Chapter 3

1 0 0
                                    

Sa loob ng halos dalawang buwan ko sa university at manila, nakakapagadjust naman na ako. Miyerkules kaya naman ang unang break ko ay sumakto para sa oras ng meeting para sa activity ng org sa sabado. Naglalakad kami ng mga kablock ko sa ARFAB ng makasalubong namin ang grupo nila Kade.

Tunay nga na sa ARFAB mo makakasalubong lahat ng gusto at ayaw mong makasalubong. Bakit ba kasi dito ang daan papuntang ABB? Gaya ng inaasahan ko hindi siya nakatingin at busy magcellphone. Sabay sabay naman ako tinignan ng mga kaibigan ko na hindi ko nalang pinansin.

Nang makarating kami ay inexplain na saamin ang mga magiging task namin. I'm assigned in the attendance section. Kasama ko sila Aubrey at Emily.

Ate Mica instructed us on what to do and forwarded the files and links that we will be using. Dalawa yung finorward niya na link, yung isa andoon ang mga pangalan ng mga members at yung isa naman ay para sa mga estudyante na aattend.

"Dami mo naman dala," bati ni Ericko sakin ng nakangiti, isa sa mga blockmates ko. Lumapit sakin si Ericko pagkatapos ko makuha yung permit ng laptop ko.

"Ako na," pagprisinta niya.

"Baliw wag na! Magaan lang naman,"

Huminto siya sa may tapat ng ADB at tumingin saakin.

"Hangang room lang promise." Hindi siya umalis sa kinatatayuan niya kaya inabot ko na sakanya yung laptop bag ko.

"Sabihin mo pagnabigatan ka ah?" paalala ko.

"Sus, parang ito lang mabibigatan."

"Yabang mo." sagot ko sakanya kaya nagtawanan kami.

"Para sa org niyo ba 'to mamaya?" tanong niya ng nasa chapel na kami.

"Oo, ako mageencode ng attendance mamaya. Ikaw saang org ka ba?"

"Wala pa eh, 'di ako mahilig sa orgs. Pero pwede mo 'ko recruit sainyo," pabiro niyang dagdag.

"Pwede naman, recruit kita tagabuhat ng laptop ko." natawa siya kaya natawa rin ako.

Nang makarating kami sa pila ng elevator ay pinauna niya ako.

"Hassle magbitbit ng laptop pala noh, muntik pa ako malate kanina," I said.

"Naka-dorm ka diba?" tanong niya.

"Apartment 'yon," pagtatama ko.

"Sensya naman boss, saan ka ba nagaapartment?"

"P. Campa lang naman pero pagod sa overpass,"

Sa overpass talaga ako pinakanapapagod dahil akyat baba. Ang sakit sa binti lalo na pagnagmamadali ka.

"Sabagay kung iiwan mo pa 'to mas mapapagod ka lang pagbabalik ka pa ulit, tapos init pa."

"Oo, kaya ayoko din umuwi na, hassle din."

"Pareparehas lang hassle," sagot niya kaya nagtawanan kami hangang makapasok ng elevator.

"Pasuyo po, 3rd floor po." sabi ko sa mga eatudyante na malapit sa buttons.

Nang makarating kami sa taas ay inabot niya na saakin yung laptop ko, I said thanks and he responded 'you're welcome' with a smile. He looks so cute when he smiles.

Parang wala manlang natuwa sa activity period mula 1 pm hangang 5 pm dahil wala naman talaga kaming klase ng oras na iyan. Kung sana tinapat sa ibang araw. Ugh.

After class kumain lang kami ng mabilisan sa tayuman, nagpaalam naman si Aub na may pupuntahan lang siya saglit kaya babalik nalang siya ng ala una.

Pagkarating namin sa Lap-hall tumulong kami sa pagaayos ng mga upuan at set up ng table. 12:55 na ng magumpisa magsidatingan yung mga estudyante. Nagumpisa na kami sa paglalagay ng detalye nila. I'll ask for their ID and input their names, year level and course.

In to me, I see.Where stories live. Discover now