CHAPTER 3 : A Memory Flashback

18 3 0
                                        

FREYA


I was all left dumb founded nang tuluyan nang maglaho sa aking harapan ang nakakatanda kong kapatid. Hindi ko na kasi alam kung ano pa ang pwede kong gawin. Everything seems to be so mysterious.

Naguguluhan na talaga ako sa lahat ng mga nangyayari. Para nang telenobela 'tong buhay ko at ako ang bida. Hindi ko ngalang alam kong anong genre 'to nabibilang.

Tuluyan na akong napaupo sa sahig na para bang wala na akong lakas na tumayo pa.

"Ahhhh!" Napasigaw ako nang malakas habang mahinang sinasabunutan ang aking sarili.

Sobrang sakit na talaga ng ulo ko.Punong-puno na ako ng mga tanong ngayon.

Sinubukan kong ipikit ang aking mga mata, nagbabakasakaling maibsanan man lang ang tensyong nananahan sa akin ngayon.

Ngunit sa aking pagpikit ay para bang may mga ala-alang nagflaflashback sa aking memorya. Mga ala-alang hindi ko alam kong totoo bang nagyari o kathang isip ko lamang.

"Freya!"

Napalingon ako sa taong tumawag sa akin.

It was my older brother. He was just as the same as the boy in the painting.

Patakbo siyang lumapit sa akin pero bigla akong nagsalita.

"Hwag kang lumapit sa 'kin!"

Nakita ko ang pagtataka sa kaniyang mukha pero binaliwala ko lamang iyon.

Napahinto siya sa kaniyang pagtakbo. Mga ilang metro rin ang naging layo niya mula sa 'kin.

"Ano bang pinagsasabi mo diyan?"

Narinig kong 'yon ang isinigaw niya pero hindi man lang ako nag-abalang sumagot sa kaniya bagkus ay tinalikuran ko na lamang siya.

"Freya! Ano ba?! Hinahanap kana ni papa sa loob."

Muli niyang sigaw pero hindi ko parin siya pinansin.

Nagpatuloy lang ako sa paglakad patungo sa kakaibang bagay na kanina pa umaagaw sa aking atensyon.

Isang hakbang nalang ang ikinalayo ko sa bagay na 'yon nang bigla akong huminto. Bigla rin kasing nagliwanag ang bagay na 'yon.

"Ahhh!"

Napasigaw ako dahil napakasilaw na niya.

Sinubukan kong takpan ang aking mata gamit ang aking braso pero kahit anong gawin ko ay nilalamon parin ako ng liwanag mula sa bagay na 'yon.

'Yon siguro ang una at huling ala-alang meron ako bago nangyari ang insidenting 'yon.

Matapos ko itong sariwain ay agad kong iminulat ang aking mga mata. Dahil don ay napansin kong may likidong tumulo sa sahig. Para itong tubig pero nang matapat ito sa sinag ng araw ay kuminang ito na para namang diyamante. Naisipan ko tuloy'ng tumingin sa taas, nagbabakasakaling doon 'yon nagmula. Pero, nagkamali ako kaya kinapa ko ang aking mukha at doon ko lamang napagtantong umiiyak pala ako.

Naisip ko tuloy, minsan napakahirap ng masaktan ng paulit-ulit dahil nagiging manhid ka na pagnagkataon. Hindi mo na namamalayang umiiyak ka na pala dahil kusa na lamang tumutulo ang luha mo nang wala man lang pahintulot mula sa 'yo.

Napatayo ako saka pinahiran ang mga luhang patuloy na umaagos sa aking mata gamit ang aking kamay. Matapos non, lumabas ako sa kwartong iyon at saka sinarhan ang pinto.

"Pupunta na lang muna siguro ako sa kwarto ko," usal ko at saka tinahak ang daan papunta don. Pero, bago pa man ako makapihit sa door knob, may narinig akong kaluskos mula sa may main entrance ng first floor. Naisipan ko tuloy na bumaba para tingnan kung ano 'yon.

UNKNOWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon