1st Day for being a Trainer

894 40 0
                                    

WINTERINS ACADEMY
CHAPTER 27 : 1ST DAY FOR BEING A TRAINER

Maaga akong gumising para ipaghanda ang tatlo ng pagkain.

Kaya naman nilang magluto, tamad lang.

Nagmumukha tuloy nila akong nanay.

Nang matapos ay bumalik ako sa kwarto upang maligo at mag ayos ng aking sarili.

Simple shirt and pantalon lang ang aking sinuot, isinuot ko rin ang blazer na light blue at isinuot ang badge ko.

Tumingin ako sa salamin at inayos ang buhok into a ponytail at itinirintas ito.

Kailan pa ako natutong mag ayos?

Kidding.

Anyway kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng kwarto.

Nakita ko silang bihis na at kumakain na, umupo naman ako sa lamesa at kumuha lang ng tinapay at nilagyan ito ng bacon with egg and cheese.

"Pst Ali, saan ka nyan? Hindi ka na papasok as a student diba?" Tanong ni Nath while chewing her food.

"Yeah, kukunin ko muna weapon ko, yung inyo rin kunin nyo, sa hapon tayo magtetrain anyway, sasama ako kay Ms. Suzune, ipapakita nya sa akin kung paano gawin ang first aid"

Tumango naman sila sa akin.

.
.
.

Sabay-sabay kaming lumabas ng dorm, and yeah nagcast ako ng spell. Nang makababa ay nakita kami ng mga kapwa namin students, ang iba'y ngumingiti sa amin ang iba nama'y hindi kami pinapansin or iniirapan kami.

May sama pa rin ng loob, tanggalin ko mata nyo.

"Teachhh!!!" Napatingin kami sa tumatakbo na si Adrian, one of my student.

Napatingin rin naman ang lahat sa kanya.

"Teach! Ayos pormahan natin dyan ah? Nga pala, Section B ako, sila Ate Nathalie ba?"

"A kami, palakas ka muna totoy nang maabutan mo kami"

Nginusuan lang sya ni Adrian na syang ikinatawa namin.

"Nathalie?"

Napalingon kami sa tumawag kay Nath at nakita si Warren.

Nakita ko naman si Jasper at Klaeden na kasunod nya lang.

"Nagbalik rin sa wakas" sabi ni Jasper at tinanguan kami.

Ngumiti lang kami sa kanya, nakita ko naman si Klaeden na nakatitig kay Phia.

"Ehem baka matunaw" pagpaparinig ko kaya naman natauhan sya.

"Balik sa old face ha? Okay na yang hitsura nyo kesa dati, mukha talaga kayong dyosa" sabi ni Jasper

"Bakit? Maganda naman kami ah? Duh" sabi ni Jea.

Nginiwian naman sya ni Jasper.

Nagsidatingan na rin ang mga students ko at sabay-sabay kaming umalis sa building.

Nagkukwentuhan naman sila habang tahimik lang ako sa gedli.

Nang makarating sila sa kani-kanilang section ay nagpaalam ako sa kanila.

"Ali stay focus baka imbis na first aid ang magawa mo, baka mainjured pa yung gagamutin mo"

"HAHAHAHAHA gaga ka Jea"

WINTERINS ACADEMY: SCHOOL OF MAGICIANS (COMPLETED)Where stories live. Discover now