RH9 - Concerned

7.9K 367 23
                                    

Napamura agad ako sa isip isip ko. Tang ina nung nambato ng flower vase mula sa taas. Tiningnan ko ang itaas at may mga tumakbong studyante.



Hindi ko na muna hinabol at inasikaso si Jander. Kinuha ko ang panyo ko at inilagay sa ulo niya. Punung puno na ng dugo ang kamay ko.




"Nasan na ba ang ambulansya?! Leche naman!" Singhal ko sa mga studyanteng nakapaligid sa amin.




Si Yvette binigyan ako ng yelo para daw tumigil ang pagdudugo. "Takte naman, Jander! Pinagaaalala mo 'ko!" sabi ko sa kaniya habang tinapik tapik ang pisngi.




Mga ilang minuto pa bago dumating ang ambulansya. Dali-dali nilang nilagay si Jander sa loob ng ambulansiya. "Sasama po ako!" Sabi ko sa parang nurse pero hinarang agad ako.




"Di po pwede." simpleng sagot nito sa akin.




Nagdabog ako saglit at dumiretso sa parking lot. "Kuya! Dalin mo 'ko sa hospital. NGAYON NA!" Sigaw ko sa driver namin at dali-dali naman siyang pumasok sa kotse.




Pumasok na rin ako sa likod at nag-text kay ate Jaile.




"Jander's at the hospital right now."




Yun ang maikli kong message kay ate Jaile. Habang nasa kotse ako ay nagp-pray ako na sana hindi malala ang nangyari sa ulo ni Jander. 'Wag naman sana siya magka-amnesia gaya ng mga nababasa ko sa wattpad.




Nakarating ako ng payapa sa hospital at dali-daling tumakbo sa ER. Nakita ko sa salamin ang pagsasagamot kay Jander ng mga doctor. Umupo na muna ako sa upuan na nandoon.




Tumungo ako at taimtim na nanalangin muli. "Please, save Jander." Naiiyak na ako. Ayokong napapahamak si Jander nang dahil sa akin.




Naaalala ko ang dugong dugo na ulo ni Jander. Maraming dugo ang nawala sa kaniya.. Ang worst pa rito ay sa ulo tumama. Masama 'yon.




Tinitigan ko ang madugo kong kamay... dugo ni Jander ito. Bumuntong hininga ako ng malalim. Be positive, Kinsley.

Rubiks Heart [Completed]Where stories live. Discover now