Chapter 32 : Protective Friends

63 6 2
                                    

--

SIMON

"Max? Nakakuha ka?" tanong ko ng nakabalik na sya

"Sorry sir pero wala po ako nakuha na available ngayon meron naman po bukas kaso ubos na din po e."

Napahilamos na lang ako sa muka ko dahil sa mga narinig ko hindi ko alam pero hindi talaga ako mapakali. Kinuha ko na lang yung phone ko tsaka ko chinat si yanna pero she didn't even respond to my text or chat naman i have bad feeling talaga

"Sige sige okay lang go back to your work nga pala can you please get me a coffee?"

Tumango naman sya agad. Napasandal na lang ako sa office chair ko habang nagpapaikot ikot i took a deep breath tsaka ko sinimulan pakalmahin sarili ko. Sakto naman tumunog cellphone ko finally she response na!

yannaztr : ayos na ako huwag ka na mag alala tsaka may kasama naman ako na susundo sa akin sa airport

Inayos ko sarili ko tsaka ako umayos ng upo sa sobrang bilis ko mag type halos mag lag na phone ko,

simon_marcos7 : r u sure? gusto mo susunod ako sayo sorry ga i just want to make sure kasi na safe ka

Bumuntong hininga nanaman ako after ko isend toh this time typing na sya kinakabahan tuloy ako

yannaztr : yan ka nanaman e' kaya ko sarili ko kakayanin ko tsaka don't worry safe ako dito tsaka baka mamaya mag selos nanaman si nath

Ng binasa ko chat nya hindi papala nya alam na wala na kami ni nathalie but we're still friends rin naman. Tama sila hindi mo mapipigilan puso mo na magmahal i mean you can't dictate your self to love someone na hindi mo naman talaga mahal

simon_marcos7 : wala na kami ni nath tinapos na nya lahat

I wait her reply, sakto dumating coffee ko na ginawa ni max agad ko naman toh ininom

yannaztr : what?! paano?! teka ano ginawa mo sa pinsan ko?!

Halos mabuga ko yung iniinom ko. Bakit kasalanan ko sya yung tumapos hindi naman ako ha

simon_marcos7 : relax! wla ako ginagawang masama sya yung bumitaw tsaka huwag mo na nga alalahanin yun basta always remember yanna don't give up hihintayin kita sa pagbalik mo...

Pagkatapos ko isend toh mukang naka offline na sya siguro nakatulog na toh inoff ko na rin phone ko. Nag decide rin ako na puntahan si keith he need to explain everything to me, Pero bago muna yun pinakalma ko muna sarili ko baka kasi mamaya makapatay pa ako ng tao

Tumayo na agad ako tsaka ko kinuha susi ko palabas na sana ako ng sumalubong sila sandro. Ano ginagawa nya dito?

"Narinig ko nangyari kay yanna bakit mo hinayaan na umalis yung tao?" naka kunot noong tanong ni kuya

"May care ka pala sa kanya?"

"Of course para ko na syang younger sister alam mo asaan yang gungong na yan?"

"Huwag na kuya ako na kakausapin ko sya tsaka sunduin mo na lang si vince sa airport"

Aakma na sana ako aalis pero humarang uli sya sa dinadaanan ko. "May susundo na sa kanya so please sabihin mo sa akin sige eto na lang sasama ako sayo but i promise hindi ako gagawa ng gulo"

Wala na ako choice kundi isama sya dumeretso agad kami sa condo ni keith ang buong akala kong pag papanggap totoo pala lahat? Naabutan namin si yumi na andoon parin nahihibang na ba talaga si keith alam mo napaka laki nyang gago! Ng aakma na sana si kuya na lalapit sa kanila agad ko hinila likod ng damit nya pabalik

"Bitawan mo nga ako!"

Tumingin si keith sa amin. "Si yanna, nasaan si yanna okay lang ba sya?"

"Gago! Lakas ng hiya mo rin noh. Pagkatapos mo lokohin tatanungin mo if okay lang" ramdam ko galit ni kuya all this time may care pala sya kay yanna pano ba namn kasi lagi ko sila naabutan na nagbabangayan lagi. "Ngayon pano kung sabihin ko wala na si yanna may magagawa ka ba?!"

Kitang kita konsa ekspresyon ni keith na nagulat sya sa sinabi ni kuya loko talaga toh eh pinapatay agad si yanna,

"No, mali iniisip niyo nakaalis na sya pa korea ikaw naman kuya eh kung ano ano sinasabi mo" reklamo ko

"You two pwede ba umalis na kayo nakakaistorbo kayo eh" singit ni yumi

"Bakit? Nag aano ba kay--"

"Kuya!" putol ko

"Naparito ako para tanungin ka keith bakit mo yun ginawa? Hindi mo ba alam nasaktan si yanna minahal ka nya keith tapos gaganyanin mo lang?"

"Oo nga!"

"Kuya shut up!"

"Tell me keith i want an honest answer may kinalaman ba toh sa sinabi mo kagabi sa akin?"

Umiling sya. "Wala, nagbago desisyon ko i just realized na mahal ko parin si yumi u want to spend tge rest of my life with her sorry. Sorry if i lied sorry if i played yanna's heart sorry"

"Why can't you just accept it! Hindi na sya mahal ni keith at pwede ba ganyan ka ba ka desperada kaibigan niyo nagsum--"

"At pwede ba tumahimik ka dyan kung may desperada man sa inyong dalawa we all known na ikaw yun so please better to shut up bitch" pareho kami nagulat ni keith sa sinabi ni kuya hinawakan ko din sya sa braso nya baka kasi pati si yumi saktan nya

"Alam mo keith nagkamali ako ng kilala sayo nagkamali ako na pinagkatiwalaan kita akala ko pa naman ikaw na yung maasahan ko kay yanna hindi pala. At eto hinding hindi na kita hahayaan na makalapit sa kanya kahit huling araw mo pa dito sa mundo" huli kong sinabi bago ako umalis doon hila hila so kuya

This is my biggest mistake I've done pinagkatiwalaan ko yung taong hindi naman dapat pagkatiwalaan. Habang naglalakad kami dito sa hallway papunta sa elevator bigla na lang huminto si kuya kaya huminto rin ako

"Bakit?"

"Hindi pa ako satisfied"

Bigla naman sya bumalik sa unit ni keith agad ko naman sya hinabol pero huli na ako naabutan ko na lang sya na nakapatong kay keith habang tuloy tuloy suntok nito halos mabugbog muka ni keith sa kanya

"Please stop!" sigaw ni Yumi

"Subukan mo mangelam muka mo naman isusunod ko!" pagbabanta ni kuya kaya hindi magawang lumapit ni yumi

"Kuya tama na!" agad ko sya hinila palayo kay keith ibang iba aura ni kuya ngayon nakakatakot sya tingnan

"Gago ka! Hindi pa yan sapat sa lahat ng ginawa mong pang loloko sa kaibigan sana karmahin kang gago ka!"

Unti unti naman tumayo si keith tsaka nya pinunasan dugo nya sa labi nya tiningnan nya kami ng deretso. "Huwag ka mag alala matagal ko na nakuha karma ko and your right i deserve this"

Hinila ko na si kuya palabas doon hinawakan ko dalawa nyang braso para hindi na sya makabalik doon. Sumakay na din kami sa sasakyan at doon kami nagusap ng masinsinan

"Bakit mo ginawa yun?"

"Then why not? He deserves that! Kulang pa nga yan e."

"Kahit na! You don't have right para saktan sya paano kung mapatay mo sya?"

"Talagang doon ka pa may care kesa sa akin na kapatid mo?"

Nagulat nman ako sa sinabi nya tiningnan ko muka nya wala naman syang tama. Don't tell me nagseselos sya tss. Nag seatbelt na ako tsaka ko na pinaandar yung sasakyan habang nasa byahe kami hindi ko maalis isip ko si yanna. Sana okay lang sya tama naman sya kailangan ko sya pagkatiwalaan kaya nya sarili nya

"Ouch!"

Ng narinig ko daing nya agad ko hininto yung sasakyan para tingnan sya,

"Bakit? May masakit ba?"

Bigla naman sya tumawa na parang witch aishh napaka siraulo talaga nito,

"Kuya!"

"May care ka pala sa akin" sabay tawa pa nito

More Than Friends (COMPLETE) Where stories live. Discover now