Simula

1.1K 26 0
                                    

"Ano itong sabi ng inay, Aubrielle, nag leave ka raw sa trabaho mo ang dalawang buwan?" salubong ng kausap ko sa cellphone.

Kakasagot ko lang at ito na ang bungad niya sa akin.

Pabagsak akong nahiga sa kama at mariing ipinikit ang mga mata. Si Mama talaga, ang bilis makapag sumbong kay Kuya.

"Anong gusto mong gawin sa loob ng dalawang buwan, Aubrielle? Magliliwaliw?" Inis na tanong niya.

Sigurado akong nagtatagpo na naman ang  kanyang dalawang kilay ngayon.

"Uuwi na ako sa atin, kuya," tamad kong sagot sa kanya.

Matagal na katahimikan ang namayani. I guess my brother didn't expect what I just said.

Eleven years away from home was not easy and I don't want to live like this any longer, hindi ko na kaya.

"Are you sure?" Bakas sa kanyang boses ang pag aalala.

I sighed heavily and smiled as if he can see my face. I already made my decision, uuwi ako.

"Yes, kuya. Sa susunod na araw na ang byahe ko pauwi." I answered him then hang up.

Being afraid of what I experienced before was not really good for me dahil gabi gabi na lang akong dinadalaw ng mapait na pangyayaring hindi ko ginusto. I run away from home to avoid the mistakes I did and the consequences of it, but I guess ang pagtakbo ko ay mas lalong nagpalala lang sa takot at pangangamba na palagi kong nararamdaman.

Sa buong buhay ko ito lang yata ang naging magandang naging desisyon ko, ang harapin ang kung ano man ang kinatatakutan at ang tinakbuhan ko.

Talaga, Aubrielle, labing isang taon na ang nakaraan tsaka ka lang nakapag desisyon? I smiled sadly of my thoughts.

Tumingin ako sa labas at tinanaw ko galing sa bintana ng sasakyan ang paaralan na pinag aaralan ko noon. Nakasakay ako sa sasakyan namin ngayon, sinundo ako ni Papa sa Airport.

Mapait akong ngumiti at bumuntong hininga. Ang daming magaganda at nakakatuwang pangyayaring naranasan ko sa paaralang ito, ngunit kahit sa anong dami nun natatabunan parin ang mga ito ng isang masakit na pangyayaring naranasan ko dahilan kung bakit ako umalis.

"Talaga bang ayos ka lang na bumalik dito, anak?" mama asked worriedly.

Lahat naman sila nag alala, e. Pati si Papa halos hindi na ako pababain ng sasakyan kanina para pumasok sa bahay, gusto niya akong ibalik sa airport at pabalikin sa kung saan man ako galing.

I held my mother's hand and assure her that I am really fine.

Nandito siya sa kwarto ko ngayon, tinutulungan akong mag lagay ng mga gamit ko sa lalagyanan.

"Masaya ako at naisipan mo nang bumalik, anak."

Ngumiti ako sabay baling kay Mama. Masaya din akong makauwi, Ma. Sana.

"Babalik din naman ako ng Maynila, Ma. May trabaho ako doon," hinaplos niya ang buhok ko at ngumiti sa akin.

Running away from my past was not really good. I am now ready to face whatever awaits me in this place. I am ready to face the cause of my trauma.

______
-Rain

Learning from Mistakes (High School Romance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon