Chapter twenty

198 5 4
                                    

"Ate Jewel ako muna magbabantay kahit
ngayon lang gabi kay Flint. I, para
makapagpahinga ka naman ng husto po."
saad ni Claire sa akin kakarating lang nito.

Siya naging kasa-kasama ko simula ng
mamatay si Lola at katulong ko sa
karinderya at ang kapatid naman nito
namamahala sa talyer..

I want to help her planu ko sana next year
gusto ko siya pag-aralin kaso
nagkasabay-sabay ang hindi
magagandang pangyayari pero
pinapangako ko papatapusin siya ng paq-
aaral but for now si Flint muna, kailangan
niya maoperahan sa ulo dahil may namuo
dugo dahil sa malakas na impact na
pagkakabungo sa kanya.

Isang linggo na simula maaksidente pero
hindi pa rin nagkakamalay si Flint. Hindi
nawawala ka ba at takot ko sa sitwasyon
ni Flint, sabi ng Doctor Kailangan
maoperahan si Flint as soon as possible
para hindi lumalala ang sitwasyon,
problema ko malaking halaga ang
kailangan at hindi sapat perang naipon ko.

At isa pa, hanggang ngayon wala pa rin
balita mula sa mga pulis wala pa lead
kung sino nakabangga dahil ayun sa mga
nakakita sinadya banggain ang anak ko.
Wala plate number na nakuha dahil
mabilis ito pagpapatakbo ng sasakyan

Kung iisipin wala ako nakaaway dito
simula ng pumunta kami ng Maynila.
Hindi ko alam kung anu motibo. Gusto
kung makuha ang hustisya para sa anak
ko pero hindi sapat ang pera ko at mas
kailangan ko ito sa pagoopera kay Flint na
kulang pa hanggang ngayon.....

Hindi ko alam kung saan ako kukuha hindi
sapat ang kita sa talyer at karinderya.

"Okay lang ako Claire ikaw kailangan mo
magpahinga kasi pagod ka sa
pamamahala n karinderya natin....

"Sapat naman po tulog at tinutulungan
naman ako ng kapatid ko kung wala
customer sa talyer." saad nito habang
inaayos ang mga pagkain sa lamesa..

"Kaya ko naman dito Claire, gusto ko kasi
kapaq naqising si Flint ako una makikita
niya kaya ayaw ko iwan siya."

"Okay po Ate ikaw bahala, basta huwag ka
lang magpalipas ng gutom at bka ikaw
naman magkasakit.

'Thank you Claire don't worry aalagaan ko
sarili ko."

"Maiba ako saan ka kukuha ng pandagdag
pampaopera ni Flint, wala ka ba kaibigan
na puwede makatulong sa'yo except kay
Yana at Kuya Damian." tanong nito

'"Wala kung meron man hindi ako hihingi
ng tulong sa kanila kasi hindi naman kami
close nakakahiya naman." sagot ko pero
sila unang pumasok sa isip ko.

"Ate hindi naman sa nakikialam ako, kaso
kung sila lang naman 'yung mga kaibigan
mo makakatulong sa'yo para kay Flint
para maoperahan why not di ba? sa
panahon ngayon kailangan mo na kapalan
ng mukha lalu na buhay ang nakataya at
utanq naman babayaran mo naman sila
kahit paunti unti, tumatakbo ang oras sa
ngayon wala pa komplikasyon paanu sa
darating na mga araw na wala ka pa
nakukuha pera, alam ko madali sabihin
dahil Hindi ako nasa posisyon mo,
mahirap gawin pero para kay Flint
makakaya mo gawin Ate, at alam ko siya
na lang meron ka bukod kay Yana at Kuya
mo na ngayon na wala na si Lola."

May point si Claire, kakapalan ko muna
mukha ko. Hihingi ako ng tulong kila Thea

Alam ko nangako ako hindi na ako sa
kanila magpapapakita pa pero sila lang
may kakayahan para matulungan ako at
kahit anu gagawin ko para kay Flint.

"I will try Claire na humingi ng tulong sa
kanila pero hindi ko alam kung
matutulungan nila ako pero maghahanap
pa rin ako sa iba."saad ko na hindi ko
mapigilang mapaluha..

Hindi ko alam ngayon mga nakaraang
araw lagi na lang ako emosyonal na hindi
ako ganito.

"'Yung nakabundol kay Flint pumunta ako
sa pulisya pero wala pa rin sila Lead, hirap
kasi sa gobyerno natin kapag mahirap ka
hindi ka nila ipapapriority, kesyo wala ka
pambayad.........kaya minsan dinadahilan
nalanq nila wala pa lead ganito ganyan at
kung sana mayaman na lang tayo noh
ate....pero mahirap tayo eh..."

"Bahala na ang Diyos sa kanya kung
sinuman gumawa sa anak ko at gustuhin
ko man makuha ang hustisya wala tayo
magagawa ayaw ko irisk ang pera na
pampaopera ni Flint......darating ang araw
makukuha rin namin ang hustisya...hindi
man sangayon.."

"Pero sino kaya may gawa noh, pala isipan
pa rin sa akin kasi ang bait mo wala ka
naman siguro nakaaway para gawin 'yun
sa anak mo po..."

"Wala Claire wan ko ba at kung sadya
man o hindi bahala na si God
angimportante buhay ang anak ko.

"Buti na nakakatulog pa mahimbing ang
gumawa noon kay Flint, batang walang
kamuwang muwang, buhay talaga nga
naman.......kadalasan sa sobra saya mo na
may darting pala masakit na pangyayari
at mas masakit kung importante tao sa
buhay mo ang nasaktan..."

"Malalagpasan rin namin ito Claire, tara na
kumain na tayo uuwi ka pa baka gabihin
ka sa daan mahirap na wala pa naman si
Clarence para sunduin ka, over time na
naman sila.

"Sige para makapaghinga kana rin Ate ,
namumutla kana ...

Masaya kami nagsalo ni Claire ng
hapunan sa kabila ng mga nangyari heto
matatag pa rin ako kahit minsan gusto ko
na rin sumuko pero hindi puwede dahil
kay Flint.

Matapos kumain agad naman iniligpit ni
Claire pinagkainan namin.

Hindi ko na ito natulungan dahil bigla na
lang ako nahilo.

"Ate samahan ko na kasi kayo dito uwi na
lang ako maaga bukas at para makatulog
kayo mayos nahihilo kana dahil kulang
sa tulog ka"

"Huwag na kaya ko naman at baka
nalipasan lang ako gutom, pero okey na
ako ngayon puwede kana umuwi
Claire...".

"Okay hindi na kita pipilitin pa... basta
tawag ka lang kung kailangan mo ako..."

"Oo Claire Thank youathuwag mo
kalimutan maglock ng pinto ng
bahay....'yung gate lock mo rin may susi
naman si Clarence.'" paalala ko dito. sa
amin na rin kasi nakatira ang magkapatid
at kambal sila..

Pareho na sana maghihigh skol ang
dalawa ngayon pasukan pero dahil
namatay mga magulanq hindi na
nakapagpatuloy..

"Opo ate.....siya nga pala may nagdeliver
nito sa karinderya at wala sabi kung
kanino galing basta ibigay daw sa'yo."
saad ni Claire habang may kinukuha sa
bag nito......isang envelope at inabot ito sa
akin..

"Kanino kaya ito galing..walang man lang
impormasyon."" sa isip ko..

"Mauuna na ako Ate, inagt ka
dito....tawagan mo ako kapaq kailangan
mo."

"O0 Claire salamat ulit at ingat ka din sa
paguwi, yung mga bilin ko huwag mo
kalimutan."

"Opo sige, alis na ako. "paalam nito at
tuluyan ng umalis ito..

Nang makaalis si Claire agad ko binuksan
ang envelope.

Larawan ko noong High School
Graduation......pero ang kinatawag ng
pansin ko butas ng larawan sa may noo
parang pinaputukan g baril...
At sa likod nito may nakasulat..

"Nagsisimula palang ako Jewel...may
susunod pa, kung ako sayo babalik na
lang ako sa pinanggalingan mo...".
Agad ko nabitiwan ang larawan...

Takot at kaba ang naramdaman ko
kasabay ng panginginig ng katawan ko.

One night to forget Where stories live. Discover now