Prologue

202 10 2
                                    

"Clarisse? Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Taomi. Nandito kami ngayon sa Intramuros namamasyal. Mahigpit akong napahawak sa milktake na iniinom ko. Isang taon na ang nakalipas simula noon bumalik na ako sa panahon namin, hindi parin mawala sa isip ko si Heneral at ang masaklap na nangyari sa kanya.





"Ayos lang" ngumiti ako kay Taomi.





"Girls! What if mag bar kaya ta'yo mamaya!" nakangiting sabi ni Zephy sa amin at inakbayan kaming dalawa ni Taomi. Ang lakas ng impact ng  ginawa sa aking panahon nila. Maraming nangyari pero hanggang ngayon nagtataka parin ako, saan na kaya siya. Alam kong ang pinakita nilang katawan ay sunog kaya nakatitiyak ako na hindi si Heneral iyon.




"Sure! Para naman mahimasmasan itong si Ada! Ilang months na siyang ganiyan" nakangiwing sabi ni Taomi.


"Anong ganiyan?" inis na sabi ko kay Taomi.



"Lutang at tulala! Girl ano bang nasa-isip mo huh?"tanong sa akin ni Zephy. Tumango naman si Taomi bilang pag-sangayon.





"Ang nasa-isip ko ay mag bar! Woahh! Matagal ko na talagang gusto mag-bar pero hihintay ko lang mag-suggest kayo! Mabuti nalang may mga utak pala kayo" nakangiting sabi ko. Binatukan naman ako ni Zephy at Taomi dahil sa sinabi ko.




"Hiyang-hiya naman ako sa'yo" sarkastikong sabi ni Zephy.






Nagtawanan nalang kami buong araw habang kumukuha ng litratro sa bawat sulok ng Intramuros. Isang besses lang ako nakapunta sa Intramuros noong nasa panahon pa ako nila ni  Heneral, ngayon nakapunta ulit ako. Pero sa pagkakataon na ito ilang taon ang layo niya sa akin at hindi ko siya kasama.






Gusto ko man balikan ang panahon niya pero hindi ko alam. I don't know where to start. Kung may babalikan pa ba ako? But I still hoping na buhay pa siya. Napahawak ako sa kwintas na binigay niya sa akin. May luhang tumulo sa mata ko at kaagad ko iyon pinunasan.




Siguro nga mas mabuti na to. Maybe we should live our life separately. Sobrang layo ko sa kanya at maging siya sa akin. Impossibleng magkatuluyan kaming dalawa. Ngunit kung may susunod na buhay,sana nasa tamang pagkakataon at tamang panahon ang pag-ibig namin





The years, days and period will not be wall that sepate us from our love, sa pagkakaton na iyon nasa iisang panahon kami. Kahit sa panahon ng kastila o sa panahon sa hinaharap. Kahit saan pa gusto ko lang ay makasama siya.





Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kaagad ko iyon kinuha sa tote bag ko. Zephy and Taomi is still busy taking pictures. Habang ako dito tulala at malalim ang iniisip.





"Hello mom?" sagot ko sa kabilang linya.



"Where are you Ada?" tanong nito sa akin.


"Nandito ako sa Intramuros kasama ang mga kaibigan ko namamasyal kami" sagot ko.



"Umuwi ka sa mansion natin bukas, pag-uusapan natin ang blind date mo"wika niya.



"But mom--" pinutol ni mom ang sasabihin ko.




"Ada just listen to me okay! Gusto mo bang tumandang dalaga ha!" galit na sabi sa akin. Napapikit nalang ako sa inis.



"Fine"mahinahon na sabi ko at mabilis na pinatay ang tawag at nilagay iyon pabalik sa tote bag ko.

"Ohh anong nangyayare! Did you and your mom had a fight?" Taomi suddenly ask.



A Scientist's Mistake (Season 2)Onde histórias criam vida. Descubra agora