SYNOPSIS

1.3K 69 6
                                    


Sa lahat ng pwede niyang hingin na materyal na bagay ay nasa kanya na. Ano pa ba ang mahihiling ng isang Devin Benilde Alcazar? Kung lahat na yata ng karangyaan, kasikatan at kapangyarihan sa industriya ng pagnenegosyo ay kanya ng tinatamasa. He has it all. Everything is at his disposal.

That's what everyone thought and knew.

Sa likod ng matayog na tagumpay nito ay ang isang malungkot, mahina at sugatang puso na hindi pa naghihilom at baka hindi na maghilom kailanman dahil sa pait at sakit na karanasan. Pawang isa siyang paslit na hinahanap ang tahanan na hindi niya maabot at mauwian. Sapagkat ang tahanang ito ay hindi na niya muling nasilayan pa. Naglaho, nawala na parang bula.

Subalit paano kapag ang pinakahanap-hanap ay biglaan na lang nagbalik at sumulpot sa kanyang harapan na hindi niya inaasahan?

Ito na ba ang kanyang pagkakataon upang muling balikan ang kahapon na siyang tangi niyang inaasam-asam? Sa pagkakataon bang ito ay sa wakas. Makakauwi na rin siya?

That Barrio GuyWhere stories live. Discover now