galit na sa kaniyang mata.

“Uuwi kana agad?” tanong ko ng hindi siya tumugon.

Sigurado akong nakita niya ang pagyakap ko kay Anton kaya siya ganito ngayon.

“Uy…” nakasimangot kong sabi at tinusok ang kaniyang tagiliran. Ni hindi man lang siya nagreact!

“Stop,” pigil niya. Naiwan sa ere ang aking kamay. Umiwas siya ng tingin at sumandig sa kaniyang kotse. “Go back inside. Naghihintay sayo yung bisita mo.”

Napangiti pa rin ako kahit na may diin sa sinasabi niya. Hindi siya aalis pa, siguro gusto niya pa ako makausap!

Suyuin natin itong baby natin!

Itutuloy. . .

UNSPOKEN PROMISES (ON-GOING)Where stories live. Discover now