Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa kanya.

"Why didn't I think about this? Ang talino mo talaga Phia!"

"Pero mag ingat tayo sa Dark Magicians"

Tumango ako dito at tinawag ang dalawa.

"Hey.. we need to do something else." Sabi ko sa kanilang dalawa na ikinataka nila.

Pumunta kaming guild at sinabi namin kay Rica na kakausapin namin ang Guild Master.

Nagtataka ma'y pinasunod nya kami at pinapunta sa office ni Guild Master.

"Kakausapin daw kayo ng Four Goddesses"

Napatango naman ang Guild Master at inaya kaming umupo.

"Bakit?"

"Uhm.. magkuquit na po kami sa pagiging hunter" dere-deretso kong sabi na ikinalingon ni Nath at Jea.

'anong quit? Bakit?'

'oo nga?'

'mamaya, sabihin namin ni Phia sa inyo, quiet lang kayo'

'okay'

"Bakit? May mali bang nagawa ang ibang hunter sa inyo? Hindi ba sapat ang reward?"

"Hindi po sa gano'n, may iba na po kasi kaming pagkakaabalahan and lilipat na po kami ng bahay, although sa amin pa rin po ang bahay na katabi ng guild eh gusto po namin lumipat"

Napatango-tango naman ito sa akin.

"Buo na ba desisyon mo?"

Tumango ako sa kanya at ngumiti. Tiningnan nya ang tatlo at tumango rin ito sa kanya.

"Okay okay, kapag gusto nyo bumalik, alam nyong welcome kayo dito right?"

Tumango naman kami sa kanya at nagpasalamat.

Nagpasuggest pa kami ng bahay na malilipatan malayo dito sa guindo at wala sanang kapitbahay at puro puno lang ang makikita.

"Gusto nyo bang tumira sa bundok? Hahaha" tumatawang tanong nya samin.

Natawa lang kami dito.

"Eto, sandali," kinuha nya ang map at inilapag sa mesa.

"Dito ang mga bahay, abandonadong bahay nga lang ito"

Itinuro nya ang iba't ibang lugar na may ganoong bahay. Ngumiti kami at tumango.

Nagpasalamat kami bago lumabas.

"Aalis na talaga kayo? Eto nga pala ang reward nyo and sana bumalik ulit kayo" sabi ni Rica.

"Ha? Aalis na kayo Four Goddesses?!" Malakas na tanong samin ni Ken.

Sh*ta namang lalaking to, ayaw manahimik.

"Aalis na sila? Bakit?"

"Lilipat daw"

"Sayang.."

"Okay lang iyan, kapag bumalik sila, atleast kilala pa rin natin sila diba?"

"Magpapatayo akong rebulto ng apat na iyan, dahil sa kanila nabawasan na nang nabawasan ang mga criminal"

"Agree, count me in on your plan"

"Me too"

Rinig kong bulungan nila na syang ikinatawa namin.

"Ken, pag alis namin dapat wala kang papatirahin sa bahay namin ha? Tapos ikaw na rin pumalit samin bilang hunter, magaling ka naman eh"

Mukhang naiiyak naman si Ken na tinanguan si Jea.

Niyakap kami ni Ken na syang ikinagulat namin.

Lahat ng tao ay nalungkot ngunit nagpaalam na rin samin ng may ngiti.

Pagdating sa bahay ay naglinis kami at inayos lahat ng gamit namin.

"Pst, so bakit nga tayo aalis?"

"Ganito kasi, nakaisip si Phia ng paraan para matulungan ang Academy"

"Oh?"

"Magrerecruit tayo ng kagaya natin at palalakasin sila pagkatapos ay isesend natin sila sa Academy"

"Paano kung hindi tanggapin?"

"Tatanggapin yan, ako bahala"

Tumango sila sa akin.

Nang matapos mag ayos ng gamit ay umupo muna ako at ginamit ang Search upang mafeel ko kung meron bang may katulad namin sa lugar na ito.

And unexpectedly ay meron nga.

Tatlo sila at mukhang magkakakilala pa dahil magkakasama sila.

"I found three people, let's go"

Tumayo kami at lumabas.

Quiting for being criminal hunter, signing in as a Hunter of Not normal people...

......

WINTERINS ACADEMY: SCHOOL OF MAGICIANS (COMPLETED)Where stories live. Discover now