"I know. Felt the same sa inyo ni Iñigo."

"Shut up."

"It's true—you two were suffocating."

Mukhang tapos na sila sa seryosong usapan nila dahil nagaasaran na sila ngayon. Ganito pala sila magusap. It looked nice. Akala ko kasi serious all over lang silang magkakapatid. I guess Chester was right when he said na close naman silang magkakapatid, but it was different. Or baka hindi lang sila comfortable na ipakita around other people kasi kapag ganito na silang dalawa lang, ang ganda ng banter nila.

Tumalikod na lang ako to give them privacy and for them to talk pa because it honestly looked really good to see them joking around like that. But nung papabalik ako, nakasalubong ko bigla si Tito Fred.

"Tito," I called. Napatingin siya sa akin. "I know you're trying... but try harder," I continued as I gave him a smile bago ako dumiretso pabalik sa kwarto ko.

Personally, I didn't really mind na kung anuman ang mangyayari sa kanilang dalawa, but I also knew na deep down, Chester's still longing for his dad. I mean, it's kinda natural... I guess? He's his only living parent. Pride lang siguro kaya he kept on using me as his excuse kung bakit niya ginagawa.

I was just reading journals when Chester came back. His face seemed really happy like he was just laughing and smiling. Ano kaya ang pinagusapan nila ni Cha? Hindi ko naman matatanong kasi malalaman niya na narinig ko iyong kanina.

"Kanina ka pa gising?" he asked as he sat on his side of the bed.

I nodded. "Hindi ako makatayo," I replied.

"Should've called me."

I shrugged. "I just browsed sa listing na lang," I said and pinakita ko sa kanya iyong ilang naka-bookmark sa akin na magandang place sa Antipolo.

The next few days were just spent us going to different restos. Walang kwentang tourguide si Cha dahil hindi rin naman daw siya lumalabas. Si Chase pa tuloy iyong naging abala sa paghahanap kung saan kami pupunta. Although I guess the good thing about this ay nakikita ko na medyo nageeffort na si Tito Fred with Chester. Kinda. I mean, it's not much, but it's a start.

"Have a safe flight," Cha said nang ihatid niya kami sa airport.

I hugged her as much as I possibly could. "Thank you. We'll be waiting for you."

"I know," she replied.

"Ninang ka."

"Akala ko si Iñigo?" she asked.

"Yes, siya rin," I replied.

"So, bakit ninang din ako?"

I grinned. "So, are you saying na magkakabalikan kayo?"

Her forehead grinned. "We didn't really break up," she said so casually na for some reason, kinilig ako. Feel ko ako iyong kinilig in Iñigo's stead dahil wala naman siya rito.

I was grinning so hard na inirapan na ako ni Cha. After that, syempre sila namang magkakamag-anak ang nagpaalaman. It was... a sight. Kulang na lang mag-nod lang sila sa isa't-isa. This family's so fascinating to observe talaga.

Pagdating namin sa lounge, as usual nagchismisan lang kami ni Chase. Kahit siya napansin niya iyong improvement. Then sa plane, hindi ko alam iyong nangyari because I was just asleep and I'd just wake up to eat and then I'd sleep again. Sobrang nakakapagod. I was happy being pregnant, but I couldn't wait to get back to my normal routine! Ni hindi na nga ako makapaglinis because I couldn't even bend down to pick-up the trash!

"Bakit... ka umiiyak?" Chester asked one time nang maabutan niya ako standing in the middle of the living room, with tears in my eyes.

"Hindi ko maabot," I said.

(Yours Series # 5) Always Yours (COMPLETED)Where stories live. Discover now