Alam ko to, Ikaw Lang by Nobita.

Ang ganda ng boses nya haha mas maganda pa sakin sh*ta.

Uminom na lang ako ng gatas at napailing.

"Ang iyong mga tingin~
Labis ang mga ningning~~
Langit ay bumaba~
Bumababa pala ang tala~~"

Ulap ang bumababa, sa bundok nga lang. Napatingin naman ako kay Czade na kumakanta at nakatingin rin ito sa  akin.

"Tumingin ka sa 'king mga mata~
At hindi mo na kailangan pang
Magtanong nang paulit-ulit~~"

His blue eyes is looking at me intently and I feel like I am drowning.

"Ikaw lang ang iniibig~" kanta nya.

Hindi ko alam kung may meaning ito pero mas maganda kung wala.

"At kung 'di kumbinsido'y magtiwala ka~
Hawakan ang puso't maniwala
Na ikaw lang ang s'yang inibig~~
Ikaw lang ang iibigin~" kanta nito at ngumiti sa akin.

Huwag kang ngumiti fles, ang pogi mo dyan.

"Okay tama na Czade, baka magising pa sila, ubusin mo na yang gatas mo at matulog ka na" natatawa ma'y inubos nya ang gatas at bumalik na sa loob.

Gusto ko pa pakinggan pero kapag pinakinggan ko baka tuluyan na ako mafall, you know si ate nyo, marupok

Ganoon rin ang ginawa ko at tiningnan muna sya na pahiga na sa higaan nila bago pumasok sa kwarto.

'ikaw lang iibigin~'

Napangiti ako bago matulog.

Nang kinaumagaha'y nagpaalam na sila sa amin upang bumalik sa Academy. Hinatid lang namin sila sa Entrance ng City at nagpaalam na.

Ngumiti ako kay Czade bago tumalikod.

"Hoy ang gaganda ng ngiti nyo ha? Inlove na ba kayo? Wag ganyan teh, may trust issues tayo" sabi ni Nath samin.

Tiningnan naman namin sya.

"Ikaw mga may trust issues pero uto uto pa rin" sabi sa kanya ni Jea at tumakbo upang makatakas kay Nath na sya namang sinundan nito.

Natawa naman kami sa kanila.

Madami ang bumabati samin kaya binabati namin sila pabalik.

"Pst I think malapit na war, tutulungan natin sila diba?" tanong ni Phia sakin.

Tumango ako sa kanya.

Yung malapit mo mga isang taon pa Phia. Pero hindi malabong mangyari iyang malapit mo, baka nga mamaya may war na eh.

"Wala pang war, matagal pa iyan, hindi pa nila natatapos ang project na gusto nilang magawa" sabi ko dito.

Totoo namang may plano ang dalawang grupo, hindi ko lang alam kung may plano bang sumali ang Nature Group.

Napahawak ako bigla sa kwintas ko, hindi ko alam kung bakit.

"I have an Idea, Ali"

"Ano iyon?"

"What if magrecruit tayo ng kagaya natin? Itrain natin sila kapag malalakas na sila, we will send them to the Academy.."

WINTERINS ACADEMY: SCHOOL OF MAGICIANS (COMPLETED)Where stories live. Discover now