"Okay lang po kami ate." Mahinang sabi ni Zya. Napakahinhin talaga ng batang to, napakalambing rin kung magsalita.

"Mama next week na po yung birthday ni baby Zio saan po tayo magce-celebrate!?" Excited nitong tanong. Napatingin ako kay Karic na nakasunod lang kay Aera.

"Babe you know my new hotel?" Napairap ako dahil alam ko na ang ibig sabihin nito. Kakatapos lang ng pinapagawa nitong hotel sa isla ni Rius at next week ng bubuksan iyon.

"Mama let's go there! It's been one year na po since nagtravel po tayo, yung last sa kasal pa ninyo ni Daddy eh sobrang tagal na nun. Sige na mama pumayag kana please..."

NAPAIRAP  na lang ako sa gilid habang pinapanood silang lahat magkagulo sa labas habang inaayos ang mga gamit na gagamitin. Seriously may hotel kaming tutuluyan kaya dapat di na sila magdala ng maraming gamit. Sa susunod na araw pa ang birthday ni Baby Zio pero dahil sa excited ang lahat umalis, eto kami ngayon at naghahanda na. Mamayang hapon pa naman ang alis namin pero kung makakilos ang mga to, akala mo naman segundo na lang ang meron kami.

"Mama can I bring this one?" Aera ask.
"Ate paano po ito gagana?" Kinara ask.

"Ate pwede ko bang isama yung girlfriend ko? Dali na ate pumayag kana! Ayaw mo ba syang makilala? Ayaw mo ba sa kanya?" Ruan said or more like demanding.

"Ate magdadala po ako ng books para may magawa naman po ako habang nandoon tayo." Mahinang sabi ni Zyana at matipid na ngumiti.

"Pupunta tayo doon para i-celebrate yung birthday ng pamangkin mo at ng kapatid mo, magsasaya tayo doon. Ipahinga mo muna yang mata at utak mo."

"At ikaw Ruan ano itong narinig ko na magdadala ka ng girlfriend!?" Masungit na tanong ni Zeryna at hinatak ang buhok ni Ruan.

"Oh ano naman ngayon!? Malaki nako pwede nakong magjowa kahit ilan!" Naningkit ang mga mata ko sa sinabi  ni Ruan.

"Ruan." Seryosong tawag ko rito.

"Joke lang ate! Faithful ako no." Napahilot na lang ako ng sentido dahil sumasakit ang ulo ko sa ingay nila. Idagdag pa ang mga batang to na sa akin pa talaga nagtatanong.

"What's wrong? Are you okay?" Malambing na tanong ni Karic at hinawakan ang kamay kong nasa sentido ko at hinalikan iyon.

"Nasaan si Zio?" Niyakap ako nito at matagal na hinalikan ako sa pisngi.

"Hiniram muna ni Mama." Sagot nito habang inaamoy ang leeg ko. Siniko ko ito dahil maraming bata sa paligid.

"Zeryna si Kaia?" Tanong ko dahil kanina ko pa ito di nakikita. Napalingon sa akin ang kambal ko na busy sa pakikipag-agawan ng maleta kay kuya Vinzo.

"Kinidnap ni Alius paggising ko wala na si Kaia— tumigil ka nga! Sabi ko nang nandito na lahat ng kailangan mo, bakit mo pa titignan magugulo mo lang yung pag aayos ko sa mga damit."

"I just want to know if you—"

"Oo nga! Nandito na ang kulit mo, kapag nangulit ka pa wala ka talagang sexy time sa akin!" Napangiwi ako sa vulgar words na sinabi ni Zeryna.

"Ano ba yan! Ang bastos, ang lakas pa ng boses may mga bata dito ate." Nakasimangot na reklamo ni Ruan. Inirapan lang sya ni Zeryna at walang sinabi.

Di ko alam kung anong meron kay Kuya Vinzo at sa kambal ko pero aware kaming may nangyayari sa kanila di lang namin alam kung ano talaga status nila.

Well kung titignan seryoso si Kuya Vinzo di ko lang alam sa kapatid ko.

"Hello everyoneee...!" Lahat kami napatingin sa kakarating lang na kotse at bumaba si Ashna at Alius kasama ang kapatid ko. Ngumiti ito sa akin at kumaway habang punong puno ng chocolates ang kamay nito at sa gilid ng labi nito.

LIVING WITH MY EXUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum