"Uhm, tara na. Papunta na sila sa community center." Umalis na ako ng di siya hinihintay. Di ko kasi talaga kayang makita pa siya ng malapitan kasi nahihiya ako. Naaalala pa niya kasi ako. Kung pwede lang kalimutan yung nangyari. Sana pala hindi na pang ako dumaan sa gym kasi late rin lang naman ako. Tingnan mo ang nangyari ngayon. Ugh.

     "Wait!" Sigaw niya at hinabol ang paglalakad ko. Naabutan naman niya ako kasi nga naglalakad ako while he is running. Tumabi siya sakin kaya napatingin ako sa kanya. He's so tall! Tumingala pa akong todo para makita ang mukha niya. I'm not that small pero he's just incredibly tall. More than six feet ata siya while I'm only 5'6". I'm only average. Well, basketball player kasi siya eh.

     Tumingin din siya sakin ng nakangiti. At dahil hindi ako kumportable, umiwas ako ng tingin. Mukha tuloy ang sama ko. Hay, bahala nalang nga.

     Naglakad na kami papunta sa center na isang kilometro pa ang layo. Bababa pa kami ng bundok para lang marating iyon at hindi pwede ang bus doon kasi matarik na ang daan. May jeep naman na nirentahan para sa sakayan ng mga goods na aming dadalhin mamaya. I saw Spike na nauuna na tapos hinahabol ng kabuddy niya. Pasaway talaga. Iwan daw ba ang babae.

     Walang nagsalita saamin ni Blaine during the first half kilometer. Pero si Blaine din ang nagbasag ng katahimikan.

     "Hindi ka ba talaga palasalita?"

     Kinakausap ka niya Jia, kausapin mo rin!

     Tiningnan ko siya at umiling. "Hindi naman masyado." Sagot ko. Hindi naman ako yung tipong tahimik talaga kaso...iba ang kaso niya eh. At first time niyang magsalita ng tagalog ah. His voice sounds so angelic still--what?!

     Tumingin ako ulit sa daanan dahil kung anu-ano na naman ang naiisip ko. Medyo pababa na kami sa bundok, pababa yung daan kaya naman ingat na ingat ako. Mahirap na kasing madulas at gumulong-gulong.

     "So, isang tanong, isang sagot pala tayo?" He chuckled. "Okay then. Ako na lang ang magtatanong kung ayos lang sa'yo." Sabi niya.

      Seryoso ba siya? Ako ba talaga ang kinakausap niya?

     Unless may ibang tao kang katabi ngayon na pwede niyang kausap di ba Jia? Wah! Wala naman sana.

     "Uhm, ikaw ang bahala." I shrugged, not looking at him.

     "Cool. So... anong course mo?" Tumingin ako sa kanya ng mabilis at agad na binalik ang tingin ko sa daan.

     "Uhm..Accountancy." I saw him nod from the corner of my eyes. Business din kasi ang college niya like Steph eh.

     "Nice. Atleast we're just one building away. Age?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya but I shrugged it off.

     "18." Kakadebut ko lang tatlong buwan na ang nakakaraan. Tumango na naman siya.

     "I'm 18 too. Becoming 19 next month though." Sabi niya. Tumango naman ako. So magkaedad lang pala kami halos. I bet third year na rin siya. Pero hindi ako magtatanong. Quiet lang Jia.

     "Single?" I tried to keep my face straight before I answered.

     "Yup."

     "Am I your first kiss?"

     Bigla akong naoutbalance at kamuntik pang magpagulong-gulong pababa ng bundok kung di lang ako nasalo ni Blaine. Nanlaki ang mga mata ko ng napakapit ako sa leeg niya at ang mga kamay naman niya ay nakapulupot sa bewang ko, breaking my fall.

It Takes One Kiss [One Shots/Short Stories]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن