Well si Peter lang naman. Nilayo niya yung lalaki sa akin at niyakap ako ni Peter. Akala ko naman si Jander na.


"Are you okay? Bakit ba kasi ang ikli ng damit mo?!" Bakit ba ang daming nagrereklamo sa damit ko?! Maganda naman ah.


Inilayo niya ako sa dance floor at dinala sa bar. "Tubig nga." Utos ni Peter sa bartender. Binigay niya sa akin ang tubig pagkabigay sa kaniya ng bartender.


Uminom ako ng tubig. Kumalma naman ako. "Salamat." I smiled a little bit.


"Nasan ba yung dalawa mong kaibigan? Muntik ka ng bastusin ha." Pagpapangaral niya sa akin.


"Sorry, tinatawag ko naman sila Yvette at Sera kaso ayaw lumingon sa akin. Masyadong malakas pati ang music!" Sigaw ko sa kaniya para marinig niya. Malakas nga kasi ang music diba? hahahaha.


"Let's get you home." Bulong niya sa tainga ko.


Hinawakan niya ang kamay ko't inilabas sa bahay nila. "Akala ko nandito sila mommy at daddy eh, papakilala sana kita." Nagulat ako. Pakilala agad? grabe 'tong lalaking 'to.


Sumandal na muna ako sa kotse niya at hindi na muna sumakay. "Bakit mo ba ako nagustuhan?" tanong ko sa kaniya..


"Kasi ikaw si Kinsley. Desperada man kay Jander, nakakaakit pa rin." Nilapit niya ang mukha niya sa akin pero nilayo ko naman.


"Di naman tayo nag-uusap masyado ah?"


"Basehan ba sa pagkakagusto sa isang tao ang pag-uusap? Kahit nga tingnan ka ng malayo maraming magkakagusto na sayo eh." Tumahimik na lang ako. No comment.


"Bakit mo pinaglalandakan na mahal mo si Jander? Eh halata namang hindi ka niya mahal. Nagpapakatanga ka lang sa kaniya." Sabi niya pa.


"Sorry. Desperada lang talaga." Yun lang sinabi ko.


"Wag ipangalandakan ang katangahan, tulad ng sipon, nakakahawa at baka maraming maapektuhan."


"Tulad nino?"


He smiled a weak one. 'Di ko naintinidihan kung ano ang gusto niyang iparating sa akin.


"May regalo nga pala ako sa'yo." Sabi niya't animo'y may kinuha sa kaniyang bulsa.


Isang plastik bag at binigay sa akin. Kinuha ko 'yon at tiningnan kung ano ang laman.


"Isang siomai at hopia? Seriously?" Tanong ko sa kaniya at itinaas ang plastic.


"I'll siomai love for you and I hopia like it." banat nito sa akin. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko.


Hindi dahil sa kinikilig ako kung hindi first time may bumanat sa akin ng ganon. Alam kong luma na 'yon pero nakakainit ng pisngi.


"Oh? Kinilig ka? Hahahaha." Tanong ni Peter sa akin at agad na umiling naman ako.


"Alam mo, Kinsley. Lagi kitang nakikitang umiiyak." Inangat ko ang tingin ko. "S-saan?"


Kinakabahan ako. Baka alam niya na may sakit ako. Umiiyak rin ako paminsan minsan sa school pero patago. Ayaw kong ipakita 'yon sa kanila.


"Nung hindi pa tayo magkakilala. Sa tuwing lalapitan mo si Jander tapos kinausap ka niya, iiyak ka." Tumungo ako. Totoo 'yon.


Pero nung bata pa lang kami non, wala pa ako sa tamang isip noon. 'Di tulad ngayon, umiiyak ako dahil sa sakit ko.


Hinawakan ako ni Peter sa magkabila kong balikat. "Tama na ang pag-iyak sa kaniya. Turuan mo ang puso mo na magmahal ng iba." Umiwas tingin ako sa mata niya.


Kung pwede ko lang gawin 'yon edi ginawa ko na. Kung magmamahal ako ng iba for sure iiwan ko rin sila diba? Ano ba.


"Kung nagawa mong hindi kiligin sa banat na alam mo na,  Bakit di mo subukang wag umiyak sa taong iniyakan mo na?"


"I think I should go home. Baka hinahanap na ako sa amin." Pagpapalusot ko.


Ayokong masampal sa katotohanan na wala na talaga akong pag-asa kay Jander. Oo na ako! Ako na, ako na mag-isa dejoke.


Binuksan ko ang pintuan ng kotse ni Peter nang biglang may humila sa akin.


Jander.


"Ano ba Jander! Bitiwan mo nga ako!!" Singhal ko sa kaniya. Tumigil siya't binitawan nga ako.


Lumapit sa amin si Peter at kinapitan ako sa kamay. "Jander.. Please, tama na. Naguguluhan na ako sa'yo eh."


"Miski ako rin Kinsley naguguluhan sayo. Akala ko ba gusto mo ko?! Akala ko ba desperada kang makuha ako?!"


Uminit bigla ang dugo ko doon ah.


"Jander, mali ka yata ng info na binigay sa akin." Sigaw ko sa kaniya with matching duro-duro.Kita kong naguguluhan siya sa sinasabi ko. "Hindi lang pala puso mo ang puzzle, pati rin pala utak mo. Ang hirap i-solve eh!"


"C'mon, Kinsley.. Let's talk." Lumapit siya sa akin pero nilayo ako ni Peter sa kaniya.


"No.. No!" Naiiyak na ako habang sinasabi sa kaniya 'yon.


Tama na ang pagiging desperada diba? Eto na. Ginagawa ko na.


Tumalikod na kami sa kaniya ni Peter pero lumingon ulit ako.


"Anong Paa ang masakit?" Tanong ko sa kaniya. Nakita ko siyang natawa ng mahina at tinanong rin kung ano. "PAAsa."

Rubiks Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon