~ The Bed Affair : Chapter 9

9.2K 100 26
                                    

Chapter 9

Gino's POV

"Sir may appointment daw po kayo sa Cruz' Mags mamayang 9 am sa coffeeshop." Cruz' Mags?! Teka?

"Cruz' Mags?" Tanong ko sa secretary ko.

"Yes sir!" Sagot naman niya. Bat di man lang ako nainformed?!

"Bat ngayon lang ako nainformed?"

"Si Ma'am Mikay po kasi ng confirm. Kahapon lang po." SHIT.

Mikay's POV

"Bakit Mikay?! Bakit?!" God. Ano ba toh! Away nanaman!

"My god Gino! Ano bang kinagagalit mo?! Diba nga dapat matuwa ka pa?! Opportunity toh diba?!" Nakakainit-ulo!


"Kahit na! Dapat sinabi mo muna sakin na Cruz' Mags yung imimeet natin!" Sigaw niya. God. I can't believe it! Nag-aaway kami dahil sa non-sense na bagay!

"God! I can't believe you Gino! This is non-sense! Pwede ba mamaya na tayo magtalo?! It's almost 9 kailangan na nating umalis." Mahinahon kong sabi sakanya. Umalis kami ng walang imikan. Hanggang sa makarating na kami sa coffeeshop hindi pa rin kami nag-iimikan. Ang nakakainis pa hindi ko alam kung bakit siya nagagalit!

"Goodmorning Ms. Cruz." Bati ko sa may ari ng cruz' mags.

"Goodmorning. Ella na lang. Masyadong formal yung Ms. Cruz eh." Nakangiti niyang sabi. Nginitian ko rin siya.

"Hi Gino. Long time no see." Huh? Magkakilala sila?

"Goodmorning. Pag-usapan na natin ang tungkol sa business." Seryosong sabi ni Gino.

"Nagmamadali ka ata dear?" Nakangiting tanongni Ella sa boyfriend ko.

"You know, I'm a busy man now Ella." Sagot naman ni Gino.

"Oh I see. Gusto lang naman kitang kamustahin. I miss talking to you. Just like the old days." God. Is there something between them?!

"Ella past is past."

"I know Gino. Pero gusto ko lang malaman mo na di ko sinasadya ang mga nangyari noon!" Ex-girlfriend ba siya?!

"It doesn't matter anymore Ella."

"It does because I still love you! And besides hindi pa naman tayo officially break diba?" WTF! Harap-harapan talaga?!

"Ah ganun ba? Then I'm making it official now." Wow just wow!

"What?! Ganun ba kadali sayong kalimutan ako?!" Wow naman! Hanep para akong nanunuod ng live teleserye!

"Excuse me? Akala ko business pinunta ko dito, closure pala ng ex-lovers. Nakakahiya naman. Baka nakakaistorbo na ko sainyo. I'll go then." Pagtataray ko sakanila.

"Mikay wait!"

"Yes Sandoval? May nakalimutan ba kong marinig? Oh baka naman gusto mong maging audience niyo pako sa closure niyo?" Pagtataray ko kay Gino.

"Hey, di naman sa ganun."

"Gino! Nag-uusap pa tayo diba? We need to talk about us!" Paghahabol ni Ella. God sasabog na ko sa galit.

"See? You need to talk pa daw. Ipagpipilitan pa daw niya sarili niya sayo, dear." Hindi ko na mapigilanang galit ko.

"Excuse me?! Bat ka pa nangingialam?! Sino ka ba ha?!" Ugaling squatter. Nasa coffeeshop pero nagiiskandalo. Palengkera.

"Oh well ako lang naman ang girlfriend ni Gino Sandoval. Eh ikaw? Who do you think you are? Ex ka na diba? Ex ka lang kaya dapat umasta ka bilang Ex." Mahinahon kong sagot. And with that nag-walk out na ko. Di ko na talaga kaya presence niya. Sasabog na talaga ko sa galit. Kaya pala galit na galit si Gino kanina nang malaman niyang taga-Cruz' Mags ang imimeet namin. Dahil pala kay Ella. His ex. At di man lang niya ako ininformed?! Ano pang sense at naging kami?! He's so stupid! I need to talk to Leslie. I badly need ny bestfriend right now.

The Bed Affair [KathNiel]Where stories live. Discover now