"Natutulog yung tao, huwag mong gisingin," ngumisi sa akin si Jacob.

"Tama," sang-ayon ng kakambal niya, si James.

Yung kambal na 'to, namumuro na sakin ang mga putangina.

"Kayo ba?" Biglang tanong ni Kiel.

Agad akong tumingin sa likuran, nasa dulo sila at magkaka-tabi sila ng kambal at ni Dwayne.

Sinamaan ko siya ng tingin pero inosente lang siyang nakatingin sa akin.

"Never," sagot ko at umirap.

"Talaga lang ha," rinig kong sabi niya na hindi ko na pinansin pa.

Baka makasampal ako ng isang Ezekiel.

Lumingon ako sa gawi ni Chase at nakita siyang naka-earphone habang si Kaulev ay tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana.

Sunod kong tiningnan ay si Trace na katabi si Ashton. Si Ashton na nagsusugal sa cellphone niya at si Trace na parang may malalim na iniisip.

Ano kayang iniisip niya?

Ngayon ko lang napansin na hindi ko na sila masyadong nakakakusap. Tangina kasi ni Kairus, eh.

Si Kairus kasi laging laman ng isip ko. Hindi kaya ginayuma ako nito?

Bahagya akong tumingin sa likuran ko kung nasaan si Zyrus. Siya lang ang mag isang nakaupo sa likuran ko, solo niya ang upuan.

Ito kasing si Yvo nasa sahig, nakahiga.

Nagulat nga kami kanina dahil may dala siyang comforter, kumot at unan. Hindi na yata uuwi ang gagong 'to.

"Namimiss ko na si Ellaine ko," biglang sabi ni Dwayne na ikinangiwi ko.

Bahagyang akong sumilip sa likod.

"Hindi ka naman miss non," singit ni Ashton habang ang atensyon ay nasa cellphone pa rin niya, naglalaro.

"Aba, gago 'to ah," rinig kong aniya. "Inaano ba kitang tarantado ka?"

"Isa ka pang tarantado, totoo naman sinasabi ng Ashton natin," nakangising sabat ni Kiel.

"Putangina niyo," pikon na sabi ni Dwayne at inambahan pa si Kiel nang sapak.

Ito namang si Kiel, tawa nang tawa.

Si Kiel kaya ang nag-turo kay Kairus na tumawa? Si Kiel lang naman ang mahilig tumawa nang tumawa sa amin.

"Miss ko na rin si Katrina, guys!" Masayang sabi naman ni Ethan kaya napatingin ako sa kaniya.

"Na-kiss ko na rin siya sa lips," dagdag niya habang taas baba ang kilay niya. "May first kiss na ako!"

Muntik na akong mabilaukan sa sarili kong laway dahil sa sinabi niya.

Tangina?

Lahat kami natigilan sa sinabi niya. Si Kairus nga na nakapikit ay napadilat at agad na napatingin kay Ethan.

Si Jake at Kio na napatigil sa pagtatalo at ang mga nasa likod na sina Kiel ay natahimik. Si Kaulev at Chase na napatingin din kay Ethan.

Si Zyrus na biglang sumilip mula sa likuran ko, si Trace na parang natauhan habang si Ashton ay napatigil sa paglalaro at napunta ang atensyon kay Ethan na nakangiti.

Si Kleon na nagising mula sa pagkakatulog, si Sebastian na nakataas ang kilay pero may ngisi sa labi. At si Yvo na napabangon mula sa pagkakahiga sa sahig.

Napatingin naman ako kay sa katabi ni Ethan na si Ryuu na nakatanga habang nakatingin sa katabi niya na malaki ang ngiti.

"Anong sinasabi mong may first kiss kana?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Kiel.

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Where stories live. Discover now