Chapter Thirty Eight

Start from the beginning
                                    

"Anak magbihis ka may pupuntahan tayo." Napakunot noo ito pero agad ring sumunod sa akin pero napatigil ito ng makita ang malalaking bag.

"Mama no..." Umiling ito at pinigilan ako sa ginagawa ko. Umiiyak na ngumiti ako at niyakap ito.

"Kailangan baby kasi hindi pwede." Umiiyak kong sabi. Bumabalik ang pandidiri ko kapag naiisip kong magkapatid kami ni Karic parang gusto kong saktan ang sarili ko dahil sa katangahang ginawa ko.

"Mama please.... I don't want to leave my Daddy." Nagsisimula na itong umiyak habang pinipigilan ako pero mabilis kong tinapos iyon at sinara ang mga mga bag.

"Let's go." Hinila ko ito palabas kahit na nanlalaban ito. Gabi na kaya walang katao tao sa labas at nakalabas kami ng bahay ng walang nagtatanong pero alam kong may nakakita sa amin katulong.

"Mama no I don't want leave!" Sigaw ni Aera habang palabas kami ng gate.

"Shut up! Hindi mo naiintindihan ang sitwasyon kaya tumahimik ka!" Galit kong sigaw. Kung alam mo lang kung gaano kalaking kasalanan na nandito ka sa mundong ito. Napahawak ako sa tiyan ko at di alam ang gagawin. Hindi ko naman pwedeng ipalaglag ito dahil mas malaking kasalanan iyon.

"Zertyl!?" Dumadagundong ang sigaw ni Karic sa loob ng bahay na ikinalabas ng mga katulong at ng mga magulang nito.

"Karic why are you shouting?" Gulat na napatingin si Karic sa Ina.

"M-mom you came home." Masayang sambit nito at niyakap ang Ina.

"Yes i was about to surprise you in your birthday but you're not here." Agad na bumalik sa isipan nya kung bakit sya napauwi sa bahay.

"Where's Zertyl?" Tanong nito kay Yaya teresa na tumawag sa kanya at ipinaalam na umalis ng bahay si Zertyl.

"Kanina pa po nakaalis Sir dala nya po lahat ng damit nila kasama yung anak nyu."

"Ano? Umalis sila!?" Gulat na sigaw ni Kairix.

"Fuck!" Mura ni Karic at agad na tinawagan si Rius.

"I don't fucking care if you're in deep sleep you need to know where did she go."

"Who?" Inaantok na tanong ni Rius.

"Zertyl."

"Fuck umalis ba? Tangina magkaibigan nga sila."

"Aera kumain kana." Hindi ito sumagot at nanonood lang sa Tv.

"Thaeryxia!" Sigaw ko. Padabog na tumayo ito at nakasimangot na umupo sa harap ng mesa. Isang linggo na amg nakalipas simula ng umalis kami sa bahay. Walang nakapagkontak sa akin dahil tinapon ko yung phone ko at nabasag iyon kaya hindi ko na dinala.

"I want to see my Daddy." Galit na binagsak ko ang baso ng tubig at pinaningkitan ito ng mata.

"Ilang ulit ko ng sabihin sayo na wala ka ng Daddy! Kalimutan mo na sya dahil hindi na kayo pwedeng magsama." Tumulo ang luha nito at tumakbo palabas ng bahay. Pagod na napasandal ako sa upuan at di mapigilang mapaluha.

Ganito na lang ba kami palagi? Gustuhin ko mang makasama nya ang ama nya pero hindi pwede.

Gabi na ng makauwi ito at tahimik na kumuha ng pagkain sa kusina para kumain. Hindi ako nito tinitignan at umiiwas ito sa akin. Masakit sa akin na naging iba ang ugali ni Aera pero wala akong magagawa. Babalik rin naman siguro sya sa dati kapag nasanay na syang wala si Karic.

Karic, nakakadiri pa ring isipin. Nandidiri ako pero nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa kanya. Masakit man pero kailangan kong lumayo.

Napatingin ako sa singsing na nasa daliri ko. Iyon sana ang regalo ko kay Karic ang tanggapin ang proposal nya. Di makapaniwalang natawa ako dahil natapos na naman ang relasyon namin na muntikan na namang makaabot ng dalawang buwan.

LIVING WITH MY EXWhere stories live. Discover now