III - So he's Rain

6 0 0
                                    

*Alyna's*

"Aaron Montenegro, your oldest brother has left so much damage here in the university. He has been a constant sight here at the discipline office so I was more than glad when he graduated 5 years ago, after 7 long years of stay here."

Napangiwi ako sa sinabi ni Ms. Tumara. She’s about 60 years old at mukhang tumanda na ito sa pamumuno at pangungunsumi sa discipline office at mga estudyanteng regular dito.

“But that was before I knew na dito rin mag-aaral ang second son ni Richard, your dad. Ganoon din si Aldrin, iyon lamang ay mas madalas ang absent noon, hindi napipirmi ng matagal dito. Although he’s really smart, I must admit. Kaya anim na taon lang siya ay grumaduate na sa four-year course.”

Napailing-iling si Miss Tumara.

“And now you’re here. Kicked out of DLSU.” Tiningnan muna ako nitong mabuti at saka inabot ang student manual at saka nagpatuloy sa pagsasalita.

“I would like to remind you that we accepted you because of your dad, at hindi mo pwedeng gawin dito ang mga offenses mo sa iyong former school. Otherwise, I have no choice but to kick you out of here as well.”

Hindi ako tumango. Aba. Hindi ko maipapangako yun.

“You may leave now.” Akmang tatayo na ako sa upuan nang magsalita siya ulit.

“Go back tomorrow. I would like a report for how you find St. Anne’s.” Inilahad niya ang kamay niya. Hahawakan ko na sana yun nang magets kong pinapalabas niya lang pala ako.

Nakakarindi talaga ang mga discipline officer. Anobayan. -.-

Tiningnan ko ang kamay ko. Hawak parin ang lukot na dalawang limandaan. Wala sana akong balak gastusin ito eh.

Nang makita ko yung preskong lalaki.. na papunta sa university café.

Haaaaah! Dumiretso siya sa isang upuan sa tapat ng aircon, may kasama itong dalawang lalaki na katulad niya, hindi rin mukhang mapagkakatiwalaan.

Pumila ako sa counter at saka inorder ang lahat ng dessert na magkakasya sa 1000 Pesos.

Mayroong mango pie, zerts, strawberry dew, chocolates at ilang ice cream na nasa mini gallon. Pagkatapos kong bumili ay pumunta ako sa gitna ng café.

“Guys.. who wants a dessert?” Nagtinginan yung mga estudyante sa akin like I’m sort of a Psycho.

“Wala? Yung perang pinambili ko dito ay galing sa lalaking iyon.” Itinuro ko ang mayabang na lalaki at laking tuwa ko nang makitang napatayo pa ito sa gulat.

Nagkaingay ang mga estudyante at saka dahan-dahang lumapit sa tray na dala ko. Pagkaubos ko noon ay inilapag ko ang tray at dumiretso sa kinauupuan ng lalaki.

“Bakit mo ginawa iyon?” Galit ngunit pabulong na sabi nito. Pumunta sa likod niya ang dalawang lalaking kasama nito at umakmang pipigilang siya. “Rain pre, babae yan!”  So, Rain pala ang pangalan ng unggoy na’to.

“Wala. Gusto ko lang.” Kinuha ko ang baryang sukli sa bulsa ko at saka kinuha ang kamay niya. Heaven. Nilagay ko iyon sa kamay niya.

“Sukli mo.” Nginitian ko siya nang matamis at saka naglakad palabas sa lugar na iyon. Napangiti ako, yung totoo. Really, natutuwa akong makitang naaasar ang Rain na iyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 19, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

InsoucieuxWhere stories live. Discover now