Nagpaalam na muli kami sa dalawa bago umalis at magtungo sa bayan. Inarkila naman namin ang kalesa kaya sabi ni Julia ay iwan ko nalang duon ang mga gamit namin. Plano naming magtagal hanggang hapon at uuwi agad.

"Julia," tawag ko sa kaniya at agad naman siyang humarap. "pwede bang bumili tayo ng kagamitan para sa pagpinta?"

"Oo naman, saan mo ba gagamitin?"

"Kasi ano. . . k-kuya Julio mo ay humiling na . . . i-ipinta ko siya," humina ang aking boses samantalang nanlaki ang sa kaniya.

"Talaga? edi maganda't siguradong nagustuhan ni Kuya Julio ang 'yong pininta na mukha ni Ina sa aming magkakapatid kasi siya ang pinakamalapit kay Ina."

"Wala ako pera!" angal ko agad, totoo naman kasi wala akong kahit na anong kagamitan para ipinta siya tapos ang sabi niya ay mamaya na agad. Wala pa naman akong sweldo.

"Ano ka ba!" natawa siya bago ako hatakin papuntang tindahan ng mga kagamitang pagpinta. "nandito ako, akong bahala sa mga kailangan mo!"

Nagsimula kaming maglibot sa maliit na tindahan at masasabi kongang magaganda at abot kaya ang presyo ng tinda nila. Pero sa panahong ito kahit singkong duling mahirap kitain pwera nalang kung mayayaman kayo katulad ng pamilya nila Julia. Na hindi na nila kailangang magbanat ng buto para magkapera.

Naalala korin at napag-aralan namin sa AP na sa panahong ganito hindi nakakapag-aral ang ilang kabataan lalo na ang mga babae. Dahil narin sa murang edad ay nag-aasawa na sila at bumubuo ng pamilya. Ganuon kasi ang paniniwala nila na dapat ang mga babae ay nasa bahay lang at pinagsisilbihan ang mga asawa nila. Samantalang ang mga kabataan sa panahon ko—natin hindi na big deal ang mga ganitong bagay dahil iba naman daw ang panahon natin sa panahon nila. They didn't get the lesson about it.

Nakabili kami ng iba't ibang brush, paints, at papel na gagamitin ko mamaya. Iniwan ulit namin ang mga 'yon sa kalesa at naglibot na. Maaga pa pero madami nang dumarayo dito sa bayan may mga ilaw nangang nakabukas e' tapos may mga batang sumasali na sa mga palaro.

"Ang sabi ni ama malapit na akong ikasal,"

Napabaling ako kay Julia dahil sa biglaang pag-imik niya nasa isang stall kami ng mga alahas at pumipili siya.

"Ilang taon kana? bakit ang agad naman 'ata,"

She just shrugged.

"Labing walo na, ganuon naman talaga ang mga mangyayari. Ipagkakasundo nila ako sa isang mayamang angkan pero hindi ko pa alam kung kanino." Lumungkot ang boses niya.

Bata pa naman kami pareho at hindi korin maiwasang malungkot para kay Julia. Imagine matatali agad siya ng maaga tapos ikakasal pa sa lalaking hindi naman niya mahal!

"H'wag mo munang isipin 'yan, tiyak naman na pipili nang maayos na lalaki ang ama mo para sa 'yo dahil hindi ka naman niya hahayaang mapahamak ganuon rin ang mga kuya mo. Tsaka mo nalang isipin 'yan. Nandito tayo para magsaya hindi ba?" Ngumiti ako at nag thumbs up na agad naman niyang ginaya kaya nagtawanan kami pareho.

Madami kaming nabili, nakakain narin kami ng tanghalian sa isang karinderya at ngayon at naglalaro kami dito sa perya. Oo mas maganda naman talaga ang perya sa gabi pero wala kaming magagawa at maya maya rin ay aalis na kami.

"Ah! Ang saya nun," natatawang sambit ni Julia kaya napatawa nalang din ako, totoo naman kasi puro kami tawanan habang naglalaro.

"Tara na? hindi tayo pwedeng magpagabi." Sambit ko dahil medyo kumulimlim narin at baka mamaya ay umulan pa.

"Sayang, sa susunod na taon na ulit bubuksan ang perya." Nakasimangot na saad niya.

Naglalakad na kami at may sari-sariling bitbit kami na mga supot dahil sa mga pinagbibibili ni Julia at mga napanalohan namin sa palaro.

Pareho pa kaming naka-idlip habang nasa kalesa at ginising nalang kami ni manong nung nasa harap na kami ng masyon.

Dumiretso kami sa silid ni Julia para dalhin ang mga pinamili niya nandito rin kasi ang iba kong gamit kahit na may sarili namang kuwarto para sa mga taga-silbi pero ito ang gusto ni Julia para raw may kasama siya kahit papaano.

"Pumunta ka sa silid aklatan nanduon si, Kuya Julio baka naghihintay na sa 'yo."

Tumango ako bago ko kunin ang mga kagamitang aming binili. I don't know why I'm so nervous especially when it's come to him. Sa paraan panga lang nang pagtingin niya para na akong nalulunod isama mo pa ang boses niyang malalim. Lubog na lubog ako.

Hindi na ako nahirapan makapunta sa library nila dahil na tour na naman ako ni Julia dito at minsan nakakalito dahil malaki talaga ang bahay nila.

Amoy ng libro ang bumungad sa akin at sasabihin kong sobrang sarap sa pakiramdam nito. Book worm rin ako kaya gustong gusto ko ang amoy ng libro.

"Kanina ka pa ba dito?"

I gasps. Boses pa lang niya ay nakilala ko na pero hindi agad ako nakasagot dahil sa sobrang lapit niya at nararamdaman ko narin ang hininga sa batok ko.

Marahan akong humarap at bumungad sa akin ang halos perpektong mukha ni Julio.

"Ah. . . A-Ano hindi kararating ko lang din," humina ang boses ko.

Bukod kasi sa medyo masikip ang lugar na kinatatayuan naming dalawa mas uminit tuloy ang atmosphere parang ang awkward!

Ilang minuto kaming nasa ganuong pwesto bago siya muling magsalita.

"Ang 'yong mukha,"

Hinawakan ko naman ang pisnge ko. Mainit ito pero nagtaka kasi ako sa sinabi niya.

"May dumi ba?" takang tanong ko.

"Nagkakasala na ako nito," sabi niya. "paano ko maiiwasang hindi titigan ang mukha mo kung ganoon ito kaamo at kaganda. K-Kailangan kong itigil 'to, masyado akong naaakit sa 'yo."

———
@yellowbei

The Museum Of HistoryWhere stories live. Discover now