Gusto ko na ba siya? 

Nah, masyado pang mabilis ang lahat. Hindi dapat ako magpadalos-dalos dahil kung magmamahal ka, dapat handa kang maging pagong at kalimutan ang pagiging koneho. Handa kang tiisin ang bagal ng paglalakad mo papunta sa tadhana niyong dalawa. Handa kang sumugal para lang mapatunayan mong karapat-dapat ka sa parangal na iyon. 


Even if your relationship is like a rabbit in speed, you know in yourself that you are a turtle who is willing to endure and gamble just to achieve the life you have been hoping for.

Si Phoenix, alam kong maghihintay siya gaano man katagal ko siyang sagutin. Matagal na siyang naghihintay, alam kong kaya niya pang maghintay. 

Invited kami sa dinner ni Phoenix. Inimbitahan kami ng pinsan niyang si Agathon. Doon kami sa bahay nito mag di-dinner kaya ayos na ayos ako pati si Phoenix. 

"Huling linya ko para sa inyong lahat, para sa lahat ng taong nakikinig o 'yung nalilito pa rin pagdating sa pag-ibig, ito lang ang masasabi ko sa inyo. I hope you find a love worth fighting for and a person who chooses you every single day, dahil hindi lahat ng taong natatagpuan niyo araw-araw ay mananatili..." 

Napangiti ako. 

"You're friends with that famous radio DJ right?" Biglang tanong ni Phoenix kaya nawala ang atensyon ko sa pakikinig. 

"Oo," mas lumawak ang aking ngiti. "Isa siya sa mga sikat na manunula ngayon na naging kaibigan ko simula nung bagohan palang ako sa industriya." 

"Nasabi ko na ba sayo kung gaano ako ka proud sa mga nakamit mo ngayon?" 

"Sus, hindi na mabilang-bilang, Phoenix. Ilang beses na akong nakarinig niyan mula sayo. Simula nung pasukin ko ang pagiging poet artist, ang pagiging manunulat, at ngayong nakikilala na ako ng mga tao. You always saying you're proud of me and I'm happy to hear those things to you, kasi iyon lang ang pinanghahawakan ko. Walang wala ang mga bash nila sa akin, sa dami ng proud message mo sa akin." 

"Huwag mo nga akong paiyakin!" Kumawala ang singhap sa aking bibig ng marinig ang singhot niya. 

"My gosh, Phoenix Wyatt!" Humagalpak ako ng tawa kaya unti-unti na din siyang natatawa sa kabila ng nga singhot niya. 

Nakarating kami sa mansyon ng kanilang pinsan. Late pa kami kaya mas dumoble lang ang kaba ko doon. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga pinsan niya. 

"Agathon!" Bati ni Phoenix. 

"Insan, buti nakarating kayo!" Tugon nito. Nilingon niya ako at nilapitan. "Good evening, Beverly." Nakipagbeso siya sa akin. 

"Good evening, Agathon." I said while smiling. 

"Come," 

Ramdam ko ang masamang tingin ng mga babae nilang pinsan pero hinayaan ko lang ang mga ito. Nandito lang naman ako para kay Phoenix at sa pinsan nilang si Agathon kaya hindi ko na proproblemahin pa kung galit sa akin ang mga pinsan nilang babae. 

Umupo kami sa bandang harapan kung saan malapit kay Agathon na nasa gitnang upuan. Sinerve na ang mga pagkain kaya nagumpisa na kaming kumain habang ang mga lalaki'y nagkwekwentuhan. 

Lahat sila magaganda ang pangangatawan at mga pogi pero wala pa rin makakatalo sa mga Santibastian at Montecarlos. Sila lang ang mga lahing hindi ka makapaniwala kung tao ba ang nabuhay o isang anghel. 

"Anong relasyon niyo ni Kuya Phoenix?" Biglang sabi nung isang babae na malapit lang sa akin. 

Nilingon ko ito. Hawak-hawak niya ang kaniyang baso at inaalog-alog ito. Hindi alam kung tama bang sagutin ko siya o balewalain nalang, pero nakakabastos naman iyon. 

UNSPOKEN PROMISES (ON-GOING)Where stories live. Discover now