"Oh hey guys, look. It's Yssa." Saad no Louie.

At pagtingin nga namin ay si Yssa nga naglalakad papunta sa pwesto namin at guess what? may dala dala na naman siyang pagkain.

Both of her hands are full of different kind of foods.

"Oh bakit ganiyan kayo makatingin? deserve ko 'to! nanalo naman ako eh, nagutom ako kakatakbo don no!" Saad naman niya habang nakataas pa ang kilay.

"Wala naman kaming sinasabi ah." Natatawang saad ni Louie.

"Yung mga tingin niyo eh, parang hinuhusgahan niyo na ko sagad hanggang buto eh." Nakasimangot na saad naman niya.

"Hay nakong bata ka, maupo kana at kumain ka na lang ng tahimik diyan." Saad ni HM.

"Ay wow, HM. Walang pa congratulations from you? I'm hurt you know." Saad pa niya at kunwaring nagpupunas ng luha kahit wala naman.

"My god HM, I did my best para maging proud ka sa akin, tapos congratulations lang hindi mo pa masabi." Dagdag pa niya.

Kami naman heto, natatawa sa kadramahan niya. Akala mong hindi HM yung kinakausap niya eh, parang katropa lang eh.

"Oh edi congrats." Simpleng saad naman ni HM na lalong nagpatawa sa amin.

Oh, he's so done with her.

"Wala man lang kaemo emosyon pagkakasabi mo HM, ulitin mo. Gusto ko yung madamdamin yung pagkakasabi mo." Saad naman ni Yssa.

Hay nako, she's really going for it.

"Congratulations, Yssa. I'm so proud of you." Saad naman ni HM.

"Oh ayan, ganiyan HM. Kaya mo naman pala eh, gusto mo pa na pinipilit." Natatawang saad naman ni Yssa.

Kami patawa tawa lang sa kanilang dalawa, para silang mag tropa na mag tatay eh. Ang cute.

"Ikaw bata ka, hindi ka talaga titigil ha." Saad ni HM sabay batok kay Yssa.

Napahinto naman kami sa pagtawa dahil nagulat kami sa ginawa ni HM. Wala ni isa sa mga students or teachers ang binatukan niya. At hindi ako mapaniwala na kayang gawin iyon ni HM.

"Aray naman HM! Mukhang personal yung batok mo ah! Ramdam ko eh!" Parang batang saad naman ni Yssa.

"Nilakasan ko talaga para ramdam na ramdam mo!" Saad naman sa kaniya pabalik ni HM.

"Hahaha ang cute niyong dalawa, para kayong mag tatay." Natatawang saad naman ni Sir Klaus.

"Hala Sir, andiyan ka pa rin pala? akala ko umuwi ka na." Natatawang saad naman ni Yssa.

"Aba't, pati ako idadamay mo pa." Saad naman ni Sir Klaus.

Hindi naman na sumagot si Yssa at napatawa na lamang.

Napansin ko naman na may nakatingin sa amin, at tama nga ako.

Halos lahat ng ibang schools ay nakatingin sa amin. Nagtataka siguro kung paano nasasagot sagot ni Yssa si HM.

At kung paano makisabay si HM sa kalokohan ni Yssa.

Well, I think, kakaiba talaga kami kumpara sa ibang schools. And I don't think it's bad.

"Ngayon na yari na tayo sa pangalawang paligsahan, ang susunod naman na paglalabanan ng mga estudyante ay ang paggawa ng healing potion gamit lamang ang mga sangkap na ibibigay namin sa inyo." Paliwanag ng HM.

"At eto pa ang twist, iba iba kayo ng mga sangkap, kaya talagang challenging ito, kung paano kayo makakagawa ng healing potion gamit ang mga sangkap na ito." Dagdag pa niya.

"Magsisimula tayo matapos ang sampung minuto, maaari na kayong mamili ng mga ilalaban ninyo." Dagdag pa nito.

"Oh wag na ako ang ilaban niyo ah, pagpahingahin niyo naman ako atsaka pakainin niyo ako ng tahimik dito." Pangungunang saad naman ni Yssa.

"Ay si Jessica ang ilaban niyo, I'm sure naman kaya niya yan. Kasi diba Earth holder ka, so malay mo maramdaman mo or malaman mo if anong dahon dahon yung kailangan mong ilagay." Dagdag pa niya.

"Well, may point naman si Yssa. Ano Jessica? gusto mo ba lumaban? hindi naman kita pipilitin kung hindi mo kaya." Saad naman ni HM.

"Ano ka ba HM, wala ka bang tiwala sa kakayahan ko?" Nakangising saad naman ni Jessica.

"No, I know you can do it." Saad ni HM habang nakangiti.

"Jessica, pag sumabog yung ginagawa mong potion, lilibre mo ako ha." Saad naman ni Yssa.

"You know Yssa, sana tiyan mo ang sumabog sa kakakain mo." Saad ni Jessica at umirap pa.

"Wew, ang harsh ha. Medyo na hurt ako don." Saad naman ni Yssa at unaakto pa na tila mo talagang nasaktan ito sa sinabi ni Jessica.

"Hay nako, huwag mo ng pansinin yung siraulo na yan, magpunta ka na doon Jessica." Utos sa kaniya ni HM.

Tumango lamang siya at naglakad na papunta sa mga lamesa kung saan sila gagawa ng potion.

The Last ImmortalWhere stories live. Discover now