RH26 - Accident?

Magsimula sa umpisa
                                    

"Bakit ka tumakas?" Isa pang tanong mula kay Seraphina.


"Kasi takot ako sa hospital diba? Pero magpapagaling na ako ngayon. Sa ngayon naman ay.. kaya ko pa kaya nakakapasok pa ako ng school. Medyo mabigat nga lang sa pakiramdam." sabi ko.


Tumango tango na lang sila. Dumating na ang prof namin. Nagtaka siguro kung bakit first time ko pumasok sa klase niya.


Pa'no ba naman, inasikaso ko si Jander sa hospital diba?


**


"Kapagod!" sabi agad ni Jander sa akin pagkatapos magfootball dito sa ground field.


Sinamahan ko na muna siya dito't gusto niya daw ng supporter kahit sobrang daming babae ang nakapaligid sa amin.


"JANDERRRRRRRRRRR!"

"ANG GALING MO TALAGA SUMIPAAAAA"

"WAAAAAAAAH KAUSAP NIYA SI KINSLEY"


"Gwapo ko talaga!" Sabi pa nito. Inirapan ko na lang at binigay ang bottled mineral water sa kaniya.


Binigyan ko na rin ng face towel kasi basang basa na siya ng pawis. "Ikaw mag punas sa akin." sinara niya ang bottled water at binato sa akin ang face towel. What a rude suitor.


Umupo siya sa tabi ko sa damuhan at inilapit ang mukha sa akin. "Punas." Parang bata si Jander sa inaakto niya.


Inikot ko muli ang mata ko bago punasan siya. Dahan-dahan kong pinunasan ang mukha niya tapos leeg. Shet nakakatense naman 'to.


He bit his lower lip. Mas lalo akong na-tense. Binato ko sa pagmumukha niya yung face towel at tumayo.


"Aba ginaganyan mo na ako ha." Hinigit niya ang waist ko at pinaupo sa lap niya.


Nanlaki pareho ang dalawa kong mata. "Hoy! Bitawan mo 'ko! Nakakahiya ka!" inis na bulong ko sa kaniya.


"Punishment 'yan. 'Di mo na binigay sa akin yung kiss ko nung nag-arcade tayo hahaha." Pang-aasar pa nito.


Pulang pula na ang pisngi ko kasi halos lahat nakatingin sa amin. Naghahagikgikan ang iba. Yung iba naiinis sa akin.


"Galit ka nanaman eh. Tara na. May pupuntahan tayo." Tinulak niya ako ng mahina para tumayo ako.


Pinagpagan ko naman yung damit ko kasi nadapa ako dun. Lang'ya naman. Nag-offer siya ng kamay pero tinaboy ko. Tumayo ako mag-isa tapos naglakas na paalis ng school.


Sinundan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa kamay ko tapos siya naman yung nanghila sa akin.


"Hi Jander." May kumaway sa kaniya na babae pero hinigit niya lang ako palapit sa kaniya at hindi pinansin ang babae.


Pumunta kami sa parking lot ng school. Binuksan niya ang kotse niya tapos pinapasok ako sa shotgun seat.


"Nakakasakit ka na, Jander!" Sigaw ko sa kaniya.


"Ganda mo talaga kahit nakakunot noo." Compliment niya sa akin. Well, sino ba namang hindi mapapakunot ang noo kung ganun ka i-trato ng manliligaw mo? Bwiset na 'to.


Pinaandar niya ang kotse. "Sa'n ba tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya habang nagd-drive.


It's 5:46 PM in the afternoon. Sa'n pa balak pumunta neto?


"Basta." Utas niya.


Sumandal na muna ako sa bintana. Tiningnan ko muna ang paligid. Ang dilim ng langit, mukhang uulan pa yata.


Ipinikit ko ang mata ko pero minulat ko rin. "Jander, Ano.. Sa lunes, avail ka ba?" Tanong ko.


"Oo naman para sa'yo. Bakit?"


"Sama ka naman sa La Musica Enchantre. Sinalihan kong contest. Magp-piano kasi ako doon." Pagpapaliwanag ko.


"Wow, galing naman ng baby ko. Hahaha may kiss ka sa akin."


Pinalo ko siya sa braso. "Jander nakakainis ka talaga! Mukha kang kiss! Kiss kiss-in ko yang mukha mo eh."

Naaalala ko tuloy dati nung hinalikan niya ang kamay ko tapos nagmamakaawa ako na halikan ako sa labi.


Tapos ngayon ayaw ko na hehehe. Soon na lang.


Nagtawanan lang kaming dalawa sa pag-aasaran namin. Pagka-harap ko sa unahan ay napasigaw ako.


"JANDER!!!!!" Nabangga kami sa isang puno.


Sumakit ang ulo ko dahil tumama sa bintana ng kotse ni Jander. 'Di ako masyado tinamaan pero dumudugo ang ulo ko.


Nabasag ang bintana sa tabi ko, kaya siguro dumugo ang ulo ko.


Tiningnan ko si Jander, walang malay.. Tinapik tapik ko.. "Jander!!"

Rubiks Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon