Prologue

1.8K 98 59
                                    


Kakatapos ko lang magsulat ng aking diary.

Parang kailan lang ng nagsimula akong magsulat nito. Ang tagal na rin pala.

Ilang taon na rin ang dumaan ng isinulat ko ang aking buhay sa araw-araw na lumilipas. This will remind me of the days that I miss him. The days, weeks, months and years. For all those passing remnants of years that he left me hanging as he chose to left me alone.

Gusto kong isulat ang mga nangyari sa akin. Ang mga nangyari sa amin. Ang lahat ng mga bagay na nagpasaya at nagpaluha sa akin. I don't want to forget him in my memory. His smell, his body, his smile, his eyes. I want to cherish every bit of memory we had. The memories I had with him.

I don't want to forget. I guess... I don't want to move on.

Hindi tulad ng ginawa ng lalaking minahal ko. Na basta-bastang kinalimutan na lamang ang lahat.

Bakit hindi niya ako hinanap? Bakit lumayo siya ng hindi nagpapaalam? Bakit?

The years are quickly fading and here I am stuck in my past. Slowly picking up the broken pieces of myself. Ilang lalaki na ba ang dumaan sa akin simula ng mawala siya? Sa dami ay hindi ko na mabilang at maalala.

Ilang lalaki na ang nakasama ko sa init sa magdamag. Pero hindi pa rin nila kayang tapatan at higitan o kahit man lang tumbasan ang lalaking kumulong sa aking puso. Hindi ko siya maikukumpara. No one even comes close. Nakakapagod man ay hindi pa rin siya maalis sa aking isipan. Sa aking puso. Siya pa rin... siya pa rin talaga.

Nasaan na kaya ang lalaking yun? Masaya kaya siya? Iniisip din ba niya ako?

Nakaupo ako ngayon sa aking swivel chair sa loob ng aking opisina. Pagod na pagod sa dami ng dapat kong gawin. Masakit na nga yung batok ko sa dami ng iniisip. Napabuntong-hininga ako. Napatayo at nagtungo sa wall glass while overlooking the city of Manila. This noisy city yet an empty place for me. The same old big boring place.

Abot-tanaw ko ang Manila bay sa aking kinatatayuan at ang mga gusaling nagsisitaasan. Pati na ang nagsisimulang paglubog ng araw.

"Nakikita din kaya niya ang nakikita ko ngayon?"

Tahimik akong nagmuni-muni habang nagbabalik tanaw sa aking kahapon. Hanggang sa may mahinang katok akong narinig.

"Boss?" tawag ng aking sekretarya.

"Yes? Come in." sabay bukas nito ng pinto.

"Boss, we already selected the security team for you. As you have requested."

Napapikit ako at napahawak sa 'king sintido.

"Didn't I tell you that I don't need a security team? I said, I need a guard not a security team. One is enough. Just one!" pagbibigay ko pang diin sa huling sinabi.

"But boss, you must understand. We don't want to risk it. It would be better if you have a lot of security so it won't happen again."

Ito talaga ang kinaiinisan ko. Simula ng muntik na akong ma-kidnap ay sobrang praning na ng aking pamilya. Pati na itong secretary ko.

"It will not happen again! Nakakulong na yung mga yun pati yung mastermind. Claire, you know how I hate it when there are a lot of people who follows me around, right? One guard will be fine. It's more than enough! Narrow them down and just pick the best of all the best. An entourage will never be an option."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Barrio GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon