"I love you both." Sabat ko at umupo sa tabi ni Jien.

Kinuha ko muli si Gris mula kay Jien na ikinanguso niya.

"Papaaraw kami hmm." Paalam ko dito.

"Ako papaulan kapag umulan na." Sagot nito na ikinatawa ko.

I don't know but I kinda noticed Jien's behaviors slowly changing again. Parang bumabalik siya sa dati.

"Kiss mo na lang si Daddy." Nakangiting utos ko kay Jien.

"Ayaw." Sagot lamang nito at humiga muli.

"Please? Gusto rin ni Baby Gris sabi niya."

Dahan-dahan itong umupo at tumingin kay Gris. Napasimangot ako nang halikan niya si Gris sa noo.

"Ako rin." I pouted at him.

Tinitigan ako nito bago nilapit ang labi sakin at patakan ng halik ang labi ko na ikinangiti ko.

"Labas na kami." Paalam ko.

Lumabas ako ng pinto at pumunta sa Tent na itinayo ko bago kinuha ang upuan at nilabas ito ng kaunti sa tent bago umupo don habang nakatingin kay baby Gris na tumutulo na ang laway.

Natatawa kong pinunasan ito.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas yun at lumabas si Jien na may dalang dalawang basong juice.

"Mainit." He said and handed me the glass.

"Thank you baby." Nakangiti kong pasasalamat.

Tumango lamang ito at humila ng isang upuan bago umupo ron.

Tahimik lang kaming lahat kahit si Baby Gris ay tahimik lang rin na nakatingala sa mukha ko.

Jien and I both staring at the leaves moving, enjoying the fresh air.

Napatingin ako agad kay Jien nang isandal niya ang noo niya sa balikat ko.

Gamit ang isang kamay na hindi nakahawak kay Gris ay inakbay ko ito kay Jien at marahang sinuklay ang buhok niya.

"Grid." He whispered.

"Yes baby?"

"I can't think of anything. Nabablanko utak ko these past few days." Mahina niyang sumbong.

"Do you want me to massage your head baby?" I softly asked as I placed a kiss on his head.

I chuckled when he lifted his face and saw him pouting.

Umayos ito ng upo at tumingin sakin. Naamuse ko itong tiningnan at hinintay kung anong gagawin niya o ipapagawa niya.

"Grid, kiss me here." Turo niya sa noo niya na agad ko namang ginawa. I softly kissed his forehead.

"And here." Turo niya sa mga mata niya. I kissed his eyes. "And here." Turo niya muli sa ilong niya. Instead of kissing his nose, I bit it. Mahina lang. Sumimangot ito sakin. "Saka dito pa." Turo nito sa magkabilaang pisngi niya na kinagat ko rin pareho. "Tapos ito. Don't bite it." He glared at me as he puckered his lips. I smiled sweetly at him that made him look away. Naiiling kong hinawakan ang baba niya at maingat na hinalikan siya sa labi.

"Tapos na? Or do you want me to kiss your nipples too?" I teased while looking at his shirtless upper body.

Umiling lamang ito at nagulat ako nang ilapit niya ang tiyan sakin. "Kiss me here Grid. Medyo masakit." Nakanguso niyang sabi.

"Okay baby." Mas nilapit niya pa ang tiyan niya sakin. Hinalikan ko ito ng marahan nang mas bumaba ang tingin ko kaya kitang kita ko ang tahi niya. Inabot ko rin yun at masuyong pinatakan ng halik.

Jien Of Grid (M-preg)Where stories live. Discover now