CHAPTER 9 : Confession

12 7 2
                                    

Sa puntong ito ay hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

Matutuwa ba ako dahil kilala ko na kung sino si Jayce in real life.

Maiinis at magagalit ba ako dahil parang niloko nya ako?

Naguguluhan ako, hindi ko alam kung saan at ano ang kahahantungan nito.

Pero kung ano man 'yon ay siguradong hindi ko maiiwasang masaktan.

He made my life even great, sya din kaya ang sisira?

"iniiwan mo sya" pagpilit sa'kin ni Mads

"hindi nga, busy lang ako" paulit ulit kong paliwanag

"loving yourself is letting yourself be loved too, ikaw nagsabi nyan sakin"

Buong araw kong inisip ang sinabi ni Mads.

Does it make sense?

I don't even know kung ano ba ang gustong mangyari ni Zae.

Sobrang awkward!

We're bestfriends, I never imagine that things will go like this.

Una, mas nauna ko makilala sya sa omegle so meaning it was a complete coincidence.

Unbelievable.

Who would imagine that I will get to experience a unbelievable thing like what I did to those characters I draw?

Sheesh.

Destiny.

Destiny don't play with me, it's not fun.

"malay mo, kayo talaga ang meant to be" sabi ni Mads

"imposible!"

"kase iniisip mong imposible"

"hindi ako ready"

"never ka magiging ready, and if you will wait for yourself to be ready you will lose the right person."

Her words is as sharp as knives.

I can't deny the fact that it triggers something in me.

"b-baka masaktan ako..."

"hindi ka na tao pag hindi ka nasasaktan, tanga" lumapit sya sa'kin at yumapos

"dalaga na babe ko... Iba kana, dati noong gusto kang ligawan nung type mong lalaki no agad... Kay Zae nag-iisip ka pa. In love ka na babae"

Nagulat ako sa sinabi nya. Tamang tama.

"wag ka mag alala, pag sinaktan ka non sa hospital abot nya" pagpapagaan nya sa loob ko

"may sasabihin pala ako...." humiwalay ako sa pagkakayakap, seryoso na si Mads pero halata na kinakabahan

"ano kasi.... mamaya na nga lang!" kumunot ang noo ko nang iniwan nya'ko mag isa

Sinabi nang don't leave something that will trigger my curiosity eh!

Lagi na lang may sasabihin, tapos hindi itutuloy. Ang dami ko na ngang inooverthink dadagdag pa 'yon.

Nagluto si kuya at sinabing dito mag tatanghalian si Zae at Mads.

Sabi ko ay hindi ako kakain ng tanghali pero pinagalitan nya agad ako at sinermonan.

"Tumatakas ka na naman kaya walang nasosolusyunan eh, subukan mong matulog ibabato ko yang tablet mo" pagbabanta pa nya

Wala akong ibang nagawa kundi manood ng T.V habang inaantay ang tanghalian.

Bahala na si Batman, Superman or kung sinong super hero dyan!

Tama naman kase si kuya. Palagi na lang akong tumatakas sa mga problema, kahit pa hindi tungkol sa ganito.

Hello, My LadyWhere stories live. Discover now