Napakamot naman siya. “Kaya surprise ‘di ba? Saan ka ba nakakita ng surprise na sinabi do’n sa isu-surprise? Mag-isip ka naman,” biro niya pa. “Joke lang, joke lang,” agad na dagdag niya.

So hindi ako nag-iisip gano’n?

Pinanlisikan ko siya ng mata. “Gusto mong layasan kita?” banta ko. Umiling naman agad siya. “Stop the plane--- este the car.”

Naguguluhan naman agad siyang napatingin sa akin. “I-I’m just joking, wife. W-What are you saying? Fuck!” kabadong tanong niya.

Napangisi naman ako bago pinanlisikan siya ng mata. “I said stop the fucking car!”

Nanlaki ang mata niya at natatarantang iginilid ang sasakyan.

“F-Fuck, what the fucking hell did I do wrong?!”

Bumalanghit na lang ako ng tawa dahil sa itsura niya. Kabado malala ang loko. “Kalma ka lang. Tuloy mo na pagmamaneho. Wala akong masasakyan pauwi kapag itinigil mo.”

Hindi niya ako makapaniwalang tiningnan. “Seriously, wife? You almost scare the shit out of me because I thought I did something wrong tapos tatawanan mo lang ako? Where’s the fucking justice on it?”

Sorry, napagtripan lang.

“Hehe, bakit may angal ka?” pinagtaasan ko siya ng kilay.

Nagbuntong hininga lang siya bago umiling sa akin. Muli niyang binuhay ang makina ng sasakyan at nagsimulang magmaneho.

“Hay, wala talagang laban ang kaguwapuhan ko sa’yo,” bubulong-bulong pang aniya na narinig ko naman.

Napangiwi na lang ako. Lumipas ang isang oras at kalahati ay nakarating na kami sa bayan. Dumaan muna kami sa isang fast food restaurant at umorder ng lunch namin.

“What do you want, wife?” tanong sa akin ni Deive habang natuon sa bintana ang braso habang nakahawak sa labi. Nag-drive thru na lang kamim

“Kahit ano basta pagkain,” sagot ko at inirapan si ateng cashier na kanina pa pinagpapantasyahan ang kasama ko.

Hoy, ateng. Akin ‘yan, hanap ka sa’yo.

“Okay,” ani Deive at bumaling kay ateng cashier. “One bucket of chicken, two orders of spaghetti, rice and palabok. Add two large burger champ, large sundae, fries, chocolate pie and iced tea.”

Napanganga na lang ako sa order ng tukmol na ‘to.

Hindi naman halatang gutom na gutom siya, ah?

“Is that all, sir?” namumula pang tanong ni ateng cashier na mukhang namamangha pa sa kasama ko. Napairap ako.

“Wala ka nang idadagdag, wife?” baling sa akin ni Deive. Umiling lang ako sa kaniya.  Tumango-tango siya bago bumaling sa cashier. “That’s all, miss.”

Mas lalong namula ang babae sa sinabi ni Deive. “O-Okay, sir. P-Proceed to the next station and we will just prepare your orders. Have a good day!”

“Thanks.”

Muling umandar ang sasakyan namin.  Nagkibit-balikat ako bago bumaling sa bintana sa gilid ko.

“Mukhang bet ka nung babae, ah?” sambit ko na nanatili pa ring nakatingin sa bintana.

“Talaga?”

“Oo, hindi mo ba napapansin? Namumula ‘yung pisngi niya sa tuwing magsasalita ka. Bet ka talaga ‘yun.”

Bet ko rin siya. Bet ko siyang sungalngalin.

BNDASD PART II: The Painful Secrets [COMPLETED]Where stories live. Discover now