Nakita ko si Ate sa may labas ng parlor at agad siyang niyakap.

"Amoy araw ka," aniya at bahagya akong inilayo sakanya. "Dinalhan kitang damit. Gusto mo magpalit?"

"Sige ate," sagot ko. Kinuha niya sakin 'yung bag ko at iniabot niya naman sakin 'yung paperbag na bitbit niya sabay pumasok na kami sa loob ng parlor kung saan dumiretso kaagad ako sa may banyo.

Napasimangot ako nang makitang 'yung pulang t-shirt dress ni ate ang laman ng paperbag. Ano 'to? Bakit eto ang dinala niya? Mamaya bumakat pa panty ko dito e. Bulaklakin pa naman. Lumabas ulit ako ng banyo at hinanap si ate.

"Oh? Magpalit ka na! Bilis mo o hinihintay ka ni Shay," aniya. Si Shay 'yung baklang laging nag aayos saamin ni Ate, suki niya kami.

"Bakit eto 'yung laman?" kunot noong ipinakita ko sakanya 'yung t-shirt dress. "Mag mumukha lang akong ewan."

"Hay nako! Isuot mo nalang."

"Ayoko 'te!"

"Isuot mo 'yan, sisipain kita."

"Wala akong pang ibaba dito!"

Sinamaan niya ako ng tingin, "May cycling jan! Bilisan mo na, pinapa init mo nanaman ulo ko."

Tinaasan ko siya ng kilay, "May pupuntahan ba tayo?"

"Oo! Bilisan mo na."

"Saan tayo pupunta?"

Inis na kinamot niya 'yung ulo niya, "Kakain tayo sa labas."

"Bakit?"

"Ang dami mong tanong Adrianna," aniya. "Sisipain na talaga kita. Bilisan mo!"

Sininghalan ko siya bago ako nagmartsa pabalik ng banyo kung saan mabilis akong nagpalit ng damit. Sumabit pa 'yung I.D ko sa hikaw ko.

Mabuti nalang hindi ganun ka hapit 'yung dress, 'di mahahalata bilbil ko. Pero ang sikip nung sleeves sa kili kili, hila ako ng hila maski nung palabas na ako ng banyo.

Gumawa ako ng isang nakakatakot na desisyon.. imbis na trim lang, pinagupit ko hanggang balikat ang buhok ko. Tawa pa kami ng tawa noong una dahil parang sabog 'to. Para pa akong naiiyak na ewan dahil akala ko mukha akong tanga pero nung winash siya at ibinlower, um-okay naman kahit papano...

Mukha akong tanga, hindi siya bagay. Jusko.. pwede bang i-glue pabalik 'yung buhok kong ginupit?

"Ate, parang 'di bagay.." bulong ko sa kapatid ko nung palabas na kami ng parlor.

"Tanga," aniya. "Bagay sa'yo. Cute nga e."

Nagpunta kami sa may sasakyan ni Ate at hawak hawak ko na kaagad ang handle sa passenger seat kahit na hindi pa 'to nai-unlock. Excited e. Kala mo may kaagaw.

Pagka sakay na pagka sakay ko ay inihagis ko na 'yung paper bag na dala ko kung saan inilagay ko 'yung uniform ko. Ganun din ginawa ni Ate sa shoulder bag ko na hawak niya.

"Saan tayo punta?" tanong ko habang nags-seatbelt.

"Ikaw," sagot niya. "Expresso o Yellow Cab?"

"Yellow Cab nalang 'te," sagot ko. "natatakam ako sa pumpkin soup."

"Hindi tayo doon kakain ha," sabi niya sakin na nakapag pakunot ng noo ko. Saglit niya akong tinignan bago ibalik ang tingin niya sa kalsada. "Darating sina Von kaya take out tayo."

"Ay talaga?"

Si Von ay pinsan ko, bunsong anak ni Tita Linda. Ka-edad ko lang. Kung si Papa may dalawang babae, ang kapatid niya namang si Tita Linda ay may dalawang lalaki. Si Von at si Kuya Raziel.

STASG (Rewritten)Where stories live. Discover now