Chapter 4

0 0 0
                                    

"Tagal naman ni Sir," reklamo ni Mer habang nakapangalumbaba sa table.

"Baka wala, 20 mins na tayo nagaantay eh," sagot ko habang nagtatype ng kanta sa youtube.

Napagusapan namin na antayin hangang 30 mins 'yong prof namin sa analytics, pagwala pa rin tska kami uuwi na.

Nakashuffle 'yong tugtog sa youtube habang naglalaro ako ng slither. Nagtaka ako ng magplay ang kanta na bago sa pandinig ko, kaya nilipat ko sa youtube 'yong tab.

'Magic Shop'

Kanta ng BTS. I know BTS dahil fan si Nes nito, mahilig siya sa kpop. Isa lang na member 'yong pinakakilala ko, si V. Naalala ko pa noong senior high kami pinanuod niya saamin 'yong nakasnow white si V at pumunta kami ng korean mart pagkatapos.

"Sino to?" Turo ni Nesreen sa mga poster sa labas ng korean mart.

Iniisa isa niya saakin 'yong mga pangalan ng BTS noong nanuod siya at nakinuod kami.

"Si V 'to," turo ko.

"Tapos ito naman si —-" Huminto ako saglit dahil nakita ko 'yung poster ng Girls Generation.

"Sino nga to ulit?' Turo ko sa isang 'di kilalang lalaki. "Ay wait Jungseok?" Tanong ko sakanya na nagpakunot sa noo niya.

"Walang Jungseok diyan!" Reklamo niya.

"Ano ano nga name ng mga kilala kong members?" Tanong ko sakanya.

"Jhope, Jungkook and V. Okay na si V yung dalawa na lang,"

Saglit akong nagisip bago sumagot ulit.

"Ito si Jungkook," turo ko. Tumango tango naman siya.

"Sino nga ulit si Jhope? Magkakamukha silang lahat!" Reklamo ko. Tinuro niya naman saakin si Jhope dahil kanina pa kami nakatayo sa labas at may mga bibilhin pa kami.

"Alam mo imbento ka ng names, marinig ka ng mga Army yare ka," sabi niya pa.

Natapos 'yong kanta pero iba yung pakiramdam ko. I felt relieved. Inulit ko yung kanta at binasa ang lyrics habang pinapakinggan.

Nang matapos ang kanta, hindi ko maipaliwanag pero pakiramdam ko ang saya ko. Now I know why fans love BTS.

Inubos ko ang oras sa pagsesearch ng mga kanta at tungkol sa mga members. Pakiramdam ko naging fan ako agad. Para akong nakaramdam ng lukso ng dugo.

Tinignan ko ang orasan sa harap at napansin na malapit na mag alas dos.

Luminga ako at tinignan ang mga kasama, ang iba namin na kablock ay nagcocomputer na lang din, ang iba naman ay nagkekwentuhan o di kaya ay nagcecellphone. Napansin ko pa sa bandang dulo sila Leslie na natutulog.

"Tara na," tapik ni Em saakin.

"Uwi na kayo?" Tanong ko

"Oo, bawal tumambay dito pagwalang prof," si Mer.

"May papasa sa acctg bukas ah, library?" Aya ko sakanila.

"Pass ako, may WRP ako after nito eh." Sabi ni Aub.

"Gusto ko sana mag-aral, kaso wala pa akong tulog, tutulog muna 'ko bago ko gawin." Si Em.

"Ikaw, Mer?" Tanong ko.

"Samahan mo na Mer, baka umiyak yan." Pang-aasar nila.

"Aalis ako eh." Sabi niya habang tinatanggal 'yong dugtong ng P.E uniform namin.

"Saan ka punta?" Tanong ni Em sakaniya.

"Secret."

"May date yan!" Pangaasar nila kay Mer.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 12, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In to me, I see.Where stories live. Discover now