XVII

11 2 0
                                    

"YANKI! Sheane! Pilian niyo nga ko ng damit para mamaya sa date namin ni Harris."

Sumilip ang dalawa sa kwarto ko at nalaglag ang panga ni Sheane nang makita ang cabinet kong madaming damit. Si Yanki naman ay sanay na sa cabinet ko since, well, magulo ang cabinet niya.

"Anong klaseng date ba 'yon? Casual? Formal? O abnormal?" Pilyong tanong ni Yanki at dumiretso sa cabinet ko.

"Saan ba kayo pupunta? Restaurant or amusement park?" Tanong naman ni Sheane sa'kin at naghanap na din ng damit para sa'kin.

"Malay ko dun kay Harris pero piliin niyo nalang yung aesthetic na damit. Malay niyo aesthetic yung date namin." Sabi ko nalang at naghanap sila ng damit.

"Eto, puff sleeve shirt na kulay itim with light brown pencil skirt?" Suggestion ni Sheane at pinakita sa 'kin ang damit.

"Okay lang siya pero what if mami-meet and greet ko ang parents niya? So kahiya naman diba? Next." Komento ko.

"Turtle neck long sleeves na kulay itim with matching wide leg pants na kulay gray?" Saad ni Yanki.

"Vebs, ang init ng panahon." Nakangiwing komento ko. "Yung damit na pang-warm days." Parang may light bulb na umilaw sa utak ni Yanki at nagsimulang halungkatin ang mga damit ko.

"Ito!" Pinakita niya sa'kin ang dress na ikinalaki ng ngiti ko. Ang dress na sinuot ko no'ng prom namin dati. The purple dress I wore when I was partnered with Harris years ago. The dress that brings back my memories.

"That's the dress you wore no'ng prom natin dati diba?" Namamanghang sambit ni Sheane. "Buhay pa pala yan. Kasya pa kaya yan sayo?" Tinignan ko siya ng walang emosyon at natawa siya ng alinlangan.

"Of course! Kasya pa yan sa'kin 'no. Para namang jinu-judge mo ko ha." Irap ko sakaniya.

"Wear that later with these two pair of shoes." She gave me a doll shoes na kulay puti at tinignan ko siya ng hindi makapaniwala. 'E sakaniya 'to 'e! "Sayo na yan. Besides, I haven't use that yet and nabubulok na siya sa bahay so sayo na yan."

Ngumiti ako at niyakap siya. Niyakap niya ako pabalik. Narinig naming tumikhim si Sheane at nang tumingin kami sakaniya ay nakataas ang isang kilay niya at nakakrus ang dalawang braso.

"Excuse me? Tao pa ba ako?" Natawa kami at sinali si Sheane sa pagyakap.

"Tagal mong nawala 'e. Yan tuloy, nasanay kaming dalawa lang dito." Binatukan ni Shsane si Yanki sa pambabara nito sakaniya.

———

AFTER school, dumiretso agad ako sa bahay para magpalit ng dress. Excited was all over me at mas lalong lumala ang pagka-excite ko nang marinig ang katok ni Harris sa gate.

"Wait lang!" Sigaw ko at narinig ko na naman ang katok. "Teka nga lang 'e! Nagmamadali ka ba!" Sigaw ko ng malakas at tumigil ang pagkatok. Goods naman. Baka masapak ko sarili kong jowa pero syempre joke lang. Ang gwapo gwapo ng face no'n 'e. Baka ako pa pagbayarin pag binasag ko ang angelic face no'n.

Lumabas na ko ng bahay at naabutan si Harris na naka-formal attire na ikinanganga ko. Bakit siya naka-formal attire!? Are you kidding me!? But fortunately, it was a good idea that I was wearing my old purple dress para mukhang formal ako at hindi abnormal.

"You looked so ready. Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko at kinabit ang seatbelt.

"We will be having a picnic then after our picnic date, I'd like to introduce you to my family. And besides, my stepmom too excited to meet you kaya nag-set siya ng dinner para sa 'tin." Napanganga ako sa sinabi ni Harris! So tama nga yung sinabi kong "what-if" kay Sheane! Buti nalang talaga!

Embracing The Cold Winds (ETR SERIES #1)Where stories live. Discover now