02: Gates through the Dark

Start from the beginning
                                    

I slumped my shoulders when I had no results. Wala akong nahanap sa loob kaya sinubukan kong maghanap sa labas.

Hanggang ngayon ay wala pa rin akong napapansing kahit anong sasakyan. Mukhang bihira lang ang mga dumadaan sa kalyeng ito. Mukhang wala akong maasahan kundi ang sarili ko lang.

Sinimulan kong ilawan ang likuran, kinakapa ang bawat sulok at nagbabakasakaling may nakaukit dito. Bigla kong naramdaman ang paglubog ng aking hintuturo.

Pinilibot ko ito hanggang sa unti-unti akong nakabuo ng context sa aking utak.

The news on the clock has been forgotten. The darkness hit thrice, slowly losing its value.

News on the clock? Paanong nagkakaroon ng balita ang orasan? Napabuntong-hininga na lang ako. Pang-ilang buntong-hininga ko na ba 'to? Ano bang meron sa word na "news"? Anong connection ng news sa kanluran at silangan....

Nanlaki ang aking mga mata nang unti-unting nagkaka-sense ang lahat.

Orasan. News...North, East, West, South. Slowly losing its value thrice. Ang considered na north sa orasan ay 12, while the south is the number ay 6. Ang kanluranan or west ay 9 at ang east ay 3. At kailangan i divide by three yun.

So ang 12 ay magiging 4, ang 3 ay magiging 1, and so on. At kung iko-connect siya sa unang riddle, ang magiging sagot ay 3412 dahil sa kanluran magsisimula. Pero yung sa lima pang number....paano ka naman...

I see. Ganoon pala.

0231-296-3412. Pinindot ko na ang call button. Umalingawngaw ang pag-ring ng telepemo kasabay nang pagbilis ng tibok ng aking puso. Alam kong dapat handa na akong pasukin ang illegal territory na 'to, pero maiwasang kabahaan.

Tumigil ang pag-ring ng telepono. "Hello, this is White Scale Publishing House. How may I help you?" a woman's voice echoed from the other side.

"May buwan sa kadiliman, may anino sa liwanag." Despite my furrowed eyebrows, I replied immediately. Wait, what? A publishing company? That's boring.

Nanahimik ang aking kausap. Hindi naman siguro mali ang nasabi kong password...tama?

Wala pang isang minuto ay napansin ko ang pag-hang up ng tawag. Iyon lang naman ang kailangan kong sabihin. "Naman oh. Bakit isang publishing company ang natawagan ko-

Naputol ang aking sasabihin nang nagsimulang kumaskas ang mga bakal sa bawat isa. Lumabas na ako ng telephone stall at nasaksihan ang unti-unting pagbukas ng gate.

Kahit hindi pa ito fully opened ay nagsimula na akong umabante. Bago tuluyang sumara ang gate ay luminga ako sa kawalan, ang mundo sa labas. From now and then, mamomoblema na ko sa mga paraan para makipagcommunicate sa mga tagalabas. At the same time, kailangan kong mamuhay na malayo sa morals ko. Hinihiling ko lang na sana ay hindi dumating sa puntong kailangan kong pumatay ng tao para iligtas ang sarili ko.

Umihip ang malamig na hangin, hindi ko maiwasang yakapin ang sarili ko. Umaalingawngaw ang mga kuliglig kasabay ng mga tunog ng mga dahon na aking naapakan. Para bang ang pakiramdam ko ay magha-hiking ako papunta sa isang haunted house.

Tanging ang mga postlights lang ang nagpapailaw sa daan. Ang kadiliman ay anumang oras ay lalamunin ako ng buo kung hindi ako mananatili sa ilaw ng mga postlights.

Pagkatapos ng ilang pasikot-sikot sa masukal na kagubatan ay may unti unti kong nasilayan ang isang itim na gusali. Para bang mala-Gothic era ang disensyo ng building. Sinubukan ko itong ilawan gamit ng flashlight hindi umabot ang ilaw sa aking tinututok. Inilibot ko ang aking ma mata. Paano ito hindi nakikita ng mga tao rito?

Sa aking harapan naman ay isang malaking gate na hindi makita ang looban. Hindi na siguro nakapagtataka. Lalo't liblib na lugar 'to.

Ikinusot ko ang aking mga mata at napansin ang dalawang guard na naka-full black tuxedo. Mukhang sila ang magiging susi para makapasok ako. Unti-unti ko silang nilapitan. Napansin ko namang tinututok nila sa akin ang kanilang mga handgun. I simply put my arms in the air and stopped my tracks.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Punishment For The CrimeWhere stories live. Discover now