Simula

195 2 0
                                    




"Van..."

"Atticus..." Nakangiting sabi ko pero ewan ko ba... deep inside kasi ay nasasaktan ako. Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako nang mahigpit. My lower lip trembled as I struggled to blink back the tears before they dripped down to my cheeks.

"I'm so sorry, Van." Mahinang sabi niya at naramdaman ko rin na may tumulong luha galing sa kaniya. Ibinaon niya pa ang kaniyang mukha sa aking balikat.

"Why?" My voice broke and my eyes welled up in tears. Itinigil niya ang pagyakap sa akin at saka niya hinawakan ang mga kamay ko, "Bakit tayo umabot sa ganitong point, Atticus?"

"Ang sakit, Van. Bakit hindi mo sinabi sa akin? Ang daming time para sabihin 'yon. Bakit nagawa mong i-keep sa sarili mo?"

"I'm sorry... pero kasi... Atticus... kung nagtatampo ka sa akin ay hindi naman yata tama na hindi mo ako kausapin ng isang buwan. Did you know that communication is the most important thing in a relationship? If we don't have good communication we can't have a good relationship. Paano na lang kapag nasa Canada na ako? Mas malayo 'yon, Atticus! Ano na lang mangyayari sa atin?"

"I know, Van. Pero mali rin naman 'yung hindi ka nagsasabi sa akin. We're partners. Sabihin mo nga sa akin, Van... sa mga plano mo sa buhay. Kasama ba ako roon? Kasali ba ako? Ano 'yon? Malalaman ko na lang ang lahat kung kailan aalis ka na? Oo, nasabi mo nga 'yung tungkol sa Canada pero hindi mo naman sinabi na malapit na pala ang alis mo." Dahil sa sinabi niya ay mas lalo pa ako napaiyak. Nagsisisi ako na bakit hindi ko sinabi sa kaniya. Siguro hindi kami darating sa ganitong point kung una palang sinabi ko na sa kaniya.

"Natakot ako, Atticus! Natakot ako na baka—"

"Baka pigilan kita? Hindi ako gano'n, Van! Hindi ako 'yung tipong lalaki na pipigilan ka sa mga plano mo dahil ako 'yung tipong susuportahan ka sa mga plano mo!"

"Paano mo magagawang suportahan ako sa mga plano ko kung 'yung mga plano mo ay kabaliktaran nung akin? For good ako roon, Atticus! Hindi ako magbabakasyon lang o mag-iistay ng ilang taon. Doon na ang magiging buhay ko."

"Willing akong samahan ka sa Canada, Van! Sabihin mo lang na gusto mo ako kasama ay sasamahan kita!"

B1: Chasing The Fallacious PersonWo Geschichten leben. Entdecke jetzt