Binalingan niya ang maid na halatang natataranta na din.

"Sena call the doctor!"

Sigaw niya dito.Halos malukot na mukha ko sa inaakto nila.Anyare guys?

"Ma! Dad! Ang O.A na ah? Kayo ding tatlo nakisali pa talaga sa kabaliwan ng nanay at tatay ko.Tsk. Okay lang ako. Okay?"

Nakapamewang na sabi ko sa kanila.

"But sweetie were just worried."

"Oo nga naman Yeesha. We love you kaya!"

Pagsegunda naman ni Sky kay Mommy.

"Tsk.Whatever.May balak ba kayong kumain?Gutom na ako eh."

Pagreklamo ko sa kanila sabay tingin sa apple na nasa kamay ko,halos buto nalang ang naiwan.

"Ah.Of course.Sena ihanda niyo na ang mesa. Let's go sweethearts."

Sabi ni Mommy at nauna ng naglakad.Humabol naman si Dad sa kanya at umakbay. Tsk. PDA.

→→→→Sa Dining Room

Pabalik-balik naman ang tingin ko sa mga nakahain na pagkain.

Black Rice. Chopseuy. Dressed Chiken with Lettuce. Mushroom soup. Lahat nalang nakikita ko green o di kaya yellow green. Nakakasilaw ah? Hindi naman sila humahain ng ganito noon. Weird.

"Let's eat?"

Sumang-ayon naman kaming lahat at nag-umpisang kumain.Medyo lutang lang ako ngayon.

"Ayeesha sweetie don't you like the foods?"

Worried na tanong ni Mom sa akin.Napatingin naman ako sa kanya at ngumiti.

"It's not that I don't like the food Mom pero bakit halos lahat gulay? Nakakapanibago lang kasi.Hehe"

Ang ganda talaga ni Mommy.Huehuehue Halatang banyaga na sa kulay pa lang ng mga mata.Ngumiti naman siya, showing her set of pearl teeth.

"Mataba ka na kasi kaya diet muna okay?Hahahaha."

Napasimangot naman ako.Mataba?Ako? Hmp. Kasalanan ko ba kung masasarap ang mga pagkain dito? Tsk. Di naman ako mataba eh. Ang sexy ko nga

"Pardon me? Mataba? Duh! Sexy ko kaya. Kaya nga maraming nagkakandarapa sa akin eh."

"Ahem." Tumikhim naman si Sky na halatang sinadya naman at kinuha ang phone niya. "Hashtag medyo vain." Sabi niya habang nagkukunwaring nagta-type.

"Whatever."

Sabi ko at umirap. Nagtawanan naman silang lahat. Seriously mataba na ba talaga ako? Tsk.

Pagkatapos naming kumain ay pinauwi ko na agad yung tatlo kasi gabi na pero itong conyong babaeng to ayaw daw kasi gusto niya dito matulog sa bahay. Sosyal din tong babaeng to eh.

"Sige na.Bonding naman tayo."

Nakangusong sabi ni Sky.

"Bonding in the middle of the night?Grabe ah."

"Eeeeeeeh? Sige na.Sometimes lang naman eh. Diba Aisha? Ria?"

Nagkibit balikat lang ang dalawa kaya lumipad na ang kilay ni Sky. Pati ang nguso nito ay halos umabot na sa sahig.

"So ganyan kayo?Ano ba guys?Support naman please?!" Bumaling naman siya sa akin. "Sige na?Please?"

Tiningnan ko naman sina Aisha.Tumango naman sila.

Mr. ColdWhere stories live. Discover now