RH29 - Happy birthday

Start from the beginning
                                    

Lumabas ako ng CR ng mga lalaki nang makasalubong ko si Diana. "Oh? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya.


"I'll visit, Kinsley. Masama ba 'yun? Naging magkaibigan rin kami nung bata 'no!" sabi nito tapos pinalo pa ako sa braso.


"Oh? Kamusta ang mission na pasayahin si Kinsley?" Tanong niya sa akin.


Umupo na muna ako sa mga upuan don. Ganun rin siya. "Wag mo na nga banggitin 'yan. Ang plano dapat diba ay pasayahin si Kinsley dahil may sakit siya at gusto niya maranasan maging masaya? Ayun. Nahulog ako." Explain ko kay Diana.


Matagal ko ng alam na may sakit si Kinsley. Narinig ko 'yon mula nung nag CR silang tatlo nila sa Serpahina, Yvette at si Kinsley.


(scene from chapter 8)


"Eto ang kapalaran ko kaya maging masaya na lang kayo. Please?" Narinig kong sabi ni Kinsley. Umalis siya sa kinatatayuan nila tatlo nila Seraphina at Yvette.


Naiwan ang dala niyang kaibigan at nagpatuloy sa pagk-kwentuhan.


"Si Kinsley talaga. May breast cancer na nga masaya pa." Comment ni Yvette.

"Tanga ang gaga. Gusto niya maging masaya sa piling ni Jander kaya nagpapakadesperada."


Wala silang kamalay malay na nasa likod nila akong dalawang habang naglalakad papalapit kay Kinsley.


Napatingin ako sa taas ng building namin at nakita kong may gustong magbagsak ng flower vase kay Kinsley.


"Kinsleeeey!" sigaw nila Yvette at Seraphina.


Agad agad kong tinulak si Kinsley para ako ang tamaan.


Back to reality.


"Ganun? Eh Pa'no na 'yan? Akala ko ba ayaw mo maiwanan?"


"Bahala na. Malala na ang sakit ni Kinsley at kailangan ko siyang pasayahin. Nakakaawa siya.." Sabi ko habang nakatungo.


Kinuhit ako ni Diana at may itinuro.. SHIT SI KINSLEY.


"J-jander.." Nakatayo si Kinsley doon. Anong ginagawa nito sa labas?!


Lumapit ako sa kaniya pero sinampal niya ako ng malakas. "Minahal mo ba talaga ako dahil sa awa? Jander? Sabi mo mahal mo 'ko! Jander!" pinagpapalo ako ni Kinsley sa dibdib ko pero hindi ako nasasaktan.


Nasasaktan ako ngayon kasi mali ang pagkakaintindi ni Kinsley. Minahal ko na siya ng totoo hindi dahil sa naaawa ako.


"Kinsley mali ang pagkakaunawa mo—BULLSHIT, JANDER!" sabi nito.


Tulo ng tulo ang luha niya pati na rin ang akin.. Patuloy sa pagtulo ang luha ko. Nasasaktan talaga ako.


"Kinsley, Let me explain." Sabi ko sa kaniya pero tinakbuhan niya ako.


Susundan ko sana siya ng pigilan ako ni Diana. "Hayaan mo muna siya mag-isip.." Pero hindi ako nagpapigil.


Blurry ang paningin ko nang sinusundan ko si Kinsley. Bigla na lang siyang natumba at tila hawak hawak ang dibdib.


"Kinsley!" Lumapit ako sa kaniya. Lumapit rin ang mga doctor sa kaniya't dinala sa kwarto niya.


Hindi ako pinapasok sa loob at pinaghintay lamang ako sa labas. Dumating na rin ang mommy at daddy ni Kinsley. Kalmado na silang dalawa.


May nurse na nagbabantay sa labas ng kwarto ni Kinsley at sinabing 'wag na muna pumasok sila. "Ma'am Kinsley is on critical condition. The doctors are finding a way to save her." Utas ng nurse doon.


Umupo sa tabi ko ang magulang ni Kinsley. Si Tita Kia naman nagsimula nanamang umiyak.


Tumulo na rin ang luha ko.. Ang sakit. Pero lalaban si Kinsley diba? Lalaban 'yan.. Diba Kinsley? Punyeta lalaban ka para sa amin? Sinabi mo 'yan sa sarili mo nung isang araw.


Tang ina, Kinsley lumaban ka. 'Di ko kayang mawala ka sa akin.


Umalis na muna ako sa hospital. Pumunta akong red ribbon at bumili ng isang cake. 'Di na muna ako bumalik agad ng hospital.


Nagpahangin na muna ako sa park na pinuntahan namin ni Kinsley nung pinanood namin ang paglubog ng araw.


"Sarap mabuhay, Jander." sabi ni Kinsley habang nakatingin sa papalubog na araw. "Minsan sa buhay natin may mga hindi talaga pinalad na hindi na mabuhay. Namamatay agad sila.. pero may rason naman yun diba?"


Ikaw, Kinsley may rason ka para mabuhay diba? May rason ka pa. Kami ang tanging rason mo. Ang mga nagmamahal sayo.


Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko.. Mag aalas dose na pala. Bumalik na ako sa hospital na kalmado.

Pagkakita ko sa labas ng kwarto ni Kinsley ay wala ng tao doon. Nasa loob na siguro sila tita.


Pumasok ako sa loob at kita kong nakaluhod si tita Kia at si tito Stanley naman kausap ang doctor.


"Sorry sir pero ang buong virus mula sa cancer niya ay kumalat na. Kung maaga pa lamang ay napagamot na si Kinsley ay may pag-asa pa. Wala na talaga siya." Biglang gumuho ang mundo ko ng marinig ko 'yon.


Tumulo nanaman ang luha ko.. Napaka lalaki kong tao pero napaluha agad ako. Tang ina Kinsley.


Chineck muli ng doctor ang pulso ni Kinsley "Sorry to say but... Wala na talaga si Kinsley." sabi ng doctor kay tito Stanley. Tiningnan ng doctor ang wrist watch niya. "July 3; 12:03 AM." sabi ng doctor sa nurse.


Nabagsak ko ang cake na hawak hawak ko.


Happy birthday, Kinsley.



Rubiks Heart [Completed]Where stories live. Discover now