"I'm sorry.." nasabi ko nalang.

"No it's okey, ayus lang naman sakin na pagkatapos mong i-entertain ang bisita mo, ibang bisita naman agad ang inasikaso mo. Parang nabuhayan ka nga sa sobrang pagka-excited na i-entertain yung bisita na yun eh. Samantalang ako na bisita na 'boyfriend' mo pa, hindi mo man lang matingnan." Sabay tingin nito sa harap at sinamaan ng tingin si calli.

Napabuntong hininga nalang ako. My God, heto na naman sya..

"Uhm.. why don't we get us some drinks?" I ask tryin to change the atmosphere.

"Ahm, nako hindi na ave.. uuwi nalang ako. Wala rin kasi si dad dito eh kaya sabi nya na uuwi nalang daw ako ng maaga para masamahan ko sila mommy sa bahay." Sabi ni calli at ngumiti ng kunti.

Oh no, ayoko!

Inalis ko ang kamay ni merk sa beywang ko at mas lumapit pa kay calli.

"Calli no, wala ka pa ngang isang oras dito eh."

"Ok lang ave, tsaka isa pa kailangan ko pang mag deliver ng paninda ni manang flores." Nangunot naman ang noo ko.

"Hindi ba nong isang linggo ka pa huminto sa pagde-deliver?"

Hayy.. I know that she's lying cuz she just obviously want to avoid us again. I know that she's just tryin herself to distance with me as much as she can whenever merk is around cuz I think she noticed that merk doesn't want her to keep close to me and I don't know what to think or feel 'bout that.

Napapansin ko lang kasi talaga na kapag magkasama kaming dalawa at biglang dumating si merk agad syang nagdadahilan na kailangan na nyang umalis so I really think na si merk talaga ang dahilan.

"Ah kasi tutulungan ko lang si manang na mag-deliver. Wala kasi si jod eh. Yung bagong delivery nya? Kaya.. mauna na muna ako."

Napayuko lang ako.

Gusto ko pa syang makasama ng matagal ngayon. Kasi.. sobrang bihira nalang talaga kung magkasama kami. Hindi tulad noon.

And I admit.. mas lalong tumindi ang nararamdaman kong makasama sya palagi lalo na't...

"Ave.. wag ka ng ma-disapoint dya--"

"Don't touch her." Mabilis akong nag-angat ng tingin nang maramdaman kong hinawi ni merk ang kamay ni calli.

"Ahm.. haha, pasensya na. Ah, ave.. pakisabi nalang kay tito na happy birthday at mauuna na ako. Pakisabi rin sa kanya na happy birthday raw sabi ni dad at saka na raw nya reregaluhan si tito pag may vacant time na sila haha. Sige, mauna na ako." She smiled again for the last time before she turn her back at us and walk away.

Napabuntong hininga nalang ako habang nakatingin sa kanya na papalabas na ng mansion.

"Tch. Buti naman umalis na." Rinig kong bulong ni merk kaya hinarap ko sya ng walang emosyon.

"Mag usap tayo sa labas." Sabi ko sabay talikod at nauna ng naglakad.

Pagkarating namin dito sa malawak na hardin ay agad ko itong kinompronta.

"Hindi ko na nagugustuhan yang pagiging seloso mo merk. I don't understand kung bakit ka ganyan sa kanya! Ano bang ginawa nya sayo?! Merk please, kung nagseselos ka na naman dahil sa kanya pwes itigil mo na yan! I don't want you to be this too possesive at me na to the point pati bestfriend ko binibigyan mo ng paulit ulit na treatment!"

"Wala naman akong ginagawa sa kanya ave!"

"Eh bakit parang naiilang sya sayo?! Bakit nakikita ko nalang na sinasamaan mo sya ng tingin?! Bakit parang ayaw mong makausap o makasama ko sya?! Merk, I have already told you na she's just my bestfriend!"

Never ThoughtWhere stories live. Discover now