CHAPTER 3 : A Memory Flashback

Start from the beginning
                                        

Maingat kong tinahak ang hagdan, sinisigurong hindi ako makagawa ng anumang ingay na maaaring makabulabog sa kung anumang pinanggalingan ng tunog na'yon.

Habang pababa ako ng hagdan ay nakita ko ang isang lupon ng mga lalaking nakasuot ng kulay itim na damit mula ulo hanggang paa. They were also wearing a black ski mask. Nakahawak rin silang lahat ng tranquilizers -- mga armas na may balang pampatulog. Mayroon ring mga earpieces na nakakabit sa kanilang mga tenga. 'Yan 'yong mga wire na sa palagay ko'y ginagamit nila para makipagcommunicate sa isa't isa.

I could only say: Looks like their outfits are so advance na hindi ko na matukoy kung ano pa ibang pinagsusuot nila.

Natuod lang ako sa aking nasaksihan. Pero, agad rin naman akong nahimasmasan at saka agad na naghanap ng mapagtataguan.

Buti na lang talaga at hindi nila ako nakita dahil sa tansya ko ay natatakpan naman ako ngayon ng pader.

Dahan dahan akong bumalik sa itaas at nagtago doon sa may master's bed room.

Nang makarating na ako doon ay agad kong sinarhan ang pinto at sinigurong nakalock ito.

Ingat na ingat ako sa bawat hakbang na ginagawa ko dahil konting maling galaw ko lang ay maaari na nilang malaman kung nasaan ako.

"Confirmed. The subject is positively found in this house," narinig kong sabi ng isa sa kanila.

Kahit nasa taas ako ay dinig na dinig ko parin ang pinagsasabi nila dahil sobrang tahimik ng bahay at hindi rin sound proof ang bawat room. Teka, sino naman ang tinutukoy nila? Di kaya ako? Ako lang naman kasi ang tao sa bahay na 'to ngayon.

Mas lalo akong kinabahan ng maisip ang bagay na 'yon. Kung ako man ang tinutukoy nila ngayon, ano naman ang kailangan nila sa 'kin?

Napalunok ako bigla. Para kasing may kung anong bumabara sa aking lalamunan. Kinakabahan na rin ako ngayon. Ramdam ko rin ang panginginig ng aking mga tuhod pero pilit ko lang itong nilalabanan. Kahit gusto na nang katawan kong sumalampak sa sahig ay nagdedebate naman ang loob looban ko at sinasabi pa nitong manaliti lang ako.

Kailangan kong maging matatag ngayon dahil wala akong ibang masasandalan kundi ang mismong sarili ko na lamang. Gusto ko na talagang umiyak ngayon dahil naghahalo-halo na ang iba't ibang emosyon sa akin at alam ko sa sarili kong hindi ko na 'to kakayanin. Pero, hindi pwede.

Kinagat ko na lamang ang pang-ibaba kong labi para pigilan ang sarili kong humikbi.

Why was I so emotional? Bakit ngayon pa 'to umataki? Bakit ba ganito kakomplikado ang naging buhay ko? Ako lang ba? Ako lang ba ang may ganitong klase ng buhay sa mundong ito? Kung meron mang iba? Asan na sila? Gusto ko lang sana silang tanungin. Nakayanan ba nila? Sumuko ba sila? Ano ang nangyari pagkatapos nilang dumaan sa ganitong sitwasyon?

Nilalamon na talaga ako ng napakaraming tanong. Mga tanong na hanggang ngayon ay hindi ko parin nabibigyan ng mga kasagutan.

Nabalik lang ako sa wisyo nang muling magsalita ang isa sa kanila. "Continue searching the house. The subject might just be hiding around."

Hanggang ngayon ay nakatayo parin ako sa gilid ng siradong pintuan. Napatakip na lang ako sa aking bibig dahil sa mga nadinig kong hakbang na papalapit sa may pinto ng kwartong pinagtataguan ko ngayon.

"Sir, negative. We lose trace of the subject here. Maybe, the subject already escaped the house." 'Yon ata ang narinig kong huli nilang sinabi.

Matapos non ay nadinig ko na lang ang pababa nilang mga hakbang at ang pagsara ng pinto na parang sa main entrance. Para tuloy akong nabunutan ng tinik dahil mukhang nakalabas na sila.

Agad akong lumapit sa pinto para buksan ito. Pinihit ko muna ang lock saka tuluyang binuksan ang pinto.

"Panung...?" My eyes widened and my jaws totally dropped when I found out that they are still here - in front of me. In short, we are now facing each other.

"Cornered. The subject is now in our front," sabi ng leader nila sa kaniyang earpiece na para bang may kausap siya sa kabilang linya na on aired sa pagmomonitor kung ano na ang naging kalalabasan ng kanilang misyon.

"Get her. But always remember not to harm her," utos niya naman sa iba niyang kasamahan. Sa palagay ko'y siya ang leader nila.

Agad rin namang tumango ang dalawa niyang kasamahan at saka lumapit sa kinaroroonan ko.

"Te-teka, wag kayong lumapit sa 'kin!" Napalakas ata ang sigaw ko dahil bigla silang napatakip sa kanilang tenga. Pero matapos ng ilang segundo ay nagpatuloy parin sila sa paglapit sa akin. Umatras naman ako hanggang sa wala na akong maatrasan. Dahil doon ay hinawakan na nila ang magkabila kong braso.

"A-ano bang ka-kailangan niyo sa akin? Sino ba kayo?" Matapos kong magsalita ay di man lang sila nag-abalang sumagot sa tanong ko. Pumalag naman ako at pilit na tinatabig ang mga kamay nila.

"Bi-bitawan niyo ako! A-ano ba?!" Hindi parin nila ako pinansin bagkus pinagsasangga lang nila ang mga bawat paglalaban ko sa kanila.

Maya-maya ay may kinuha ang isa sa kanila mula sa maliit na box na nakakapit na sa likurang bahagi ng kaniyang belt. Tiningnan ko itong maigi at doon ko lang napagtantong isa 'yong syringe.

Kumuha rin siya maliit na bote ng gamot at doon itinusok ang karayom ng syringe. Saka niya ito pinitik ng dalawang beses. Tiningnan niya pa ako saglit bago muling binalin sa syringe ang kaniyang atensyon.

"A-anong gagawin niyo sakin? Ba-bakit may hawak kang ganyan? A-ano ba binitan mo nga ak..." Hindi pa nga ako nakakatapos ay bigla niya na itong itinurok sa akin.

Naramdaman ko nalang na parang may langgam na kumagat sa may batok ko banda. Matapos non ay unti-unting bumigat ang talukap ng aking mga mata hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng dilim.

UNKNOWNWhere stories live. Discover now