Chapter three

243 6 0
                                    

"Sa wakas nakarating na tayo Jewel."
nakangiting saad ni Yana habang
nakatingin sa malaking bahay na nasa
harap namin. Nandito na kami ngayon sa
tapat ng bahay na pinagtatrabahuhan ni
Lola Pasing.

"Good Morning po!" masigla bati ko sa
mga guwardiya.

"Good Morning din mga Hija,ano
kailangan niyo? magalang na tanong ng
sang guwardiya.

"Manong kami po 'yung bagong mga
katulong at si Lola Pasing po 'yung
nagrecommend sa amin sa amu niya."
sagot ko.

"Sandali lang at tawagan ko si Lola
Pasing," paalam nito sa amin.

"Sige po salamat."

"Grabe Jewel sobra laki ng bahay, sobra
yaman pala ng amu ni Lola Pasing, kaya
pala laki ng pinapasahod para sa kanila
barya lang sa kanila at sarap ng buhay
mayaman." saad ni Yana habang inililibot
ang paningin nito sa loob ng bakuran.

"Sana man lang hindi sila matapobre,
gaya ng ibang mayayaman,." sambit ko sa
kawalan.

"Hindi naman siguro, kasi hindi naman
magtatagal si Lola Pasing sa paninilbihan
sa kanila kung matapobre sila di ba?"

"Sabagay." tanging nasabi ko nalang at
sabagay hindi tatagal ang isang
naninilbihan kung matapobre ang
pinagsisilbihan. llang sandali pa bumalik
na rin ang guwardiya.

"Pasok na kayo mga Hija, naghihintay na
si Lola Pasing sa loob." pagiimporma niya
Sa amin.

"Okay salamat Manong, sige pasok na po
kami." nakangiting paalam namin sa
kanila.

Hindi na kami nagpatulong sa dala namin
bag, kasi hindi naman mabigat konti lang
damit namin tutal sa sunod na linggo,
susunod din sila Lola kapag nakahanap
na kami matitirahan. Pagdating namin sa
loob agad kami sinalubong ni Lola Pasing.

"Yana, Jewel buti naman nakarating kayo
maayos, kumusta biyahe niyo pasensiya
na kung hindi kayo nasundo ng driver
busy kasi." saad ni Lola pagbungad namin
saloob.

"Okay naman po biyahe namin at okay
lang po Lola kung hindi kami nasundo."
sagot ko.

"Ganda ng bahay Lola," sambit ni Yana.

"Oo Do nga kaso sobra tahimik naman hija
mas maganda pa rin yung maliit na bahay
basta maingay, buo at masaya." saad ni
Lola at tama naman siya aanhin mo
naman malaking bahay kung ganito
naman talaga, tahimik at halos wala na
ingay at nakatira.

"Bakit nasaan mga amo mo Lola? At kayo
lang ba dito?" tanong ni Yana.

"Mamaya na tayo magkuwentuhan punta
muna tayo sa kwarto niyo at pagkatapos
kumain a muna kayo almusal sigurado
gutom na kayo. " yaya ni Lola.

Agad naman kami sumunod sa kanya at
pagpasok namin sa kwarto hindi mo
masasabi kwarto ito para sa isang
katulong at kumpleto sa gamit.

Matapos maipasok namin ang aming mga
gamit, agad naman namin tinungo ang
kusina. Nakahanda na rin ang almusal sa
hapag-kainan.

"Kain na kayo mga apo." Yaya ni Lola na
dala-dala niya dalawang baso gatas.

"Salamat La, dami naman nito pagkain."
saad ko.

"Pinaghandaan ko talaga pagdating niyo
mga apo at sa wakas meron na rin ako
makakasama dito."

"Nasaan ba sila Lola, yung mga amo mo
po?tanong ni Yana.

"Dati kasi nandito yung mag-asawa kaso
babalik na anak nila kasama asawa at
anak galing ibang bansa at dito na sila
mananatili, 'yung anak na kasi nila ang
mamahala ng kompanya at kailangan na
rin kasi magpahinga yung mag-asawa
tumatanda na rin kasi sila. Nasa Hacienda
na sila ngayon nakatira at noong isang
linggo lumipat mas okey kasi duon
makakarelax sila at malayo sa polusyon
dito sa Maynila."" paliwanag ni Lola.

One night to forget Where stories live. Discover now