Simula

15 2 0
                                    


         || Alamat Ng Hotdog ||

" Hoy Sophia! Antagal tagal mo naman kanina pa kami naghihintay sa gate late na tayo sis ! "

" Eh kasi si mama di ako tinigilan ubusin ko daw yung tatlong hotdog for breakfast huhu sorry beh " maiyak-iyak ko nang sabi sa frenny ko na si chrissy, pano kasi na empatcho pa ata ako sa kinain ko tumakbo pako dahil baka masarahan na ako ni manong guard

Kung gaano kahigpit si kuyang guard na hindi magpalabas kahit uwian ay ganun din siya kahigpit kapag magpapapasok sa mga late, I could never!!

" Gaga ka, kaya mo ba ulit tumakbo? late na talaga tayo sis diko keri mabawasan ng points sa terror nating teacher " natataranta na si chrissy habang pabalik balik ang tingin sa relo niya, dinaman ako magkanda-ugaga dahil magulo din ang mga dala kong gamit sa kamamadaling umalis kanina, basta dampot nalang ako ng bag ko at lunch bag at kung anong sari-saring bag na may laman na projects namin, pwede na po ako madeds no joke

" Beh, pwede bang padala ng iba kong bag para makatakbo ako maayos? ansakit talaga ng tyan ko as in! No joke! Pluwss na friend? " Nag puppy eyes at pleading look na ako sa kaibigan ko kaya naman wala na siyang sabi-sabi na kinuha ang lunch bag ko at ang mga projects namin tsaka tumakbo ng mabilis

Nagulat ako ng slight sa actions niyang iyon pero dina nakakapagtaka dahil takot talaga siya sa terror naming teacher na si ma'am Alma

Sinubukan kong tapatan siya sa pagtakbo pero wala pang segundo nang manakit ng sobra at manigas ang tyan ko dahilan para huminto ako saglit at mag habol ng hininga, hinayaan ko nalang na panoorin ang best friend kong nagkukumahog tumakbo at muntikan pa madapa papuntang 3rd floor Room namin

I accept defeat, physical health first before my terror teacher hehe...

Mga 10 seconds din bago ako tuluyan na ulit na maglakad at dahan-dahan na this time para hindi mangirot at manigas ang tyan ko , nyetang hotdog

Nakaakyat na ako sa 2nd floor at halos lahat ng room ay nag uumpisa na mag klase, sign na malilintikan ako sa teacher kong pinag lagyan ng sama ng loob

" Na rearrange ko na yung part mo at tsaka ni hwannie check mo nalang sa email , sinend ko yung edited version ng whole lyrics "

" Thanks dre ako na bahala, by the way alam mo naba next concept sa new album ? "

" Hmm , may idea na depende pa kung papalitan genre nung music "

rinig na rinig ko ang usapan ng dalawang lalaki na nangunguna sa hagdan habang mahinahon akong naglalakad sa likuran nila, inshort nakikichismiss

Sikat na sikat ang school namin dahil dito madalas nag aaral ang mga pinalaking talented at mga born to be a star, andito na ang mga singerist, dancerist, exceptional actor/actress, at brainy peeps ! Normal na namay random na fandom ang magsisisigaw sa tapat ng gate, pa free ice cream or drinks van para isupport ang idol nilang mag eexam, bawat sulok ng school ay heaven sa dami ng mga pogi at pretty na students, ang iba naman ay normal lang talagang pumapasok sa school na ito katulad ko

Red flag lang sa school namin maraming camera na nakapaligid kaya mahirap maki interact basta basta , kahapon may nahuli sa dispatch na rumored dating nakita lang magkatabi sa lamesa ng canteen, ultra mega na bash si ate mo gurl! Unfortunately ang hindi alam ng mga fans Wala na talagang mauupuan kaya dun siya nakiupo, issue talaga si dispatch I could never!!

" Dipako natutulog tch! Hassle pag umaga sched- "

" Aray! " Napasapo ako sa noo ko ng hindi naka apak ang paa ko sa hagdan, dahilan para madulas at tumama ang noo ko sa bandang likod ng nasa unahan ko

ONLY THE SKY CAN WITNESS || PARK JEONGWOOWhere stories live. Discover now