Kabanata 15: Pangako

5 1 0
                                    

Makalipas ang ilang araw ay nagsimula na kaming mag-plano sa kung ano ang una naming hakbang. Malik became so busy at wala na siyang halos oras para kausapin man lang ako o turuan sa pakikipagdigma. Marami na rin akong alam sa panandalian niyang pagtuturo sa akin at sa mga natutunan ko noong ako'y bata pa.

Nasa kwarto lang naman ako para mag-ayos ng mga damit ko nang maisipan kong lumabas at bumaba muna upang tumulong sa kusina ngunit dumapo ang aking tingin at pandinig sa kwarto ni Malik. May kausap ito at dahan-dahan akong lumapit sa pinto.

"Apya si Jameela bu i makambalingan," dinig kong sambit ni Malik.

"Bëgkabagël ger si Datu Alimasig du apya ngin pan na malubay dën si Bai Jameela du si Datu Malik na su bagukitan na masu di rën abënal magaga ka paydu bu abënal na gapintuwan dën du di bun kapakayan a si Jameela bu i makauli. Di sekanin makauli u sekanin bu." dinig kong sagot ng babae.

Translation:

"Kahit si Jameela lang po ang makakabalik," -Malik

"Lumalakas na ang pwersa ni Datu Alimasig at humihina na rin panigurado ang Bai Jameela at Datu Malik at ang lagusan naman ay lumiliit na talaga. Hindi rin makakabalik si Jameela kung mag-isa lamang siya."-kausap ni Malik.

I breathed heavily. Hindi ito maaari. Kailangan naming makabalik. Nang kaming dalawa. Walang mamamatay sa panahong ito. Kailangan naming makabalik ng buhay.

"Nabago na ba ang tadhana?" dinig kong tanong ni Malik.

I heard the deep sighed of the woman. "Iisa lamang ang nabago ayon sa kalapating tagapaghatid ng balita..." sagot nito.

Kumunot ang noo ko sa aking narinig. Ano ang nabago? Wag sana niyang sabihin na hindi kami mag-eexist sa kasalukuyan. What the hell? Ano ba itong naiisip mo, Jameela.

"Ano ito?" tanong ni Malik.

Wala akong narinig na sagot mula sa babae.

May naramdaman kong parang kumakamot sa paa ko at nakita ko ang isang itim na pusa. Sa sobrang sakit ng kalmot nito ay napasigaw ako at napalabas naman si Malik.

"Anong nangyari sa'yo?" tanong ni Malik.

"Nakalmot ako," sagot ko.

Binuhat niya ako papunta sa kwarto ko at nilapag ako sa kama. Tumayo siya ng matuwid bago ito umambang aalis ngunit...

"Malik," pagtawag ko. Humarap naman ito sa akin. "Makakabalik pa ba tayo?" tanong ko.

He sighed before he sat in my side.

"Makakabalik pa naman tayo. Ang hindi ko lamang alam ay kung tayong dalawa ba ay makakabalik pa na magkakilala." sagot nito.

Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi.

"Huh?"

Hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan ito. "Ipangako mong kahit hindi natin makilala ang isa't isa ay mamahalin mo pa rin ako kung mahal mo talaga ako. Our hearts will recognize each other as soon as we meet." sabi nito bago binitawan ang kamay ko.

I smiled at him.

Pangako. Sa mundong napakagulo at kahit hindi man natin makilala ang isa't isa ay tayo pa rin sa huli. Ang ating mga puso ay magtatagpo sa tamang oras.

Makalipas ang ilang linggo ay bigla na lamang naging tahimik ang aming buhay. Wala akong balitang natanggap kay Malik. Wala man lang akong ginagawa kung hindi ay makipagkwentuhan lamang may Farah. Tinuruan din nila akong maghabi, manahi ng tela at marami pang iba.

Hindi na rin palang masamang napunta ako sa panahong ito dahil natuto rin akong manguha ng prutas at gulay sa mga kakahoyan kasama si Farah at si Aminah. Tinuruan din nila akong magluto ng gulay at kung ano pa man na kailanman ay hindi ko nagawa sa tanang buhay ko. Natuto rin akong makisama at maging palakaibigan sa panahong ito.

"May iba pa akong kaibigan, Bai Jameela ngunit hindi sila Muslim. Katoliko ang kanilang relihiyon. Nakilala ko sila sa palengke. Nandito lamang sila kagaya ng mga katutubo upang makapag-latag ng paninda." kwento ni Farah.

Now, I know. May mga ibang religion na rin pala sa panahong ito. Good thing may mga nalalaman na ako.

"Ang mga espanyol, Farah. Nandito na rin ba sila sa Pilipinas?" tanong ko.

Tumango siya. "Balita ko ay nandito na rin sila ngunit hindi nila kayang sakopin ang Maguindanao. Marami silang makakalaban na Datu." sagot ni Farah.

Good thing, wala pa sila dito but for sure in the history mapapadpad din sila dito pero makakalaban nila ang mga Datu. Pero kung sasalakay man sila sa ngayon na magulo pa rin dito dahil kay Datu Alimasig ay mas lalong mahihirapan ang probinsiyang ito baka kalaunan ay mawala na lamang ito. Kailangan talaga itong ipaglaban.

Naisipan kong maghanap ng papel at tinulungan naman ako ni Farah kung paano gamitin ang pluma na pang-sulat. I started writing my message for him.

Mahal ko,

Ako'y nagagalak kung ito'y iyong mababasa kung tayo'y nasa 21st century na. Salamat dahil dinala mo ako sa panahon kung saan lahat ay halos libre pa. Sa panahon na kung saan ay nailigtas ako sa pag-control ng aking ama sa aking buhay. Aminin ko, noong una ay ayaw ko talaga sa'yo ngunit hindi nagtagal ay napamahal na rin ako sa'yo. Nakita ko kung gaano ka ka-derteminado na ibigay kung ano mang gusto ko sa panahong ito. Kahilingan ko sa'yo ay ibalik ako sa kasalukuyan ngunit sa ngayo'y kung iisipin man ang pawang pagmamahal ko sa'yo ay mas pipiliin kong manatili ngunit sa buhay ay dapat ding isipin ang kinabukasan kaya'y sa panahon kung saan mo man ito mababasa, sana ay piliin mo pa rin ako dahil pinapangako kong ika'y aking pipiliin pa rin kahit gaano man kagulo ang mundo.

Nagmamahal;

Jameela Ferdaus Abdulkarim

Kung ano mang mangyari ay nais kong ibigay sa kanya ito bago kami man ay makabalik sa 21st century.

"Para saan po ba 'yan?" tanong ni Farah.

I smiled at her. She's too innocent. Wala siyang kaalam-alam na ito'y parang love letter lang.

"Wala lamang ito, Farah. Malalaman mo rin ito sa tamang panahon." I chuckled.

Inaya niya akong lumabas kaya sumama na rin ako. Marami siyang pinakilala sa akin. Pati mga kaibigan niya sa palengke at sa mga sakahan ay pinakilala niya sa akin.

Nang makaramdam ako ng gutom ay inaya ko na siyang umuwi. Habang kami ay naglalakad ay may mga nararamdaman akong nakamasid. Mahigpit kong hinawakan ang papel sa aking kamay at biglang lumabas ang lalaking tauhan ni Datu Alimasig.

"Farah, takbo!" sigaw ko.

Tumakbo kami ni Farah nang magkahawak kamay ngunit may mga sumulpot pa rin sa aming harap.

Kung ako lang mag-isa ay paniguradong makakalaban pa ako but I'm thinking Farah's condition. Wala siyang alam kaya hindi siya makakalaban. Nahuli kami at pina-amoy ng hindi ko alam ngunit bigla na lamang akong nakatulog. Nagising ako sa isang kubo. Nakita ko si Farah na nakahandusay at nasa aking tabi naman ang unang Bai Jameela.

"Bai Jameela," bulong ko.

I heard the deep breath of Bai Jameela. "Huwag kang mag-alala. May magliligtas din sa atin." sagot nito.

Hindi ko na alam kung ano pa ang kahahantungan ng lahat. Hindi ko rin alam kung kaya ba kaming iligtas ni Malik.

"May tanong lamang ako," I sighed. "Ginahasa ka po ba ni Datu Alimasig?" diretsahang tanong ko.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Muntikan lamang ngunit hindi niya ito naituloy. Salamat sa iyong asawa." sagot nito.

Naguguluhan pa rin ako sa lahat. Ang sabi ni Malik ay nagahasa siya ngunit ngayo'y sinasabi ng Bai Jameela sa aking harapan na siya'y nagpapasalamat kay Malik dahil kung hindi dahil sa kanya ay magagahasa ito. Hindi kaya ay dahil nagkaroon ng pasa si Malik ay dahil iniligtas niya ang Bai Jameela?

Lighten the Darkest Past (Ongoing)Where stories live. Discover now