Pagpasok agad akong dumiretso sa kama ko at umupo. Tinignan ko ang picture na nasa night stand, kinuha ko iyon at pinagmasdan.


"Max.. Mahal nating ang isa't-isa hanggang ngayon pero hindi tayo pwede. Bakit ang komplikado ng buhay nating dalawa? Gustung-gusto kitang yakapin pero hindi pwede, hindi na pwede. Hindi ba pwedeng ibalik natin ang lahat noon? Ako lang at ikaw."


Humiga ako habang yakap-yakap ang picture niya. Naalala ko ang mga alaala namin noon. Kung gaano kami kasaya, kung gaano namin kamahal ang isa't-isa. Hindi ko napigilang ang mga luhang lumalandas sa aking mga mata.


Naalala ko yung unang pagkikita namin noon high school. Love at first sight ang nangyari sa amin ni Max. Akala ko nga noon sila ni Rain kasi lagi silang magkasama nalaman ko na lang na mag-best friend sila nung si Rain mismo ang lumapit sa akin. Siya din ang nagpakilala sa akin sa barkada.


Napakabait ni Rain. Lagi siyang ngumiti-ngiti sa akin kahit na hindi kami magkakilala. Siya ang lumapit sa akin para sabihin na may gusto sa akin si Max. Siya ang naging daan para maging kami ni Max. Siya nga din ata ang umaayos ng mga date namin at ng mga surprises ni Max sa akin.


Kaya lang habang tumatagal lumalayo na siya sa amin. Hindi na rin siya sumasabay sa amin tuwing break time. Lagi siyang mag-isa at doon nagpapalipas ng oras sa music room kaharap ang piano. Hindi nila napapansin pero ako napapansin ko. Kaya lagi ko siyang sinasamahan. Pero lumalayo pa din siya.


Siya ang pinakamagaling na pianist na nakilala ko. Kung ikokompare kaming dalawa siya ang pinaka-magaling. She dreamt on becoming a famous pianist pero hindi iyon natuloy dahil sa akin. Isinakripisyo niya ang pangarap niya para sa hininging kong isang pabor.




Rain and I both wanted to enter Julliard School in New York since yung ang no. 1 music school sa mundo. Nagkataon na nag-offer sila ng scholarship dito sa Pilipinas. Kaya nag-decide kaming mag-exam ni Rain. Pareho kaming nakapasa sa exam. Pero may another part pa, kung saan may mga ipinadalang representatives of Julliard para sa audition. Sila ang mag-dedecide kung makakapasok ka o hindi.


Mahirap kasing makapasok sa Julliard, talagang the best of the best lang ang inaadmit nila sa school nila. And i'm not one of that person. I did try my best pero hindi ako napili. But Rain was chosen. After all, she's the best sa lahat ng bagay.


I was devastated that time, kasi ako na anak ni Raymond Sanchez hindi pumasa sa Julliard. Nakakahiya iyon, lalo na't ineexpect nila na matatanggap ako. Hindi ko naman masabi kay Max kasi unang-una hindi niya ako papayagan. Pero iyon ang pangarap ko.


Naisip kong gawin ang bagay na hindi ko dapat ginawa. Kinausap ko si Rain, no nagmakaawa ako sa kanya na ibigay sa akin ang scholarship niya kapalit si Max. Oo, tama ang nabasa niyo ipinagpalit ko si Max para sa pangarap ko.


Sa maniwala kayo o hindi mahal na mahal ko siya pero paano naman ako? Noon pa lang alam ko naman na ang nararamdaman ni Rain para kay Max. At isa pa alam kong hindi matatanggihan ni Rain ang alok ko. Alam kong hindi maganda ang ginawa ko pero masisisi niyo ba ako?


Hindi ako sinagot ni Rain noong araw na nagmakaawa siya sa akin kaya nawalan ako ng pag-asa. Sasabihin ko na dapat kila Mama at Papa pero makalipas ang ilang araw nakatanggap ako ng sulat mula sa Julliard na nagsasabing tanggap ako. Hindi ko alam kung paano nagawa ni Rain na ibigay sa akin ang scholarship. Ang saya-saya ko noon kasi matutupad na ang pangarap ko.


Kinausap ko si Rain ng magkita kami sa school. Tinanong ko siya kung paano ang ginawa niya, pero nginitian lang niya ako. Ako ang nagsabi sa kanya na isekreto ang lahat sa mga kaibigan namin lalong-lalo na kay Max. Kaming dalawa lang ang nakakaalam ng mga pangyayari. Pero noong andun na ako sa New York ipinagtapat ko ang lahat sa mga magulang ko.


Noong araw na papaalis ako, ihinabilin ko sa kanya si Max. Alam ko kasi kapag nalaman niya magwawala iyon. Ang isinagot lang niya sa akin noon ay..


'Wag kang mag-alala. Aalagaan ko siya, wag mo na siyang alalahanin. Pero mangako ka na sa oras na lumapag ang eroplano sa amerika, wala ka ng koneksyon sa kanila. Ayokong mag-alala ka sa mga mangyayari dito.'


Sinunod ko siya. Sa una nahihirapan ako kaya ang ginawa nila Mama sumunod sila sa akin doon. Pero hindi pa rin ako mapakali, namimiss ko si Max. Pero tinupad ko ang pangako kay Rain. Iyon lang naman ang magagawa ko para sa ginawa niya sa akin. Walang akong balita kung anong nangyayari sa Pilipinas simula ng umalis ako, hanggang sa nabalitaan ko na lang na kasal na silang dalawa. Halos masira ang mundo ko noon, kasalanan ko naman di ba? Akala ko sa tagal ng pamamalagi ko doon makakalimutan ko na siya pero nagkamali ako.


Lahat ng desisyong ginawa ko, pinagsisisihan ko. Kung maibabalik ko lang ang nakaraan. Natupad ko nga ang mga pangarap ko pero may kulang pa din.


Naalala ko ang sinabi ni Papa kanina. Pagbibigyan kaya ulit ako ni Rain? Kung hihilingin kong ibigay ulit sa akin si Max? Gagawin kaya niya kagaya noon?















A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon