Wakas

4.6K 330 102
                                    

“ALIS na ako, ah?” Sinukbit ni Blank ang tote bag sa kaniyang balikat bago tumayo. Nasa meeting room siya ng kanilang publishing company. Nagpaalam na siya sa kaniyang mga kasamahan matapos nilang pag-usapan ang pangalawang libro na i-pu-publish ni Alecka o mas kilala bilang si weatherwitch.

The first one became a hit, and the readers had been petitioning to publish her other works.

“Teka, Blank!” May tumawag sa kaniya.

Napalingon siya kay Ven na malawak ang ngiti habang papalapit sa kaniya. Tumitili pa ito at patalong nagtungo sa kaniyang direksyon.

“Anong masasabi mo rito? Ang pogi, ‘no?” Pinakita nito ang screen ng cellphone. 

Napakunot naman ang noo niya. “Anong pogi? Nakatalikod naman ‘yan, hindi ko makita ang mukha.”

Isang lalaking nakasuot ng white t-shirt at nasa loob ng isang flower shop. Nakatalikod ito at nakasuot din ng cap kaya hindi niya makita ang mukha ng lalaki.

“Ito ‘yong florist na nag-trending kasi pogi raw.”

“Iyong likod pogi?”

“Oo,” sagot ni Ven at muling tumili. Napatakip siya sa kaniyang tainga dahil sa tinis ng boses nito. “One week na ang lumipas pero siya pa rin laman ng social media. Dinudumog na nga ang flower shop niya, e.”

“Oh?” sagot naman niya at muling tinitigan ang picture.

Malapit lang ang flower shop sa apartment niya. Palagi niya itong nadadaanan pero hindi niya pa nagawang pumasok kahit na isang beses. Bukod sa abala siya sa kaniyang trabaho, hindi rin siya mahilig sa mga bulaklak.

“Punta tayo bukas, Blank, ah? Samahan mo ‘ko.”

“Ewan ko. Try ko,” sagot niya at naglakad na palabas ng meeting room.

Nakita niya si Alecka na naunang lumabas sa kaniya. Hinabol niya ito.

“Ganda ng sinulat mo. Pagpatuloy mo ‘yan,” saad niya at tinapik ang balikat nito.

Ngumiti naman ito sa kaniya. Naningkit ang singkit na nitong mga mata. Nakasuot ito ng glasses at natatakpan ang noo nito sa maitim na bangs. “Thank you.”

Nang makalabas sa company, humikab muna siya dahil inaantok na siya. Kagabi pa siya walang tulog dahil nag-binge read siya sa first book ni Alecka. Hindi niya ito nagawang mabasa no’ng pinasa ang manuscript sapagkat ibang project ang naka-assign sa kaniya. Hindi niya rin kaagad nasimulang basahin pagkatapos niyang bumili ng physical copy dahil abala siya sa trabaho. Kagabi lang siya nagkaroon ng oras. Hindi niya pa ito natapos at plano niyang tapusin ito ngayon.

Nagpunta siya sa isang cafe na katabi lang ng publishing company. Nag-order siya ng isang slice ng Chocolate Cake at Iced Coffee bago naglakad papunta sa pinakadulong seat. Bakante ang upuan na kaharap niya kaya do’n niya nilagay ang dala-dalang tote bag. Kinuha niya ro’n ang libro at inalis ang bookmark.

The Floods of Love and Royals, ang unang libro na na-publish ni Alecka. It was a historical fantasy set in the medieval period. It was a love story between a duke, a viscountess, and an emperor.

“Buwisit na emperor ‘to,” saad niya habang ngumunguya ng cake.

Nanggigigil siya sa mga pinaggagawa nito sa dalawang bida. Kung puwede lang na ipasok niya ang kamay sa libro, matagal na niyang sinakal si Emperor Arylys. Masiyadong papansin. Ilang beses na nga itong ni-reject ng viscountess na si Yverian, ayaw pa rin tumigil. Kahit alam nitong may relasyon si Duke Niklaus at Yverian, umeepal pa rin talaga.

Kinikilig na siya sa dalawa pero nawawala kaagad dahil sa emperor na palaging umeeksena.

Tinignan niya muna ang oras sa kaniyang relos bago pinagpatuloy ang pagbabasa. It was two in the afternoon.

“Hoy, huwag kang umalis,” mahina niyang saad at dinutdot ang mukha sa libro.

Umalis ang duke dahil inutusan siya ng emperor na pamunuan ang mga magician sa isang digmaan. Ang sabi sa nobela, nagkaayos na ang duke at emperor pero hindi pa rin siya makampante.

“Weh ba? Ba’t feeling ko eepal pa rin ang papansinin na ‘to?”

Binuklat niya sa susunod na pahina ang libro. Nakalimutan na niya ang kaniyang Iced Coffee at Chocolate Cake dahil hindi niya magawang ialis ang mga mata sa libro.

Muntik na siyang mapasigaw sa saya nang malamang buntis pala si Yverian. Pinadalhan nito si Duke Niklaus ng sulat upang ipaalam na magkakaroon na sila ng anak.

Gabi-gabi itong nagsusulat at pinapadala bawat linggo ang mga sulat na naglalaman kung ano na ang sitwasyon nito, ang mga nagpapasaya at kung ano pang nararamdaman ng babae. Kahit na simpleng bagay lang, sinusulat iyon ni Yverian dahil alam nitong gustong-gusto ni Duke Niklaus na malaman ang bawat pangyayari sa buhay ng asawa.

Mahina siyang napamura nang malamang hindi pala natanggap ni Duke Niklaus ang mga sulat. Kinuha ito ng epal na emperor. Lalo pang tumaas ang presyon ng kaniyang dugo dahil nilalason na pala nito si Yverian.

‘If I can’t have you, then no one can’ pala ang vibe ni Emperor Arylys.  Red flag na red flag.

Pabagsak niyang nilapag ang libro dahil sa inis. Gusto niya munang huminga nang malalim kasi baka tuluyang mandilim ang paningin niya at punitin niya ang mga pahina.

Nang kumalma, muli siyang nagbasa.

Malapit na siya sa ending. Umuwi na ang Duke at doon nito nalaman ang lahat. Naabutan niya ang asawa na nag-aagaw buhay na. Tuluyan itong nawalan ng pag-asa pero nang lumapit ang isang bata sa kaniya, nabuhayan si Duke Niklaus.

She read Duke Niklaus’ perspective slowly.

My ear had gone deaf, and my heart stopped beating. My life crumbled as I saw my wife on her deathbed. I was ready to lay down beside her and die with her not until a soft palm touched my arm.

It was so sudden. I was dying, but in a span of a minute, I was already in tears, relieved to be rescued in a near death experience. I still had my child. Our child. Yophiel.

Napangiti si Blank matapos itong mabasa. Isang pahina na lang ang natitira.

I promise to take care of Yophiel, Yverian. I promise to raise her well. And I promise to get what that emperor deserves. I will seek my vengeance for every pain that he caused you.

I promised to get those letters back that you wrote to me. I won’t waste every ink and read everything that you have written for me, my love.

The end.

“Ah!” Muli niyang binagsak ang libro dahil nabitin siya. Gusto niyang mabasa ang sunod na mangyayari pero sabi ng manunulat wala na raw sa plano niya na sundan pa ang libro. “Cliffhanger naman masiyado. Kainis!”

Inubos na niya ang kaniyang Chocolate Cake at Iced Coffee bago tuluyang umalis sa shop. Tinignan niya ang oras at malapit na pa lang mag-alas tres ng hapon. Sumakay siya ng taxi papunta sa apartment building. Habang nasa taxi, inayos niya muna ang kaniyang itim na buhok na naka-braid. Sinukbit niya sa tainga ang ilang hibla na natanggal sa braid bago ngumiti sa screen.

Nang makarating, aakyat na sana siya sa ikatlong palapag—kung saan naroroon ang kaniyang apartment—pero napatigil siya. Napatingin siya sa kanang direksyon nang sumagi sa isipan ang pinakita ni Ven kanina. Bago pa siya makapagdesisyon, nauna nang maglakad ang kaniyang mga paa papunta sa flower shop.

Natanaw na niya ang shop. Inasahan niyang maraming tao ang makikita niya pero wala man lang kahit ni isa ang nagkakagulo sa labas.

“Ginagago lang ba ako ni Ven? Hindi naman dinudumog, ah.”

Nang makalapit at makita ang placard na nakadikit sa glass door, doon niya naunawaan kung bakit walang tao.

Closed pala. At wala rin siyang nakitang mga bulaklak na nakaparada sa labas. Sumilip din siya sa glass wall para makita ang loob pero wala ring mga bulaklak. Sold out na yata.

Napababa ang kaniyang tingin sa isang basket na nasa loob. May isa pang piraso ng bulaklak ang nandoon.

Napaisip siya dahil parang pamilyar ito sa kaniya. Hindi niya maipaliwanag kung saan niya ito unang nakita.

May mga kamay na kumuha sa bulaklak dahilan para mapaatras siya sa glass window. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makalabas ang lalaki sa shop at naglakad papalapit sa kaniya.

“Here.” Inabot nito sa kaniya ang bulaklak.

“Ay, hindi. Hindi ako bibili—” Natigilan si Blank nang makita ang lalaki.

Isang matangkad na lalaki ang nakatayo sa harapan niya. Nakasuot ito ng hoodie at mask. Subalit kahit takpan man ng lalaki ang mukha, hindi pa rin nito nagawang maitago ang kaguwapuhang taglay. Ang balat nitong moreno ang unang nakakuha ng atensyon niya. Simputi ng niyebe ang mga buhok na hindi siya sigurado kung kinulayan lang ba ito o totoo.

“Hala, bampira,” mahina niyang sabi dahil sa mapula nitong mga mata. Hindi niya rin maipaliwanag kung galit ba ito dahil sa matalim nitong mga titig o gano’n lang talaga tumingin ang lalaki.

“Yeah. I’m a vampire,” biro nito. Nang bahagya itong tumawa, doon niya napagtanto na mukha lang pala nito ang masungit.

Tinanggal nito ang hood at mask.

For the second time, she was stunned after seeing his face. Hindi niya maitindihan kung bakit bigla na lang hindi mapakali ang kaniyang puso. There was a since of familiarity coming from the man that she couldn’t distinguish.

His white hair, red orbs, and his tan skin. Para siyang hindi totoo.

Mukhang ito ang florist na pinagkakaguluhan ng mga tao ngayon. Kaya pala nag-viral kahit likod lang ang nakita dahil sobrang guwapo nga naman talaga. Ilang beses na niyang nadaanan ang shop pero bakit ngayon niya lang nakita ang guwapong nilalang na ito?

Hinawakan nito ang kaniyang pulso at binigay ang bulaklak. “You can take this. It’s free.”

Napatingin naman siya sa asul na bulaklak.

“If you’re wondering, that is a Bluestar flower. It’s one of my favorites.” Muli niyang binalik ang tingin sa lalaki. Muntik na niyang mabitawan ang bulaklak nang dahan-dahang umangat ang mga labi nito.

His not-so-even smile made Blank speechless. Ang ganda. Masiyadong maganda.

“Totoo ka ba?” wala sa sariling tanong niya.

Natawa naman ito. “Do I look unreal to you?”

“Oo.” She nodded. “Ang guwapo mo masiyado.”

Muli itong tumawa. His tiny chuckles felt like she had already heard those before.

“Thanks. You look astonishing, too. May I know your name, miss?”

“Blank Herana.” Nilahad niya ang kaniyang kamay.

“It’s nice to meet you, Blank.” Tinanggap nito ang kaniyang kamay. “I’m Eziyah. Eziyah Cecilion.”

The End.

Into the Realm of Fiction (Published under PaperInk Imprints)Where stories live. Discover now