Simula sa Simula

6 0 0
                                    

Ipinanganak ako sa bansang Pilipinas. Kasagsagan noon nang unang mga taon nang pagsakop nang kumunismo sa bansang China. Noong mga panahong iyon din inilunsad ang kaunaunahang batas na nagsasaad na ang bawat pamilyang Tsino ay pinahihintulutan lamang magkaroon nang isang anak at ang ipapanganak na pangalawang sanggol ay sapilitang kukunin nang mga awtoridad upang hayaang mamatay sa kalye kung saan lahat nang taong makakakita ay matatakot nang suwayin ang utos na ito. Kung mahuli naming nagbubuntis nang pangalawang anak ang isang ina habang may nairehistro nang isang anak ay sapilitang dinadala sa mga ospital upang isagawa ang aborsyo- by force.

Dalawang uri ang local na mamamayan sa Tsina. Una ay ang mga empleyado nang gobyerno at ang pangalawa ay mga negosyante/magsasaka. Nabibilang ang mga magulang ko sa pangalawang uri. They proudly call themselves up to this moment as merchants. Kung mananatili sila sa bansang Tsina sa mga panahong iyon, dalawa lang ang pwedeng mangyari sa kanila. Mag trabaho sa gobyerno o manatiling negosyante/magsasaka pero manganganib na mailit ang ilang bahagi nang sarili nilang ari-arian at kailanganin nilang I-give up ang rights nila sa anumang "sumobra"sa allowed na properties per citizens nang China. Ang unfair, di ba? Kaya naman nagdesisyon silang lisanin ang bansang kinagisnan nila at nakipagsapalaran sa bansang Pilipinas. Nagsimula daw sila sa walang-wala. Ang tanging dala lamang nila ay iilang piraso nang alahas, mga plato at chopsticks at kaunting perang ipinuslit nila. Buntis na rin noon kay Diyah si Mama. Diyah means second older brother. Hindi pa noon Mandarin ang opisyal na salita nang bansang Tsina. May marami pa rin naming mga dialects na naipasa hanggang sa henerasyong ito pero ang Hokien o tradisyunal pinyin ang mas may malawak na bilang na ginagamit nang mga tsinoy. Tsinoy, tawag sa mga Chinese na kasalukuyang naninirahan sa Pilipinas. Siguro dahil mas marami talagang taga Fujian province ang naglayas at napadpad sa Pilipinas.

Pang-walo ako sa aming magkakapatid. Kung hindi napadpad nang Pilipinas ang mga magulang ko, hangin na lang ako ngayon. Ni sa pangarap hindi ako nabuo, ganoon katindi. Hahahaha

Kaya dapat pa rin akong matuwa na naging Filipino born citizen ako, kasi nabuhay ako. Nagkakilala tayo. Pero bakit ganito? Bakit nakakaramdam ako nang kirot sa puso ko? Hindi ba pwedeng huwag na lang tignan ang passports natin pareho? Mali ba ako na naipanganak ako sa ibang bansa? Dapat bang kalimutan ko na lang na nagtagpo tayo sa gitna nang magulo ko nang mundo?

Nagising na lang ako na napapangiti sa tuwing nakakatanggap nang message galing sa isang taong ni sa panaginip ay hindi ko akalaing makakatagpo ko. Sa kabila nang kaalamang "You date to marry" type of person. At sa kabila nang katotohanang nakatali pa rin ako sa maling tao. Tama pa ba itong ginagawa ko? Laging tanong ko sa sarili ko. Pero ano nga ba ang mali at ano nga ba ang tama? Marami na kasi akong nagawang tama pero mali pa rin ang resulta. At ngayon, alam kong may mali pero nararamdaman kong nasa tama.

Gusto ko na lang talagang iuntog ang sarili kong ulo sa pader minsan. Pero siyempre, mahal ko ang buhay ko kaya huwag na lang. May isang bata kasi na naghihintay sa akin. Gaano man kagulo ang mundo ko, hindi ko siya pwedeng isali. Siya pa rin ang unang-unang taong dapat kong alalalahanin sa mundong ito.

"Hey, why are you so quiet?" Tanong niya habang nakatingin sa daan at nagmamaneho. Papunta kami ngayon sa isang sikat na kainan nang mga Pinoy. Tatlong bayan ang pagitan mula sa aming lugar, may tatlong oras din ang byahe. Sa lugar din na iyon matatagpuan ang mga shopping malls at iba't ibang tourist spots dito sa timog na bahagi nang gitnang silangan. Paborito naming puntahan ang lugar na iyon dahil wala naman kasing magandang lugar sa bayang pinanggalingan namin. Kaya tuwing day off, dito kami dumidiretso. "Nothing. I just thought about the future. Yours and mine." Sinadya kong ipagdiinan ang magkahiwalay na salita. Yours. Mine. Wala eh. Anim na buwan na kaming ganito. Palutang-lutang sa hangin ang mga puso. Walang solid na pagkakapitan.

Press RestartWhere stories live. Discover now