I - Her Story.

12 0 0
                                    

They wear glasses, there are 8 of them na dumaan. Nakasukbit ang backpack sa isang balikat, tapos yung free hand may hawak na isa pang bag. Yung iba lunchbag, yung iba laptop siguro yung laman. Tapos yung dalawang nahuhuli nakalabas yung upper part ng rubber shoes sa loob. Hmn.

            Next na dumaan.. no, more appropriate is rumampa. Yung iba, unat na unat yung makintab na buhok. Tapos yung iba wavy na halata namang naging dahilan pa ng pagkakalate nila sa sobrang pag-ayos. Tumigil sa paglakad yung isang babae sa unahan. Kung sorority man itong grupong nakikita ko ngayon, siguro ito yung nasa mataas na katungkulan.

            Literally.

            Sa 3-inches ba namang heels niya. Tsktsk.

            Sinipat ako ng babae. Mula paa, paakyat hanggang sa ulo ko.

            Nag-smirk siya, tapos tumuloy na sa paglakad. Tumuloy narin yung mga kasama niya.

            Whew. I know, hindi ako katulad nila na saurada makapagmake-up. I’m okay with a lip balm and face powder. Yung johnson’s lang. Walang wala din yung suot kong skinny plus rubber shoes sa porma nila at gladiators.

            Not as if I can’t afford those.

            But, it’s just that.. this is me. Free spirit. Or you may say, walang pakialam.

            Tumayo na ako sa bench na kinauupuan ko. Kailangan ko na siguro hanapin yung room ko sa next class. Hindi kasi ako umattend dun sa first. Wala lang. Nakakatamad bumangon eh.

            Tapos may dumaan na naman na grupo. Wow ah. Ayaw naman nilang magsama-sama? This time they are all boys. Naka-jersey, halatang galing sa practice. May dala pang bottled water yung iba.

            Nakita ko yung isa bumulong sa katabi niya, tas nginuso yung direksyon ko. Tiningnan ako nung lalaki, mejo malagkit. Mejo mababa kasi yung neckline ng suot kong blouse. Pero hindi ko na tinangkang itaas, di nagmukha lang akong tanga.

            -_____-

            Tiningnan ko yung building na ahead sa dadaanan ko.

            So.. this is my new school. St. Anne’s University.

            This would probably be one of the boring schools. Innocent nerds, bitchy bitches, and pervert players.

            Actually sa lahat namang school merong ganito. I don’t need to fit in. Gusto ko lang sana kahit papaano mayroon akong makakasama na cool.. someone I could go along with.

            Sabagay.. sa tatlong taon ko sa oh-so-prestigious De La Salle Univesity, wala naman akong nakasamang ganoon. Ewan ko ba, wala lang akong nagustuhang kaibiganin. Kaya kahit na-kick out ako doon, ayos lang.

            I mean, hindi naman sa okay lang, pero.. parang ganun na rin.

            Yes. I have been kicked out of that school.

            Nahuli kasi akong gumagawa ng mural sa likod ng isang building. Yung professor na nakahuli sa akin, pinulaan pa yung ginawa ko. Hindi raw maganda yung theme. What I did was about being carefree and radical. Hindi niya daw gusto kaya isinumbong ako. Papaanong hindi eh PolGov professor pala yun. Psh. What does he know about art?

             That was not the first offense I did though.

            Nahuli narin akong nagpipinta sa storage room, nakikipag-away dahil sa pagtatanggol sa mga scholars na binubully ng rich kids at nung niyakap ko yung isang statue at saka nagpapicture noong freshman pa ako.

            Hindi ako nagrerebelde dahil wala akong nanay, o dahil walang pakialam sa pinaggagawa ko yung daddy ko. I mean, hindi naman talaga ako nagrerebelde. Mana lang siguro ako kay dad.

            Hindi nagpapakasal ang papa ko. He has many girlfriends though.

            Yung oldest kuya ko anak niya sa childhood friend niya. Dahil first time yun hindi niya nagawang kunin. Despite that, hindi siya nagkulang sa financial needs ni Kuya Aaron. Ngayon naman ginagastusan ni Dad ng luxury cars si Kuya, pito na ata yung kotse nun. The hell I care.

            The other is Kuya Aldrin, travelling naman ang luho nun. He’s in Africa yata ngayon. Ewan ko ba, nakahiligan niya na yung ganun kasi nung bata siya palipat-lipat siya ng tinitirahan, months nakay Dad, minsan uuwi sa Mom niya sa Australia. Nung nagcollege nalang yun nagsettle nang kaunti dito sa Pilipinas.

            While I.. Alyna Montenegro.. I don’t share privacy if planned. So mashashare ko yun pag.. nasabi ko lang basta.

            Both of my two brothers graduated here in St. Anne’s, and so did my aunt. Markado daw sila sa panggugulo dito eh, kaya ayaw sana ni Dad na dito ako, but since pasaway lang din naman ako, at alam niyang di niya mababago yun dahil ganoon din naman siya.. kinausap niya yung contact niya dito after me having been kicked out of DLSU.

            Enough of myself.

            Naalala kong pinapadaan pala muna ko sa discipline office para maiorient. Ididiscuss daw sa akin yung rules and regulations. Para namang may maaalala ko ni isa man dun?

            I was about to move forward nang may marinig akong humahagikgik sa may guard quarters na nasa likod ng bench na kinauupuan ko kanina. Hinawi ko yung ilang halaman na nakakatakip sa may pintuan nun.

            Tapos naging ungol yung hagikgikan.

            Binuksan ko yung pinto na hindi naman talaga naisara nang maayos.

            Tapos nakita kong lumaki yung mata nung babae. In all fairness, maganda. Itinulak niya yung lalaki tapos napaanas ng “Fuck!” yung huli. Tinitigan ko yung nakalilis na palda nung babae, parang nagulat pa siya sa ayos nun tsaka dali-daling binalik sa ayos at saka tumungo.

            Hindi pa yata ako napansin nung lalaking nakatalikod parin.

            Tumikhim ako.

            “Ahh.. New student kasi ako dito. I was just wondering kung pwede niyo akong samahan sa discipline office?”

            Nag-stiffen yung lalaki at saka dahan-dahang tumalikod.

InsoucieuxWhere stories live. Discover now