Nakangiting kumuha ng cookies si Daniella at binigay rin ito kay Gian. "Cookies Kuya Gian!"

Napatingin ako kay Gecko nang lumapit siya sakin at pinanood si Baby Gris na dumede sa bottle nito.

"Uncle hindi niyo po gigisingin si Kuya Jien? Di pa siya nagb-breakfast." Tanong sakin ni Gecko nang matapos kaming makapag almusal at nandito na ngayon sa sala.

"Later." Sagot ko dito at nakangiting nilaro si Baby Gris na tumawa.

Napatingin ako kay Gecko nang bigla niya muling halikan si Gris sa labi na ikinasama ng timpla ng mukha ko.

"Gecko." Seryoso kong banggit sa pangalan nito. Agad na napatingin siya sakin at ngumuso.

"Sorry po Uncle, gusto ko po kasi talagang ikiss si Baby Gris e, sabi ni Mommy medyo matagal pa raw kami magkaka baby brother, Uncle kasi sabi ko po sainyo na bilhin na lang namin si Baby Gris e. Gusto ko na ng baby brother Uncle." Nakasimangot nitong sabi.

"You can't and that's final, just wait for you baby brother. Ayos lang ikiss mo siya sa pisngi, wag sa labi, ako lang ang pwedeng kumiss sa lips ni Gris." Alam kong nagmumukha akong siraulo sa pinagsasabi ko pero ako lang ang pwedeng humalik kay Jien at kay Gris.

"Bakit naman po?"

Tsk ano bang pwedeng irason dito.

"Kasi ang mga magulang lang pwedeng humalik sa anak."

"E bakit ako po hinahalikan ng iba po sa lips ko noong four years old po ako?"

"Imagination mo lang yun, wag ka na magtanong, basta bawal ay bawal."

"Kikiss ko pa rin siya Uncle hanggang di pa kami nagkaka-baby brother."

Sinamaan ko ito ng tingin. Tumalikod lamang ito sakin. Akala ko aalis na ito nang kunin niya yung mat at inilatag sa sahig.

Umupo siya don at tinapik ang hita niya. "Lagay mo po siya dito Uncle."

"Hindi pwede Gecko."

"Pero Uncle si JC pinayagan mo po?" Sumimangot ito. "Dapat pala ako na lang ang naging pamangkin mo para pwede ko pong mabuhat si Baby Gris Dapat ako na lang pinsan ni Baby Gris."

Napailing ako sa sinabi nito.

Napatingin kaming dalawa nang makita namin si JC na palabas ng kusina.

"Uncle, uncle bilis na po. Nandyan na si JC, aagawin niya po sakin si Baby Gris kapag hindi ko pa hawak si Baby Gris." He half shouted. "Please po Uncle, hindi ko naman mabibitawan si Baby Gris." Parang naiiyak na nitong sabi.

I sighed and kissed Gris' forehead before making him sit to Gecko who is now smiling.

"Take care of him Gecko. Aakyat lang ako sa taas." Paalala ko dito na tinanguan niya naman.

Nasa gitna ako ng pag-akyat sa hagdan nang marinig ko ang palitan ng salita ni Gecko at JC.

"Ako ang pinsan niya, ako lang dapat humawak sa kaniya, amina ako na magbubuhat." Galit na sabi ni JC.

"Ano ba, maririnig ni Baby Gris malakas mong boses baka umiyak pa siya. Ano naman kung pinsan ka niya? Si Kuya Jien, kuya ko siya ibigsabihin pamangkin ko si Baby Gris. Sino ang mas dapat humawak satin? Diba ang tito?" Sagot naman ni Gecko.

Natahimik naman si JC.

Natatawang tuluyang umakyat ako sa taas.

"Jien..." Humiga ako sa gilid niya at niyakap siya ng mahigpit. "Baby wake up, you need to eat your breakfast baby." Bulong ko at kinagat ng mahina ang tainga niya.

Jien Of Grid (M-preg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon