"Okay!"

Ngumisi naman siya at pumalakpak. "On one condition."

"What?"

"You'll stop conyo-ing forever!"

"What?!"

"Deal or no deal? Agree or disagree?"

"Eeeeeh. What kind of condition ba yan Yeesha! I say 5 days!"

Umiling naman ako.

"6 days!"

"Arrrgh! Alright 1 week!"

"No."

"Eeeeh naman eh? 1 week and 1 day."

"Better go home Sky."

Ngumisi naman kaming tatlo nina Aisha at Ria.

"Alright! Alright! 1 week and 2 days."

Nanlulumong sabi niya.Lumapit naman sina Aisha at Ria sa akin. Bumulong sila ng kung ano hanggang sa maka-agree na kami sa isang plan.

"We say 1 month! And may tig-isa kaming hiling sa yo. AND you should obey it o'rayt? Next time na namin sasabihin yung wish namin."

Sabi ko. Halatang tututol pa siya kaya inunahan ko na.

"Kung ayaw mo umuwi ka na.Kami nalang tatlo ang magbo-bonding dito."

"Okay Fine!"

At ayun. Sa kwarto ang bagsak naming apat. Tumawag din naman silang tatlo sa bahay nila at nagpaalam. Hindi naman maka-hindi sina Tita eh sa si Sky na yung kumausap eh. Tsk babaeng yun talaga.

Currently. Nakalatag ang tig-isa naming comforters sa sahig.Yung pang-camp ba? Akin kulay Purple and Pink na may mga bunny na designs. Kay Sky Pink and Yellow na may malaking picture at signature ni Cara Delevingne. Kay Ria naman ay plain Blue at White lang pero may picture ng Elgort brothers. And lastly kay Aisha na puro mukha ni Ariana Grande ang nakadesign.

Pinasadya talaga namin tong ipagawa.Tapos kanina ng nagpaalam sila- I mean si Sky sa mga parents nina Aisha at Ria pinadala niya ito. Lakas talaga ng saltik nito eh. #Oveeeer

"Good Luck Beckham brothers!Whoooooo~"

Sigaw ni Sky habang mataman na nakatingin sa screen ng Macbook KO. Oo akin. Kung makagamit sa kanya eh.

"Yeah. Coz I'm radical! Radical! Radical!"

Sigaw ulit ni Sky. Sa totoo lang siya lang yung maingay dito eh. Si Aisha nakaharap lang sa phone niya na busy sa pagpitik-pitik. Siguradong katext naman niya yung Penguin niyang manliligaw na manliligaw ko din noon. Hmp. Malanding penguin.Pagkatapos kong bastedin kaibigan ko naman ang liligawan. #OversaKalandian.

"Ano ba Sky tumahimik ka nga! Tumigil ka na dyan sa pagsisigaw mo tulog na ang mga kapitbahay!"

Sigaw ko ng mas linakasan pa niya ang boses.Tumatalon-talon pa sa kama ko. Dun kasi pumwesto. Di ko alam kung kumakanta ba yan o nagbabasa o tumutula eh.

"FYI kumakanta ako.Hmp!"

"Ahhh kumakanta ka pala?"

Tumango-tango naman siya at tinuloy ang pagkanta.

Leshe! Masisira na eardrums ko. Sintunado talaga!

Tinakpan ko nalang ang tenga ko at tumabi kay Ria na nakatutok din ang tingin sa phone niya. Nagbabasa ata.

....Steele.

Nahagip ng mata ko ang nakaitalicized na word sa binabasa niya. Steele? Teka. Steele?!!! Familiar eh.

Mr. ColdWhere stories live. Discover now