"You just sleep in the car the whole time,right?Hindi ba tayo mag uusap man lang"pigil nya saken.Di ba nya alam na hating gabi na at kailangan ko na mag skin care??

"Pake mo ba gusto ko na matulog eh.Kung may pag uusapan pa tayo pwede bukas na lang?"inis kong sagot sa kanya.Hindi ata nya inaasahan yung sagot ko kaya medyo nagulat pa sya.

Pinauna ko yung maid maglakad dahil hindi ko alam kung san ang kwarto ko baka mamaya maligaw pa ako dito kung san san ako makarating.

Nakasunod lang ako sa kanila hanggang makarating kami sa taas.Parang tanga nga lang ako habang naglalakad dahil inaamoy ko yung mga buhok at damit nung dalawang maid kung kanila ba yung pabango na yun.Iba yung amoy ng pabango nila sa pabango na naamoy ko pagpasok sa pinto.

Medyo pamilyar yung amoy saken pero di ko matandaan kung saan o kanino ko naamoy.

"Young master dito po ang room nyo.Nasa baba lang po kami kung may kailangan kayo"magalang na saad nya.Tumango lang ako at pumasok na sa loob.

Rate ko lang yung kwarto ko..7/10 lang kase hindi ko gusto yung theme nya masyadong maliwanag,makulay at masakit sa mata.

Kinuha ko muna yung isang bag na medyo maliit lang nandun kase yung mga gagamitin ko sa mukha ko.Dumiretso na din ako sa banyo para makapag umpisa na at makatulog na rin.

"Kasalanan mo talaga Zee kapag nagkapimples ako"bulong ko habang nakaharap sa salamin.

Nang matapos ako ay umakyat na din ako sa kama.Nagscroll scroll muna ako sa mga social media accounts ko dahil baka may tumawag sakin or may nagchat.Hindi naman ako nagkamali dahil pagkabukas ko pa lang sa messenger ko ay sunod sunod ang mga nagchat..yung iba ay galing sa mga kaklase ko at nangunguna naman yung gc namin nila kuya Yim sumunod yung mga private message nila saken.

*Nandyan na ba kayo* -Kuya Yim

*Kumusta?? Sinasaktan ka ba ni Zee dyan?* -Kuya James

*Bakit hindi ka nagrereply sa gc naten may nangyari ba na masama sayo?* -Nat

*Kurimaw ano na!? Andyan na ba kayo sa bagong bahay nyo? Send pic naman nung labas at loob ng bahay para makita ko kung safe ka ba dyan* -Tutor

*??* -Kuya Jimz

Anong trip ni kuya Jimz kabod question mark lang?? Ano yun huhulaan ko?? Ganun na ba kasamang tao si Zee kaya ganyan sila mag alala para sa kalagayan ko.Parang hindi naman nila ako kilala,,kayang kaya ko kaya yun if ever man na may gawin sya saken.

Kahit na magkasama na kami sa iisang bahay..wala pa rin dapat kaming pakialaman sa mga personal naming gusto at desisyon,magulang lang naman namin may gusto nito.

Napairap na lang ako sa kawalan at binalibag na yung selpon ko sa may gilid ng kama.Tinanggal ko muna yung facial mask na nasa mukha ko pa rin at kinumutan na ang sarili ko alangan yung maid diba??

Iniisip ko pa lang na may pasok na bukas nanghihina na ako ng todo.May report pa pala kame kaya lalo na akong tinatamad.Gigising na lang ako ng maaga para makapaghanda pa ako sa classroom.

Yim's POV

Nasa kwarto ako ngayon nagtutupi ng mga damit.Kakareply lang ni Nhuu saken..mukhang pagod sya dahil sa mga reply nya saken saka sa gc kaya bukas ko na lang sya kukumustahin sa school paghatid kay Nat sana lang mag abot kame.

"Matulog kana kase,kapag ikaw na late bukas wag mo kame sisisihin"utos ni James kay Nat habang sinasara yung pinto ng kwarto ko.

"May gagawin pa nga akong report.Kaya mamaya na ako matutulog"sagot naman ni Nat at dali daling umakyat sa kama.May dala dala pa ito na isang box ng popcorn.

"To Be With Them is Enough"Where stories live. Discover now