RH4 - Girlfriend

8.8K 367 48
                                    

Namula ang pisngi ko nung sabihin niya 'yon. Gwapo 'tong si Peter pero mas gwapo pa rin 'di hamak si Jander..

Mabuti na lang at dumating na ang guro namin sa Math. Ang awkward lang kapag kinausap ko pa 'tong si Peter!

Natapos ang subject namin na hindi kami nagpapansinan... or more like hindi siya pinapansin. Nahihiya ako sa sinabi niya! O baka naman assuming lang ako na gusto niya ako?

CHE KINSLEY! WALA 'YANG GUSTO SAYO KASI ALAM NIYANG GUSTONG GUSTO MO SI JANDER DIBA?

Dumiretso ako ng CR at nagpalit ng pang-PE. PE next kong subject ngayon. Last subject for today~! Pinalitan ko na rin ang sapatos ko ng vanz at lumabas na.

Pagkakita ko ay si Peter nandoon.

Nanlaki ang mga mata ko't iniwasan siya. "Uy hahaha joke lang 'yun. Parang sineryoso mo yata?" habol habol niya sa akin papunta sa field.

Nilapag ko ang bag ko sa isang bench at hinarap siya.

"Ha? Hindi ah. Hindi lang kita kinakausap kasi wala naman tayong pag-uusapan." Ngumiti na lang ako at umalis sa paningin niya.

Mabuti na lang hindi niya ako hinabol pagkapunta ko sa mga classmates ko sa PE. Nandoon ang professor naming at naka-PE rin gaya namin.

"Kinkin, sino 'yung lalaki kanina? Nakita ko kayo." Sabi ni Yvette sa akin pagkalapit ko sa kaniya.

"Huh? Classmate ko sa Math subject. 'Di kami close."

"Gwapo nga eh."

"Jander pa rin."

"Hindi badboy."

"Still Jander."

"At mukhang loyal." Huling sabi ni Yvette sa akin tapos tiningnan ko siya ng masama. Napapadalas na ang ganitong tingin ko ah. "Jander Devera pa rin."

Tinawag na kami ng prof namin pinahanay ng palaki paliit. Nasa may bandang gitna ako since medyo matangkad naman ako hehe.

Napagod ako ng sobra sa unang araw ko sa PE class. Grabe dapat pakilala lang diba? Huhuhu pahirapan na talaga kapag 2nd year college.

Lumapit muli ako sa bench at pinunasan ang pawis ko na tumutulo sa pisngi ko. Nandoon si Peter at nakaupo. Pinalakpakan niya pa ako habang papalapit.

"Nice! Nice! Galing mo palang sumayaw?" Comment niya sa akin.

Inirapan ko na lang ulit. Bwisit!!! Nanonood pala siya? Well pinasayaw lang naman kami ng professor naming isa isa. Hiyang hiya nga ako habang sumasayaw eh tapos.. Grrr!

"Seriously? Wala ka na bang klase pagkatapos ng Math?" tanong ko. Inabutan niya ako ng bottled water pero pinakita ko ang akin.

Uminom ako ng tubig. "Wala na. Masama bang makita ka?" tanong niya.

Muntik ko nang mabuga ang tubig na iniinom ko sa pagmumukha niya. "Bakit ba? 'Wag mo na nga ako kulitin!! Naiirita lang ako. Tahimik na ang buhay ko kay Jander pwede ba?" Masungit kong sabi at kinuha ang aking bag. Dumiretso ako sa CR, nagpalit na muna ako ng damit bago pumunta kila Jander.

Namili na muna ako saglit sa SM pampasalubong ko sa kanila. Para hindi nakakakahiya pumunta hehehe kahit napakawalanghiya kong babae may hiya pa rin ako ng konti sa pamilya ng aking lalaking iniirog.

"Ate Jaile!! Mommy~ Daddy~ Jaileeeeer! And lastly, Jander milaaaaabs!" Sigaw ko ng pagkadating ko sa bahay nila.

Niyakap ko sila isa isa at tumabi kay Jander. "Di ka nagt-text sa akin. Busy ka ba?" tanong ko while pouting ulit hehehe.

"Hay nako, Kinsley. Maghapong tulog 'yang si Jander. Puyat na puyat kagabi. Ewan ko ba sa lalaking 'yan." Sabat ni Ate Jaile at binigyan ako ng juice.

Kinuha ko 'yon at uminom. "Ate! Ikaw dahilan kung bakit ako napuyat!"

Napatingin ako kay ate Jaile at si ate Jaile naman nag-iisip. "Wala akong natatandaan."

"Malamang ate lasing ka. Lasing kayong dalawa ni kuya Jail. Tapos ikaw pumunta sa kwarto ko't nagk-kwento ka sa lovelife mo. Kadiri!!" Nagkunwareng nadidiri si Jander kaya natawa ako.

Lumapit si ate Jaile kay Jander tapos piningot sa ilong. "AHAHAHAHAHAHA" tawang tawa naman ako nung ginawa ni ate Jaile 'yon.

Tawa rin ng tawa ang cute na si Jailer! Omg.

"Ate!!!!! Nakakahiya ka talaga!!!!" tinulak niya ng mahina si ate Jaile tapos tumawa lang naman si Ate.

Kinikiliti ko sa tigiliran si Jander. "Kawawa ka pala sa ate mo kapag nasa bahay, tapos kapag nasa school ang angas angas mo hahaha Jander napaka cute moooo~!" pinisil ko rin ang cheek niya tapos tinapik niya ang kamay ko.

"Aray!! Sakit non ha!!" hinipan-hipan ko ang kamay ko. Huhuhuhu bwiset ang sakit non ha!

"Tss." He hissed and immediately held my hand. He kissed it slowly na siyang kinagulat ko.

Binitawan niya ang kamay ko.. KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!!!!

"Di ba pwedeng dito na lang??!?!?" turo ko sa lips ko huhuhuhuhuhu

Pwede naman doon pero bakit kamay ko pa?! "Nasakit rin ang labi ko, Jander!!!"

Inirapan niya lang ako at napagtuloy sa kakacellphone. "Jander masakit talaga siya." Isang beses ko pang pamimilit hehehe.

Halos lahat ng babae sa school nahalikan niya na ako hindi pa! Madaya madaya madaya!

"Jandeeeeer!"

"Paano sasakit 'yan kung wala naman akong ginagawa?"

"Edi pasakitin mo dali! Kagatin mo labi ko hehehehe." Malandi kong sabi. Jusko bakit ka ba ganyan kadesperada, Kinsley?

Umiling iling siya. "You seriously need a doctor."

**

Kinabukasan ay Wednesday at ang subject ko today ay physics at music. Wieeee! Music buti na lang~

Pumasok ako sa room naming at nakita kong nandoon na si Jander.

"Hoy layas layas! D'yan ako!" Lumapit ako sa kalapit ni Jander at sinabi 'yon.

"Kinsley the desperada! Amp! Ako nauna dito eh!" sumabat pa ang babae.

I glared at her at hinila ang buhok. "Ahhhh! Let go of my hair!" singhal niya kaya naman binitawan ko na ng maalis ko na siya sa tabi ni Jander.

Inilapag ko ang bag ko doon at umupo. Tumingin ako sa tabi ni Jander at binate.

"Hi Jandeeeeeer! Tingnan mo nga naman classmate kita sa Physics! Wieeeee I'm so happy~"

"Obviously."

"Sungit pero love pa rin kita hehehe. Jander... nasakit ulit labi ko hehehehe." Pangungulit ko. Hindi ko makakalimutan yung paghalik niya sa kamay ko.

Ni hindi ko nga hinugasan ang kamay ko kasi nahalikan 'yon ni Jander jusko!!!!!

"You're irritating, Kinsley." Hindi niya ako nililingon pero kinukulit ko pa rin hanggang sa tiningnan na niya ako at sinabing...

"Okay fine! Be my damn girlfriend!" aniya kaya nalaglag ang panga ko.. "Just don't disturb me." dagdag niya pa at dahan dahan akong tumango.

GIRLFRIEND NA AKO NI JANDER!!!!!! 



Rubiks Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon