Mahal ko o Mahal ako?

Start from the beginning
                                    


Sheen ang tawag niya sa akin dahil 'yun ang username na gamit ko. Kinuha ko sa real name ko na Yosheenalyn.

"Nothing changed. Iniisip ko pa din siya."


I replied.


Alam naman niya ang tungkol kay Tylan at ang nararamdaman ko sa kanya. He also knew that Tylan don't feel the same towards me.


"Too much thinking of something you can't have doesn't give you anything but pain."


Palagi kong kinukwento lahat ng hinanakit na nararamdaman ko at palagi ding malalim ang mga replies niya.


"There are 7,107 islands in our country. There's not only one but millions of guys in the world. Surely, one of those millions felt the same love as your love for him. Why don't you fix your eyes on that guy? Why don't you ask that guy to mend your crumpled heart?"


August never failed to make my nose flooded with red liquid. He's too deep.


Kahit naintindihan ng utak ko ang sinabi niya ay ayaw naman iyong intindihin ng puso ko.


"Lahat ng subject sa klase, hindi ko alam. Lahat ng gawaing bahay, hindi ko alam. All I know is to love him. 'Yun na nga lang  alam kong gawin eh."


Reply ko sa kanya.


Ilang minuto na ang nakalipas ngunit hindi pa ako nakatanggap ng reply mula sa kanya kaya nag-send pa ako ng message.


"Kahit magka-amnesia pa ang utak ko, hindi naman nagkaka-amnesia ang puso, kaya kahit anong gawin ko, hindi madaling makalimutan 'yung feelings ko for him."


Puno ng hugot kong sabi.


"I'm willing to be a rebound, you know."


Hindi na ako nabigla sa sinabi niya. Matagal ko ng alam na may gusto siya sa akin. He confessed his love to me. Sa tuwing sinasabi ko sa kanya na may mahal na akong iba, sinasabi naman niyang hindi naman ako ang mahal nu'n pero siya daw, mahal niya ako.


"I don't want to be selfish. Just because I'm hurt, doesn't mean you should be hurt too. Masasaktan ka lang kung gagawin kitang panakip-butas."


'Yun ang huli kong reply sa kanya nung gabi na iyon. Hindi ko na hinintay pa ang reply niya at nag-log out na lang. I don't like it every time he opens up that topic.

 ***


"Yoshee, andito ka lang pala sa library, wala ka namang pasabi."


Nginitian ko na lang ang kaibigan kong si Felice.


"Still confuse, eh?"

Biglang tanong niya nang makaupo na siya sa tapat ng silyang kinauupuan ko.

SPARKLES (One-Shot Stories)Where stories live. Discover now