Chapter 33 : New Beginning

78 5 2
                                    

--

YANNA

Nakarating na ako sa incheon airport dito sa korea dala dala ko mga maleta ko habang hinahanap ko si nicolai. Sya daw kasi susundo sa akin. Matamlay parin ako na naglalakad ng napagod na ako umupo ako sa may gilid at doon naghintay. Pinatong ko yung ulo ko sa maleta ko inalala ko parin si keith bakit ba ang hirap hirap para sa akin na kalimutan sya?

Bakit ang hirap mo kalimutan?! Pwede ba mag amnesia na lang ako para makalimutan ko lahat ng toh?! Ang sakit lang kasi kinalimutan ko yung nararamdaman ko sa isa para ibigay sa kanya lahat ng atensiyon ko tapos hindi ko alam gagantuhin lang pala nya ako

"Yanna?"

Unti unti ko inangat ulo ko andito na pala sya agad ko inayos sarili ko pinunasan ko rin luha ko tsaka ako tumayo,

"May problema ba?"

Umiling ako. "Wala tara na?"

Tinulungan nya ako ilagay mga gamit at maleta ko sa likod ng kotse tsaka ako pumasok sa loob. Pamangkin sya ni uncle larry buti na lang talaga may kakilala ako dito kahit papaano hindi ako mahihirapan mag adjust

"Mag isa ka lang dito?" tanong ko ng nakarating na kami sa bahay nila dito sa korea

"Yup, actually may kasama ako dati pinsan ko pero kakaalis lang nya last week pa malaysia naman"

Agad kami bumaba tinulungan ko sya ibaba mga gamit ko. Pagpasok namin sa loob ang ganda pala dito hindi sya gaano malaki pero ayos na din. Hinatid lang nya ako sa magiging kuwarto ko doon inayos ko mga gamit ko sakto naman inupdate ako ng friend ko si rosie sya kasi naglalakad mga papel ko sa komapanya na pinapasukan nya pwede na dW ako mag start bukas

Bigla naman bumukas yung pinto. "Uhh ayos ka naman dito noh? Kailangan ko kasi umalis e i just need to fix something"

"Ahh oo ayos lang ako"

May binigay syang susi. "Oh tig isa tayo if nagugutom ka may food dyan sa kusina baka din gabihin ako ng uwi huwag ka lang magpapapasok if hindi mo kilala"

Tumango lang ako sa kanya tsaka sya umalis. Tinabi ko lang muna yung mga maleta kos a gilid nagugutom kasi ako ng nakita ko na umalis na sya dumeretso agad ako sa kusina para maghanap ng makakain sakto may ramen ako nakita kaya yun na lang linuto ko

Habang naghihintay ako tinawagan ko si isabelle thru video call para sabihin na nakarating na ako. Habang cinocontact ko naman sya bigla naman ako nakarinig ng ingay banda sa sala kaya binaba ko muna phone ko tsaka ko kinuha yung baseball bat na nakasabit sa dingding. Dahan dahan ako pumunta doon hanggang sa may nakita akong lalaki nakatalikod at balot na balot kaya agad ako lumapit at pinaghahampas sya sa likod

Ng natumba na sya dali dali ko rin kinuha yung black na plastic tsaka ko linagay sa uli nya doon inumpisahan ko sya paghahampasin

"Stopp!" sigaw nya kaya naman tumigil ako sa ginagawa ko unti unti ko tinanggal yung plastic

"What the fvck! Who the hell are you?!"

"Ikaw bakit ka andito magnanakaw ka noh magnanakaw!"

"I don't understand you! By the way im jiemin and this house are own by my friend nicolai"

Nagulat ako sa sinabi nya nako patay na akala ko magnanakaw,

"Omyghad mianhe mianhe" agad ko binaba hawak kong baseball bat tsaka ako humingi ng sorry

"It's okay what's your name?"

"Im yanna cousin of nicolai" inilahad ko kamay ko sa kanya agad naman nya toh tinanggap

More Than Friends (COMPLETE) Where stories live. Discover now